Chapter 57

21 0 0
                                    

Rule:
"I'M NOT SCARED OF DEATH. THE REASON THAT I'M STILL ALIVE IS BECAUSE DEATH, ITSELF, IS AFRAID OF ME."

Scarlett Forke's POV

"Cheers!!!"

Kinig ko ang sunod-sunod at malalakas na mga tawanan ng isang grupo ng mga lasing na lalaki, di kalayuan sa kinakatayuan ko.

Halata namang mga sabog na sila at mukhang malakas na rin ang tama.

"Ha?!!?"

Pag-uulit ko dito sa maskuladong bouncer na halos mapuno na ang buong braso ng tattoo. Puro hikaw ang kanyang kaliwang tenga at may isang hikaw sa gilid ng ilong.

Tsk!-tsk! *iling~iling*

Kanina pa siya may tinatanong sa akin kaso mukhang distracted din siya gawa dun sa mga lasing.

Napapangiti siya sa sarili, mukhang ine-enjoy din niyang panoorin ang mga kaibigan niya.

"Pangalan?"

Muli niyang tanong habang nakatingin sa papel na binigay ko na nagsasabi ng mga impormasyong kaylangan nila mula sa akin.

Tinanggal ko ang lollipop ko at maangas na tumingin sa mga mata niya.

"Scarlett DeLas."

"Hahahaha!!!"

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makinig kong tumawa ng galak si Kuya bouncer.

"Tawa ka??"

Turo ko sa kanya gamit ng lollipop sabay tinaasan siya ng kilay.

Oo!! Ganto ka dapat pagnandito ka!

Dapat maangas!! Dapat di nila malalaman na may kinakatakutan ka! Dapat halang ka!

Dahil kung hindi??

Ikaw ang mamamatay ngayong gabi.

Yun na yun!

End of story na.

"Ha?!! Wag mo kong ina-angasan dito bata!! Bago ka palang!!"

Ngumisi lang ako nang ibuga niya sa mukha ko ang usok mula sa kanyang sigarilyo.

"Papasok ka pa ba??! Nagkaka-ubusan na! Kung pera lang, wag dito. Habulin mo na lang yung syam na milyon baka mapadali pa buhay mo! Hahaha!!"

Tumungo siya at nilapit ang pangit niyang mukha bago ako itulak-tulak ng bahagya.

Tinatakot niya ko pero mukhang mali siya ng ginagawa.

Hellow?!!!

Hindi niya ko kayang takutin ng ganyan lang!!

Si Kamatayan nga pinilit kong makipag-blind date sa akin eh!! Kaso hanggang ngayon di pa ko sinisipot kaya sa kanya??!

Pfftt! Baka mga bata sa halloween matakot niya pero boy! Wag ako.

Sumilip ako sa gilid ng mata ko at nakitang nagsi-tinginan na yung mga lalaking nag-iinuman. Nagtawanan sila.

"HAHAHAHA!!! Yang ganyang liit??!"

"Marami ka pang kakaining bigas!! Di mo kilala ang Phantom!! Hahaha!!!"

"Tang*na! Kain nga ang capo. Hik!! Babaitang shunga pa!! Wahahaha!!"

"Uy!! Papasukin na yan nang makita niya ang hinahanap niya!! Haahaha!! Hoy! Bigyan mo kami ng bote dito! Bilis!"

Agad na lumapit ang isang babaeng kinapos sa tela ang suot, may dala itong isang tray ng alak.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon