Rule:
I WILL GRANT THE THINGS THAT A PRAYER CAN'T DO FOR YOUScarlett Forke's POV
"For the fifth time. Ms. Hart, paki alis ng lollipop mo. We don't need someone eating here while doing our work!"
Mamula-mula na ang mukha ni Mrs. Arnold nang masita niya ko. Umakyat kasi ako ng upuan para maikabit yung decorations dun sa taas ng bulletin board.
At mukhang bawal sa kanila ito dahil mayayaman ang mga tao dito at mga sosyal kaya ayun!
Sa halip na tulungan ako at kapitan ang upuan para hindi ako mahulog. Since hindi ko parin naman maituon ng maigi ang paa ko gawa ng may sugat pa ko sa hita.
Na kahit dalawang linggo na daw ang naka kalipas, hindi parin gumagaling!
Abnormal ata yung balang naka tama sa akin!
"Patay ka! Napansin ka na naman."
Pasimpleng bulong ni Max at nag ala-alaan pa na nagkamot ng tenga niya.
Lalapit sana siya dito para tulungan ako pero dahil sa takot sa adviser namin kaya napatigil na siya at napa atras pabalik sa mga kaibigan niya.
"Look at you! That's not how a girl should dress! And hindi mo din dapat ginagawa yan!"
Na swertehan na naman ako!!
At dahil disciplinary teacher ang adviser namin kaya ako lagi ang mabisang example ng taong nag-evolve mula sa tao papuntang kangaroo.
"You're wearing your gym clothes underneath your skirt! The first time I've met you I thought you're such a princess but it turned out that you're just a simple villager."
See?! Kitams??!
Lagi niyang gamit yang terms na mga pang fairytale para mapaganda niya lang.
Princess lang at villager ang gamit niya pero parang kangaroo at tao na rin yun sa kanila.
"No way, that's insulting."
"Oh my, that's below the line."
Agad-agad na nagsinghapan ang mga kaklase ko at parang awang-awa na naman sila sa akin.
Tinanggal ko ang lollipop ko at pinangturo dun sa palda ko.
"Ma'am, hindi po pagiging simple villager ito. Ang tawag po dito pagiging matalino. Sobrang igsi po kasi ng pa uniform ng school, hindi naman po appropriate pagnilipad tapos naka sampa pa po ako dito. Di pa po?"
Kahit na parang bastusan na ang imik ko hinatid ko parin yun na may halong galang at pagka-high standard form.
"But this is not appropriate!"
Turo niya sa akin at sa upuan.
Aba'y malay ko ba sa appropriate niyo!
Pinagde-decorate niyo kami dito kahit di naman namin trabaho 'to tapos yung mga kasama ko pa ang hihina dumiskarte!!
Para bulletin board lang di pa ma-abot edi kumuha ako ng upuan at inabyad!!
Tapos gaganyanin niyo ako!?!?!
Ni hindi nga ako na swe-swelduhan dito eh!
Partida galing pa ko sa pagkakabaril tapos papasalihin niyo ko dito at papatulugin dito sa school para lang magdesign ng alasais ng gabi??!
Dapat nga may pasok ako ng night shift ko ngayon eh!
Edi sana kumita pa ko!
"What's not appropriate is this at hindi po ako. Bakit po ba kami matutulog dito sa school para lang mag-decorate?? Di naman po namin kamag-anak si Cupid kaya bakit po kami maghahanda sa Valentine's??"
BINABASA MO ANG
Breaking The Mafia Rules [Complete]
RomanceI am the Rules. I was formed by my people. I was made to set boundaries. I am followed by many. I give Rights to my men. But I give no rewards to those who obey me. And I punish those who are against me. But I am also limited by my own power. And I...