Chapter 29

47 0 0
                                    

—R-u-l-e—
WHEN YOU BATTLE, DO NOT GAMBLE YOUR HEART.

Scarlett Forke's POV

Simula nang ipakilala sa akin si Aunt Lourde... di ko na ulit siya nakita.

Sabi ko sa kanya noon, magkikita pa kami lagi kaya dapat mas makilala pa namin ang isa't-isa. Ngunit talaga palang ang astig ni aunt Lourde! Dahil pucha! Nagawa niya sa aking magpakilala kahit di kami nagkikita!

Si Aunt Lourde ay multo ng isang dating sundalo.

At hanggang ngayon, kaya niyang magsimula ng isang gyera.

Dahil lingid sa kaalaman namin, nagawi lang siya dito para maghulog ng malaking bomba na nagnga-ngalang Margarett.

At di ko inaasahan na ako pala ang siyang sasalo nun!

"Oo, di mo ba nakita??? Dumating si Ma'am Marga kanina. Kainggit nga! Mas gumanda siya ngayon!"

"Tanga ka ba?! Model yun tapos ikukumpara mo sarili mo??? Malamang bumaba confidence mo."

"Tru! Pero di ba nandito din ang fiancé ni Sir?? Paano yan magsasama ang present at past?"

"Gaga, di mo pa ba nakikita si Ma'am Scarlett??? Model din siya! Friends ata sila ni Ma'am Marga."

Naks! Na flatter naman ako dyan! Mukha pala akong model pero....... parang halata namang di niyo kilala yang tinutukoy niyong Ma'am Scarlett. *kamot sa ulo*

"So anong team kayo?? Team Marga or Team Scarlett?"

"Bet ko si Ma'am Marga para kay Sir."

"Ako rin! Ganyan din ang sinabi ko sa HR department pero Team Scarlett daw sila. Mabait daw tyaka matalino, tinutulungan daw sila sa mga reports."

Haaaysssss..... Yan ang nakinig kong usapan sa finance at HR department. Ang pinagkaiba lang, kilala ako ng HR bilang fiancé ni L. Samantalang kilala ako ng finance bilang empleyado lang.

Ewan ko ba kung paano kumalat. Basta simula nung dumating si Marga, puro team Margarett o Scarlett na lang ang nakikinig ko.

Sa mata ng iba, kontrabida ako. Samantalang sa iba, bida ako. Di ko nga alam kung saan ako lulugar.

Katulad nung nakaraan, nandito si Marga. Buong araw siyang nag-intay sa waiting area. Gusto daw niyang magkape kasama si L, nahihiya pa nga siya nang pagpaalam siya sa akin nung maga.

Wala naman akong pake kaya buong araw akong nagpaka-busy para di ako sapaw sa oras nung dalawa. Pero ang lokaret na L!! Sa akin pa nagalit!!! Maghapon daw siyang nag-iintay sakin! Bakit di ko daw iniintindi si Marga eh nagpaalam nga sa akin yung tao para makasama SIYA!!

Maghapon lang siyang nagintay tapos si Marga buong araw!! Alam niyo ba kung sino pa ang nagsorry????

Si Marga!! O diba??!? Kung ako ang inintay nan edi sana humaba ang buhay niya pero si L???? Ayun! Durog ang puso! Aba'y sabihan ka ba naman ng wala siyang time para sayo.

"Scar, ikaw? Di ba office assistant ka, nakita mo na ba si Ma'am Margarett o si Ma'am Scarlett?? Kaninong team ka??"

Yan ang pang championship na tanong sa akin ng taga-finance department.

Wala naman akong nasagot.

Busy ako nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng nonsense na pinapatrabaho sa akin ni L. Feeling ko gumaganti siya sa akin.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon