Rule:
NEVER MENTION MY NAME AND I'LL BE OKAYScarlett Forke's POV
May sasabihin ako sa inyo.
And yes, aaminin ko. I've been having this dream for the passed few weeks since that Mascara Party at the Night Palace.
I don't know why but for some reason lagi akong na nanaginip patungkol sa nangyari nuon bago magsimula ang party.
Natatandaan ko pa kung anong naramdaman kong lamig ng araw na yun.
*****
Siniksik ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking jacket.
Malamig ang hangin at tila dinadamayan ng kalangitan ang mga taong nanlulumbay ngayon, dahil sa pag-iyak nito. Malungkot ang panahon ngunit marami parin ang mga tao na patuloy parin sa pupuntahan nila. Na para bang hindi nila alintana ang nagbabadyang paglakas ng ulan.
I looked around the building, scanning the whole area for the possible spot kung saan pwede pumwesto ang mga taong walang magawa sa buhay nila kundi ang magtangkang kuwain ang buhay ng iba.
Pinanood ko rin ang mga bisitang bumababa mula sa kanilang kotse. Kung paano sila alalayan ng mga nag-aabang na guards, paakyat ng malaking sementadong hagdanan hanggang makapasok sa loob. Mahahaba at garbo ang kanilang mga kasuotan, halatang wala silang paki kahit ano pa ang maging panahon.
Naging makupad ang pila ng mga kotse na matyagang naghihintay para maibaba ang mga taong nagsisilakihan ang mga pangalan pagdating sa mundo ng pera.
Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nandoon ang malaking parking lot na ngayon ay puno na.
Sakto naman na nag-uuli ang aking mata nang may isang naka park na kotse ang nagbukas. May isang matangkad na lalaki ang lumabas mula roon. Tinanggal ko pa ang pagkakasandal ng aking ulo mula sa poste para lang makita ang lalaki.
Ngunit dahil sa payong na kapit ng gwuardya, hindi ko matanaw ang mukha nito.
Mula sa malayo, pinagmasdan ko lang ang kanyang paglakad. Deretso ang mukha niyang naka tingin sa unahan, kita ko ang maliit na pagbuka ng kaniyang labi habang kinakausap ang gwardya nito.
May ilan rin siyang nakakasalubong, ang ilan ay mga bisita ring lalaki na mas pinili na lang maglakad sa ilalim ng payong nila kesa sa maghintay. Ang karamihan naman ay mga gwardya rin na magalang na tumutungo.
Bagama't kita ko ang mga mukha o likod ng ulo ng mga sumasalubong sa kanya, hindi ko parin matanaw ang kabuoan ng mukha ng lalaking yuon.
Para bang sinasadya ng gwardya niya na takluban ng payong ang kanyang mga mata.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa medyo makalapit kung saan ako naka pwesto.
Inayos ko ang tindigan ko. Ipinihit ang aking katawan sa kaliwa bago tumingin sa unahan kung saan ko siya makakasalubong.
Sinimulan ko nang inihakbang ang aking mga paa.
Kinig ko ang pagpatak ng ulan, ang tunog ng sapatos sa bawat pag-angat ng mga paa ko mula sa tubig, ang ingay ng mga kotse, at ang mga pag-uusap ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Breaking The Mafia Rules [Complete]
RomanceI am the Rules. I was formed by my people. I was made to set boundaries. I am followed by many. I give Rights to my men. But I give no rewards to those who obey me. And I punish those who are against me. But I am also limited by my own power. And I...