13th KEY

485 24 8
                                        

Have you heard the good news?

Broken Keys won the Wattys 2016!

Hurray! Hurray! Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero sa tingin ko inakit ni Damon ang mga taga-Wattpad. 😂😂😂 Posible, 'di ba?

Check out the new cover and that golden sticker! ❤

***


Palagi kong sinasabihan ang sarili ko na makaka-move on din ako, na makakabangon din ang puso ko. Pero paano ko magagawa 'yon kung sa tuwing umiiwas akong masaktan, ang sakit mismo ang lumalapit sakin.

"Glad you made it," salubong sakin ni Adam.

"Yeah," tipid na wika ko.

"You're looking good, Aria," puri ni Laura na nakalingkis sa braso ni Adam.

"Salamat. So are you, love your tan," puri ko pabalik. Call me plastic, pero mas plastic naman 'tong kaharap ko. I'm not being mean, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Thanks," sabi nito sabay hawi ng buhok niya.

"Kumusta na nga pala ang play? Balak naming manood sa Sunday ni Laura," tanong ni Adam.

"Oh, that's great. Uhm, the play's amazing, sabi nila. So, sana mag-enjoy kayo."

"Of course, mag-e-enjoy kami. Parte ka ba naman dun e." Lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni Adam. We exchanged smiles.

"Hon, 'di ba hinihintay tayo nila Aunt Carol sa living room?" singit ni Laura."Excuse lang, Aria ah. Enjoy the party na lang."

At hinila na ni Laura si Adam palayo papuntang living room. Samantalang ako naman ay alanganin kung anong susunod kong gagawin. I hardly know the guests here. Kung hindi lang ako dinaanan ni tita Agnes sa bahay, wala naman sana ako ngayon dito.

Sinadya niya pa talaga akong daanan para sumabay sa kanya papunta rito sa bahay nila Adam. I've been dreading to come here but I still ended up in this party.

I decided to head to the bar. Iinom na lang ako baka sakaling mawala ang uneasiness ko. I instantly felt queasy when I saw Adam and Laura together. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na mag-asawa na ang dalawa.

Simple lang ang party. May ilang pagkaing hinanda pero mas marami ang inumin. I think they wanted to highlight the interior of the house. Aaminin kong sobrang ganda ng pagkakagawa ng bahay, mapalabas o loob man. It's cozy and warm, very homey. Modern ang design, white and brown ang motif. There's the right amount of furnitures and displays. The plants inside also added the homey touch. It's just perfect for a couple starting to build a family.

Napangiwi ako sa mga naiisip ko. Little Adams and little Lauras running around the house-what a thought.

After I finished my cocktail, I stood up and walked around the room. I saw a few of small groups enjoying their conversation, but I had no plans on joining. I was thinking of heading home after an hour. Besides, there was no more reason to stay longer.

Tumingin-tingin ako sa mga painting na nakasabit sa dingding. I was too absorbed at it, kaya naman ganun na lang ang gulat ko nang may yumugyog sa balikat ko.

"Hey you," natatawang bati nito.

Hinampas ko siya sa braso."Hindi ka na nagbago, Pierre. Pinagti-trip-an mo pa rin ako."

Broken Keys (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon