14th KEY

757 27 13
                                    


My days went on like how it usually was. And suddenly, I felt like aging. Twenty-five and single. I stared at my reflection in the mirror. I actually look younger than my age. But I feel so old.

Matapos kong makapag-retouch ay lumabas na ako sa ladies room. Katatapos ko lang mag-lunch at kababalik ko lang dito sa school.

"Ay Ma'am Aria, pinapatawag ka nga pala ni Mr. Principal." Nakasalubong ko sa hallway ang isa sa mga kasama ko sa faculty.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Para 'ata sa prep sa foundation day. Siguro may balak magpa-musical."

"Aba, umiibang level na si Mr. Principal ha."

"Sinabi mo pa," natatawang saad nito."Pansin mo ba? Bagong facial siya ngayon. Nagbibinata!"

Natawa ako sa komento nito. Laman talaga palagi ng chismis sa faculty ang school principal namin. May nakakatawa kasi itong personalidad at palaging umaastang teenager kahit na malapit na itong mag-sixty years old.

Pagpasok ko sa principal's office ay sumalubong sakin ang isang korean pop music. Si Mr. Delgado, ang aming principal, ay nakaupo sa swivel chair niya at nakaharap sa monitor.

Binati ko ito upang maagaw ang pansin niya. Masaya naman ako nitong binati pabalik at pinaupo sa kaharap na upuan nito. At gaya nga ng sinabi sakin, para nga ito sa preparation sa gaganaping foundation day celebration.

Bale ang balak ni Mr. Principal ay bumuo ako ng orchestra na binubuo ng mga pinakamagaling na estudyante sa pagtugtog ng iba't ibang instrumento. Sila ang magtatanghal para sa opening ceremony. Tapos ay nais niya rin na magdaos ng musical play na nagpapakita ng kahalagan ng edukasyon at ang papel ng kabataan sa ating bansa. Maganda ang plano niya kaya naman ibibigay ko ang best ko para maging successful ito.

Now that I think of it, tatlong buwan na lang pala bago ang foundation day. Which means, kailangan kong maihanda ang lahat sa loob lamang ng tatlong buwan. Bakit ngayon lang niya sakin sinabi 'to? Akala niya ba ganun lang kadali maghanda at mag-rehearse?

Lumabas ako ng principal's office na malalim ang kunot ng noo. Halo-halo na ang nasa isip ko. Uunahin ko ba ang orchestra o ang play? Kailangan kong pagplanuhan ng maigi 'to.

"Aria?" Naagaw ang atensyon ko sa pamilyar na boses na iyon.

"Damon." Nagulat ako sa presensya niya rito sa school, pero 'di ako nagpahalata. Nagkatitigan kami nito ng ilang sandali."Anong ginagawa mo rito?"

"Dito nag-aaral ang bunso kong kapatid. Hinatid ko lang 'yong project niya." So, may nakababata pa pala siyang kapatid.

"Ah, anong grade?"

"Grade 8." I see, wala akong kilala sa mga Grade 8 dahil Grade 9 at 10 ang hawak ko.

"Pauwi ka na?" tanong ko. How do you act normal in front of someone who gives you off an awkward vibe? Mukhang ako lang naman ang nakakaramdam no'n.

"Pauwi na sana. Anyway, bakit ka nga pala biglang nawala sa party last Friday?"

I tucked some stray hair behind my ears while contemplating for an alibi. Nawala nga ako bigla sa party matapos nang naganap sa amin ni Laura sa ladies room. Kung nagtagal pa kasi ako sa lugar na 'yon, baka magkasakitan na talaga kami ni Laura. Sobrang selosa kahit wala namang strong basis na nilalandi ko si Adam. Masyadong makitid ang utak ng babaeng 'yon kaya mahirap pagpaliwanagan.

Sure, I still have feelings for Adam. But I'm not that kind of woman who would flirt to a married man. Sadyang close lang talaga kami ni Adam dahil mag-bestfriends kami since we were kids. Mahirap putulin ang ganoong ugnayan kahit pa magkanya-kanya na kami sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Keys (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon