Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Matapos kong masigurong ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako sa aking kwarto.
Sumalubong sakin sa baba ang isang malamyos na musika mula sa playlist na pinapatugtog ko mula pa kanina. Napangiti ako dahil nasa ayos na ang lahat. Kulang na lang ay ang taong kanina ko pa hinihintay. Napasulyap ako sa relo, limang minuto na lang bago mag-alas siete.
Hinintay ko siya sa sala habang nagbabasa ng last month issue ng isang magazine. Pero hindi naman ma-absorb ng utak ko ang binabasa ko, dahil sa bawat segundo ay sumusulyap ako sa oras.
Nang sampung minuto na ang lumipas matapos ang alas siete ay nag-alala na ako. Hindi naman kasi siya yung tipo ng tao na nali-late. On time yun palagi, minsan nga ay mas maaga pa sa alloted time. Tatawagan ko na sana siya nang bigla kong marinig ang ugong ng sasakyan sa labas.
Mabilis akong napatayo at binuksan ang pinto. Sa driveway ay namataan ko ang sasakyan niya. Napangiti ako nang makita ko ang pagmamadali niyang makalabas ng sasakyan. Lumabas ako para salubungin siya.
Napakamot siya ng ulo nang makita ako. Mukha siyang relieved na nakahabol siya sa dinner namin. Pagkalapit niya sakin ay agad siyang humingi ng paumanhin.
"Sorry na-late ako. Hindi kasi agad dumating yung naka-schedule na delivery ngayon at hinintay ko pa. Tapos na-stuck pa ako sa traffic. Hindi na nga ako nakapagbihis e. Amoy-pawis pa 'ata ako. I think amoy curry ako. Tingin mo? Pinaghintay ba kita?" tuloy-tuloy na paliwanag niya.
Natawa ako sa pinagsasabi niya."Huminahon ka nga, Adam. Nasa fifteen minutes ka lang namang late. At oo, amoy curry ka nga. Pero ayos lang naman. Hindi na masama. Tara na, nagugutom na ako e."
"I really feel bad for being late," dagdag niya pa.
"I know, I know. Kita ko nga." May issue sa oras si Adam. Kung ano ang oras ng usapan iyon dapat ang masunod, at kapag hindi niya iyon nasunod, ganito ang nangyayari sa kanya.
Pumasok na kami sa loob, diretso sa dining room kung saan nakaayos na ang mga utensils at plato. Pinaupo ko na siya habang ako naman ay dumiretso sa kusina upang i-serve ang pagkain namin. Nagluto ako ng seafood melange at chicken cordon bleu para sa main course. Samantalang para sa dessert naman ay naghanda ako ng mocha pots de créme.
Napangiti siya nang makita ang mga pagkaing hinanda ko. Nagbukas ako ng wine at nilagyan ang glass niya.
"Bukod sa late delivery, ano pa ang nangyari sa trabaho mo?" tanong ko.
Nilagok niya ang buong glass ng wine na kalalagay ko lang."As usual, maraming tao sa resto. Tingin ko nga kailangan ko nang magdagdag ng assistant chef. Kapag kasi sunod-sunod ang order natatagalan kami sa paggawa."
"Akala ko nga magdadagdag ka na dahil nagkaroon ka ng kitchen expansion. Para saan pala yun?"
"Para sa malaking pantry," wika nito sabay subo ng pagkain niya."This is good. Really good."
"Thanks. Mana ako sayo e," biro ko. Napangisi siya.
"E ikaw? How's work? May something ba na naganap kaya may dinner tayo ngayon?"
Tipid akong napangiti."Wala naman. Same old, same old. Naisip ko lang kasi na matagal na yung huli tayong nag-dinner together dahil busy tayo pareho sa trabaho."
Pero siyempre hindi iyon ang buong katotohanan para sa dinner na ito. May iba pa akong balak kaya ako nag-set up ng dinner para sa aming dalawa.
"Oo nga pala. Nabanggit mo sakin na may tinatrabaho kang musical play, kumusta na yun?" tanong niya.
"Ayos naman. Still working on it. Marami pang dapat asikasuhin bago ang premiere nito," sagot ko.
"I'm sure it's going to be great. With your compositions in it, it will definitely be a success."
BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
Ficción General• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...
