Nagkatitigan kaming dalawa. Nakikita ko sa mga mata niya na hinahamon niya akong magsalita."Oo naman. Bakit mo naman nasabing hindi?" I tried to sound convincing.
"Wala lang. Baka kasi hindi," he said with a shrug. I eyed Damon. Why did he sound suspicious?
"What's your point?" tanong ko.
"Gusto mo ba talagang malaman?" panghahamon niya.
"Tatanungin ko ba kung hindi?" I retorted."Fine. Here's my point. Sabi mo, platonic lang ang meron sa inyo. Maniniwala na sana ako kung hindi lang kita nakita three weeks ago na umiiyak during Adam's wedding ceremony. Or if I haven't seen you crying in the hotel's garden during the reception. What's with all the tears, Aria? Bakit sa tuwing nakikita mo si Adam, nasasaktan ka?"
Muntik na akong mapanganga sa pahayag niya. Tama naman ang kabuuan ng sinabi niya. Hindi ko alam ang ipantatapat ko sa sinabi niyang iyon? Is there still a point in lying kung huling-huli niya na ako?
Nanahimik na lang ako imbis na sagutin siya. Nang i-serve ang dessert sa harap namin, nagkaroon ako ng excuse para may mapagkaabalahan. I was under Damon's burning gaze. I know he already got the message.
"How's the dessert?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Napaawang ang bibig ko, gusto ko sanang may sabihin tungkol sa sinabi niya kanina but thought better of it so hindi ko na tinuloy.
"It's great," sagot ko. Pero sa tono ng boses ko para namang hindi totoo dahil wala itong kabuhay-buhay.
How could Damon just dropped a hot topic like that? Although, I was partly relieved he didn't push through it. Sa tingin ko naman ay hindi ko rin masasagot iyon.
"This is the best restaurant in town. They serve the best Italian food. Have you tried this place before?" Hindi ko alam kung anong trip nitong si Damon pero pinatulan ko na rin ang tanong niya.
"No. First time ko dito. Siguro babalik ako next time dito with my friends."
We finished---rather---I finished my food in silence. Habang kumakain ako ay naging abala naman si Damon sa phone niya. Ako na ang nagyayang umuwi na, late na kasi. Gusto ko na ring makapagpahinga. Tahimik lang kaming dalawa na naglakad palabas ng resto. Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng kotse, nagpasalamat naman ako sa kanya. Sa biyahe ay tahimik lang din kami.
"Ibalik mo na lang ako sa theater," wika ko.
"What? Gabi na, Aria. Ihahatid na kita sa inyo."
"Nandun kasi ang sasakyan ko. Kaya doon mo na lang ako ihatid. Ayaw na kitang maistorbo pa, late na rin."
"No," matigas na sabi niya."I'll drive you home. Hindi ako nagrereklamo, Aria. I want to do this." Hindi na ako nakipagtalo pa, pagod na rin ako. Sinabi ko na lang kung saan ako nakatira tapos ay natahimik na kaming dalawa.
Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Bahagyang tinapik ni Damon ang balikat ko kaya't nagising ako. Doon ko napagtanto na nasa tapat na pala kami ng bahay.
"Pasensya na. Kanina pa ba tayo nandito?"
"Hindi naman. Mga five minutes palang," sagot niya.
"Thanks nga pala sa dinner, Damon. Salamat din sa pagsuporta sa play. Good night," nagpaalam na ako sa kanya.
"Good night, Aria," bahagya lang siyang ngumiti sakin.
Nagtitigan pa kaming dalawa bago ako lumabas ng sasakyan. Paglabas ko ay lumabas din siya. Kaya't natigil ako sa pagtungo sa gate. Tiningnan ko siya, hinihintay ko kung may sasabihin pa ba siya sakin.
BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
Fiksi Umum• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...