Matapos ang ilan pang usapan ay tumayo na ako para iligpit ang aming inumin. Pinigilan pa ako ni Adam na huwag itong ligpitin."No. Tama na. Malalasing ka na niyan. Magda-drive ka pa pauwi," wika ko. Hinayaan na niya akong ligpitin ang wine at ang glass na ininuman namin. Iniwan ko muna si Adam doon.
Pagkabalik ko sa sala ay wala na siya doon. Napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto ng music room. Nang tunguin ko ito ay nakita ko si Adam na iniisa-isa ang compilation ko ng music score.
Nagulat pa siya nang makita ako sa harap niya."Akala ko may ginagawa ka pa," sabi niya.
"Ano bang ginagawa mo? Huwag mong sabihin na tutugtog ka."
"Kapag nangyari yun, iyon na ang magiging pinakadakilang himala sa lahat. Siyempre hindi ako tutugtog. Pumipili lang ako ng tutugtugin mo. Oh ito," inabot niya ang isang music score sakin."Will you play that for me?"
Napailing ako sa pagpapa-cute niya sakin."Oo na. As if may choice ako."
Umupo na ako sa piano bench katabi niya. Nang makita ko ang music score na inabot niya sakin ay napangiti ako. Ito lang naman kasi ang isa sa mga isinulat ko. A particular favorite of Adam. Smooth lang kasi ang piyesa nito, mababa at tila ba hinehele ka lang ng tugtog. Sound of the Rain ang pamagat ng piyesang ito dahil naisulat ko ito sa panahong maulan. At sa tingin ko ay na-capture ko sa mga nota ang vibe ng ulan dahil ang piyesang ito ay may hatid ding lamig at ginhawa.
Nakasandal ang ulo ni Adam habang tumutugtog ako. Nang sumulyap ako sa kanya ay nakapikit ang mga mata niya.
Oh, look at him
Isn't he captivating
Those eyes that glows
His feeling showsOnly if I could reach him
But with all these walls around me
How could I even touch a skinSinabayan ko nang pagkanta ang pagtugtog ko. Hindi ko namalayan na hindi na pala nakasandal sa balikat ko si Adam. Nang matapos ang tugtog ay binalingan ko siya. Hindi mawari ang gulat sa mukha niya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko.
"Wow," bulalas niya."Kailan pa nagka-lyrics yan? Bakit hindi mo sinabing nagsusulat ka na ng lyrics?"
Bahagya akong natawa sa reaksyon niya."Sira. Hindi ako ang nagsulat ng lyrics. Yung songwriter sa team ang nagsulat niyan."
"Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kantang yan?"
"Kasi ang kantang yan ay kasali sa gagawin naming musical play. Kailan lang din nalapatan ng lyrics yan," paliwanag ko.
"Oh. Pero bakit hindi magkatugma yung lyrics sa title?"
"Kasi bagay yung melody ng Sound of the Rain para sa isang dramatic scene, tapos sakto rin sa lyrics yung tugtog. Malakas ang dramatic impact. Kaya ang title na nito ngayon ay Looking by a Distance." This was the first time na ako mismo ang hahawak sa lahat ng musical needs ng isang show, kadalasan ay nag-a-assist lang ako. But now I held the lyricist, the arrangers and all that makes music. So far, this was the biggest project I ever had. Hindi naman kasi ako masyadong nakatutok sa theater, nagtuturo rin kasi ako. Naudyok lang ako ng theater director na kaibigan ko, si Frank.
Naniniwala kasi siya sa kakayahan ko. He got the best team on this play: the playwright, Andy, was also a friend of mine. Originally, he was a classical pianist but now he wanted to write plays. The lyricist/songwriter, Sydney, came from the same university I graduated at. I was just a year ahead of her, but she's amazing. The rest of the team, the actors, orchestra, conductors, engineers etc. were also the best people for this musical play.
BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
Ficção Geral• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...