Matapos ang trabaho ko ay dumiretso ako sa condo unit ni Damon. Bandang alas singko na, maaaring wala pa siya doon pero siguro naman ay on the way na siya pauwi. Pagdating ko doon ay tinanong ko ang guard ng condo kung nakarating na ba si Damon. Sabi nito ay wala pa raw ito, gaya ng inaasahan ko.Naghintay ako sa lobby dahil hindi ko ganun-ganun lang mararating ang unit ni Damon. May special elevator na maghahatid sayo sa floor niya at kung wala kang access sa top floor ay hindi ka makakarating doon. Kaya nagtiyaga ako sa paghihintay sa lobby. Alas sais pasado na rin. Paano kung nag-overtime yun?
Nagugutom na pa naman ako. Tanungin ko na lang kaya si manong guard ng number ni Damon sa trabaho. Siguro naman meron sila noon, 'di ba? Patungo na sana ako sa guard's desk nang matanaw ko si Damon papasok ng condo kaya't natigil ako. He looked sharp and dashing in his crisp black suit. Mas mukha siyang businessman kesa engineer.
Sinalubong ko si Damon pagpasok niya. Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Nakangiti naman akong sinalubong siya. Na para bang normal lang ang kaganapang ito, na walang nangyaring awkwardness sa pagitan naming dalawa kaninang umaga.
"What are you doing here?" tanong niya. Nanliit ako bigla ngayong nakatayo ako sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya pero hindi ko naman ito makakitaan ng anumang emosyon.
"Uhm, mukhang naiwan ko kasi yung wallet ko sa unit mo. Kukunin ko lang sana," sagot ko. Tinitigan niya lang ang mukha ko at nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa elevator. Sumunod na lang ako sa kanya, sa tingin ko ang ibig sabihin ng tingin niya na yun ay 'follow me'.
Magkasunod kaming pumasok sa elevator. May maliit na screen sa gilid ng pinto nito at may tinype doon si Damon. Hindi ko ito nakita dahil nasa likuran niya ako. Salamin ang magkabilang gilid ng elevator. Napatingin ako sa repleksyon ko na plain na plain ang dating. Wala kasi akong suot na make up at tanging lipstick lang ang suot ko. Masyado akong abala sa pagtingin sa salamin na hindi ko namalayan na bumukas na pala ang elevator.
Kung hindi pa tumikhim si Damon ay hindi maaagaw ang atensyon ko. Napatingin ako dito na nakatayo sa pagitan ng pinto ng elevator.
"Pasok na," sabi niya. Doon lang ako gumalaw at tumuloy na sa loob.
Awtomatikong nagbukas ang mga ilaw sa loob. Automatic din ang air conditioner niya dahil ilang saglit lang ay naramdaman ko agad ang bahagyang paglamig.
Tumuloy sa kwarto niya si Damon samantalang ako naman ay hinanap na sa sala ang wallet ko. Natagpuan ko naman agad ito sa tabi ng lamp shade sa may side table ng couch. Chineck ko pa ang laman nito para makasigurong wala na akong maiiwan dito.
Nagdalawang isip pa ako kung magpapaalam pa ba ako o aalis na lang. Ang tagal kasi ni Damon sa kwarto. Ayaw ko namang katukin pa siya. May pagkailang pa rin kasi akong nararamdaman sa kanya.
Matapos ang ilang pagtatalo sa isip ko, napagdesisyunan ko na umalis na lang. Wallet ko lang naman ang kailangan ko. Ngayong nasa akin na ito, wala ng dahilan pa para magtagal ako dito. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa elevator nang marinig ko ang boses ni Damon.
"Where are you going?"
Nilingon ko ito."Uuwi na."
"It's dinner time. Bakit hindi ka muna maghapunan bago ka umuwi?"
I bit my inner cheek. Heto na naman kami. Kakain na naman kaming dalawa."Salamat pero hinihintay na kasi ako ni Mom sa bahay."
"Oh." Halatang disappointed siya sa sagot ko. Hindi naman totoo yung sinabi ko, dahil gabi na ang uwi ni Mom galing sa trabaho. Pero mas mabuti ng ganito.
"Salamat talaga, Damon. Sige, uwi na ako," paalam ko.
"Okay. Ingat ka," nakangiting sabi niya. Bahagya akong ngumiti at tinungo na ang lift.
![](https://img.wattpad.com/cover/30594717-288-k367696.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
Ficción General• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...