Nang magising ako, sumalubong sakin ang gray na kurtina sa floor to ceiling window. Pagbaling ko, napansin kong kakaiba ang itsura ng kisame. Pati na rin ang mga gamit sa kwarto, parang hindi ko pagmamay-ari ang mga ito.Agad akong napabalikwas ng bangon nang mapagtanto ang lahat. Kumirot ang ulo ko sa biglaan kong pag-upo. Napahawak ako sa ulo ko at napahiga uli. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.
Hinanap ko ang orasan sa kwartong iyon, nang matagpuan sa bedside table nalaman kong quarter to eight na. Mukhang hindi ko na aabutan ang first class ko. Nanatili akong nakahiga hanggang sa nag-subside ang sakit ng ulo ko. At nang umayos na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako. Napadaan ako sa full-length mirror. Isang blue na boxer shorts at gray T-shirt ang suot ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa 'down there' ko. Wala naman akong kakaibang nararamdaman. Ibig sabihin, walang naganap na hindi nararapat. Dumiretso ako sa banyo ng kwarto, naghilamos at nagmumog ako doon. Sa itsura ko, halatang nagpaka-wasted ako kagabi. Paglabas ko ng kwarto ay sumalubong sakin ang isa pang pinto. Nilapitan ko ito at akmang bubuksan nang umikot ang knob.
Bumukas ito at napanganga ako sa nakita ko. Ngumiti siya sakin samantalang ako naman ay halos panawan na ng ulirat sa sobrang gulat. Wearing sando shirt and shorts, Damon looked really good in the morning.
"Good morning," bati niya."How's your sleep?"
"G-good. I...uhm...paano ako nakarating dito?"
"You don't remember?"
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Gosh, what did I do?"Remember what?"
"About last night."
Nagsalubong ang kilay ko."I don't know what you're talking about."
"You got drunk. Ako yung umalalay sayo kagabi. Pasensya na kung dito kita sa unit ko dinala imbis na sa inyo. Hindi ko kasi alam ang ipapaliwanag sa pamilya mo kapag inuwi kita na lasing at walang malay," paliwanag niya.
May kung anong kurot sa puso ko nang banggitin niya ang salitang pamilya."Ayos lang. Maraming salamat pala...para sa pag-alalay mo sakin."
"You're welcome. I'm sure gutom ka na. Maghahanda lang ako ng almusal."
"Tulungan na kita."
Sinundan ko siya patungo sa kusina. Habang naglalakad ay napagmasdan ko ang kabuuan ng unit niya. Modern and minimalist ang interior design. Agaw-pansin ang kanyang sunken living area at ang glass chandelier sa gitna nito. For a bachelor's pad, napakaganda ng kusina niya. Halatang madalas siyang nagluluto dito.
"So what are we gonna do?" tanong ko. Nakabuntot lang ako sa kanya dahil siya naman ang may gamay dito sa kusina.
"What do you think of bacon and egg?"
"Bacon and egg are perfect." Hindi naman ako choosy sa pagkain, lalo na kapag almusal.
Si Damon ang nagluto sa pan at ako naman ang gumawa ng toast. Inayos ko na rin ang table para sa kakainan namin. Nang matapos ako ay bumalik ako sa pwesto ni Damon. Naabutan ko siyang naghihiwa ng mga prutas.
"Need help?" tanong ko.
He looked up under his lashes and smiled."I can manage."
I felt a shiver ran down my spine. Damn those smoldering eyes."Okay, sabi mo e."
Aalis na sana ako nang biglang nagsalita siyang muli."Maybe you can hand me the plate."
Tiningnan ko ang platong tinutukoy niya na nakapatong sa island counter. Kinuha ko ito at inabot sa kanya. Pagkatapos niyang hiwain ang mga prutas, ako na ang nagkusang ilagay ito sa plato. Hindi naman siya nakapag-react nang inunahan ko siyang gawin iyon. Nang lingunin ko siya sa tabi ko ay amused siyang nakatingin sakin.

BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
General Fiction• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...