Simula nang mag-propose four months ago si Adam kay Laura ay madalang ko na lang siyang makita. Agad kasi nilang inasikaso ang kasal kaya't naging abala sila sa wedding preparations. I made sure not to be part of it kaya ako na mismo ang umiwas.Sa tuwing tinatawagan ako ni Adam para makipag-dinner o makipag-meet, palagi akong may alibi na busy ako. Which is partly true naman, dahil may prerecording kaming ginagawa plus the rehearsals pa. Binibenta naman niya ang alibis ko ngunit kapag nagtatanong siya kung kailan ako libre, doon na ako nangangapa ng isasagot sa kanya. Nauubusan ako ng palusot dahil bakante naman talaga ako pag-weekends. Pero sinasabi ko sa kanya na may emergency dito at doon, o kaya naman ay may errands akong dapat asikasuhin.
At ngayon nga, dumating na ang oras na hindi ko na pwedeng idahilan pa ang mga iyon. Makakahalata na si Adam na iniiwasan ko siya. Alam ko naman kasi kung ano talaga ang pakay niya kaya niya ako gustong makausap.
Araw ng Sabado at ngayon ang usapan namin ni Adam na magkikita kami dito sa restaurant niya. Pumwesto ako sa lamesang pangdalawahan habang hinihintay siyang lumabas sa opisina niya. Sinubukan kong pagaanin ang loob ko para hindi ako maghurumentado mamaya. The least Adam could do not to hurt me, is not to invite me to his wedding. Pero malay ba niyang masasaktan ako. Ang alam niya lang ay dapat present ang bestfriend niya sa mahalagang araw ng buhay niya.
Ilang sandali lang ay sinaluhan na ako ni Adam, kung saan hindi mawari ang saya sa mukha niya. Sinalubong niya ako ng yakap at linyang,"Long time no see."
"Ayos lang naman ako. Busy, as always," sagot ko nang tanungin niya ako kung kumusta ako."Ikaw, kumusta?"
Agad lumawak ang ngiti niya,"Heto, busy din. Malapit na kasi ang kasal."
"Oo nga. Parang kailan lang." Hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko ngunit mukhang hindi naman niya iyon napansin.
"And I still can't believe Laura said yes. I only tried my luck that day, alam ko naman kasing focus siya sa career niya kaya tanggap ko kung hindi siya papayag---but she said yes. Right away. I mean, am I not the luckiest guy?"
"Well, yeah," pilit kong pinasaya ang boses ko.
"How about you, Aria? Dating any guy yet?"
"Uhm, no. I'm not in a dating status. Focus muna ako sa trabaho." I tried to sound as casual as possible. Hindi ko lang kasi ma-picture ang sarili ko with any other guy.
"You know, you're not getting any younger. You're twenty-five already, it's a marrying age. Sige ka, baka mahuli ka sa biyahe," pananakot niya.
Muntik na akong mapangiwi sa sinabi niya. Wala na akong hahabulin pa, nahuli na ako e."Well, kung yun naman ang tadhana ko ay tatanggapin ko. Besides, I don't wanna rush."
"Sabagay."
Pansamantala kaming dalawa na natahimik. Bigla na lang kami nawalan ng ibang mapag-uusapan. Kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan."Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" tanong ko, kahit na alam ko na naman ang rason.
"Ah e," napahawak siya sa batok niya."Napag-usapan kasi namin ni Laura na...baka...alam mo na. Kung pwede ka sanang tumugtog sa wedding ceremony namin."
It took a lot of will power not to cross the table and slap Adam. I wanted to yell at his face,"Manhid ka ba!" Idinaan ko na lang sa paghinga nang malalim ang lahat ng nararamdam ko.
"Wow, ako talaga?" kunwari ay na-flatter ako sa offer na yun. Kahit na sumabog ang bawat nerve endings ko dahil doon. Torture na nga ang idea nang pag-attend sa kasal niya, gusto pa nilang mag-participate ako. Patayin na lang kaya niya ako para mas madali. Baka pangpatay lang ang matugtog ko sa kasal niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30594717-288-k367696.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
General Fiction• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...