"Of course not," defensive na wika ko.Napataas ang kilay niya ngunit tinanggap din naman ang sinabi ko."Whatever you say. Besides, ang weird nga rin naman kung totoo nga yun. Why wouldn't you wanna be at your bestfriend's wedding? That's ridiculous."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil parang may laman ang sinabi niya. O baka napapraning lang ako dahil naririnig ko ang sweet love song na nagmumula sa loob, na alam kong tinutugtog para sa bagong kasal.
"Exactly," ang tanging nasabi ko na lang.
"Are you a musician?" tanong niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pag-iiba niya ng topic.
"Yeah. I'm a theater music composer and a high school music teacher."
"That's really impressive. Kaya pala talagang talented ka pagdating sa music." I smiled, flattered by his compliment.
"Thanks. How about you? What do you do?" I politely asked.
"I'm a civil engineer," he plainly answered. Walang halong pagyayabang at pagmamalaki.
"Wow, now that's more impressive." All along I thought he's a model. He's got the looks, the physique and the height to become one. Pero hindi sumagi sa isip ko na engineer siya. Sabagay, hindi naman kailangang bagayan ang trabaho.
Natigilan ako nang marinig ko ang isang malamyos na kanta na nagmumula sa loob. Napalingon ako sa gawing iyon. Bawat nota at linya ng kanta ay nanuot sa puso ko. Parang nawala ang lahat ng ingay sa mundo liban sa musikang iyon.
Come away with me in the night
Come away with me
And I will write you a songCome away with me on a bus
Come away where they can't tempt us
With their liesNapapikit ako habang may alaalang nagbabalik sa isip ko. Isang maulan at nakakatamad na araw ng Sabado. Pinatugtog sa radyo ang kantang ito. Niyaya ako ni Adam na sumayaw sa gitna ng music room. Sa kabila nang malamyos na tugtog ay tawa ako nang tawa. Hindi kasi tugma ang beat ng sayaw namin sa beat ng tugtog.
"Hey, Aria." Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang bahagyang pag-uga sakin. Napatingin ako sa kaliwa ko. Nandito pa nga pala si Damon. Nandito pa rin pala kami sa harap ng fountain. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at iwinaksi sa isip ko ang alaalang iyon.
"Are you okay?" tanong niya.
Napatango ako."Yeah. I'm okay."
"I think it's better if we get inside. Shall we?" suhestiyon niya. Pumayag na lang ako. Inalalayan niya ako sa pagpasok namin sa event hall. Tinanong niya kung saan ang table ko, tinuro ko naman ito. Hinatid niya ako doon habang nakaalalay ang kamay niya sa likod ko. Wala na si Mom sa table namin. Nang hanapin ko siya sa paligid ay natagpuan ko siya kasama ang isang grupo ng mga kaedaran niyang babae sa 'di kalayuang table.
Sumalo sa table si Damon. Nang may dumaan na server na may tray ng drinks ay kumuha ako ng dalawang cocktail drink. While Damon asked for champagne. Napuno kami ng katahimikan. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng mga sumasayaw sa dancefloor. Nang mapasulyap ako sa gawi nila Adam ay natagpuan kong masaya siyang nakikipagtawanan kay Laura. I felt a pang in my chest.
I clenched my fist and breathed in deep. I blinked back some tears while finishing my drinks. Nang binalingan ko si Damon, na nakaupo sa kanan ko, nakatitig siya sakin. His face void of expression but his eyes were dark as his hair.
"Hey, wanna dance?" I broke the ice that was building up.
"Sure," he answered in his deep voice that I felt a shiver in my spine.
BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
General Fiction• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...