7th KEY

533 34 17
                                    


"How did it go?" Ito ang salubong ng dalawang kaibigan ko sa studio. Sina Andy at Sydney.

May prerecording kasi kaming gagawin ngayong araw. Ire-record namin ang mga tugtog para sa aming play. Live naman ang gagawing pagkanta sa mismong play pero recorded na ang music accompaniment nito.

"It was...okay," sagot ko.

"Okay?" Nakataas ang kilay ni Andy sakin. Gusto niya pang i-elaborate ko ang salitang iyon.

"Bakla, mga tanungan mo naman. Obvious ba? Malamang hindi iyon okay. Duh! Mag-isip ka nga," sabat ni Sydney.

"Alam ko, neng. Pero gusto kong magmula sa kanya. Kumusta naman ang puso? Buo pa ba o abo na lang?" Napapailing ako sa kakulitan nitong si Andy. He's always eager to squeeze for juicy details. Agad siyang nasiko ni Sydney sa tagiliran sa tanong niya.

"Well, okay lang naman. Ang mahalaga humihinga pa ako, 'di ba?" sagot ko.

"Korek! Hay naku, huwag na nga nating kalkalin pa ang mga detalye sa mga kaganapan. Lets not rehash the pain, shall we?" baling ni Sydney kay Andy at pinanlakihan ito ng mga mata. Inismidan lang naman siya ng huli."Nga pala, Aria, pinalitan namin yung isa sa violinists. Hindi kasi siya makakarating dahil may nangyari raw na emergency. Mabuti na lang by last minute nakahanap ng kapalit si Rick. But don't worry, she knows the notes and all."

"Good. Mabuti yun para hindi tayo magtagal," sabi ko.

Naka-set up na ang buong orchestra sa studio. Binigyan ko na lang sila ng kaunting briefing sa dapat gawin tapos ay nag-rehearse kami before the actual recording. Nang mahanap na ng lahat ang tamang tiyempo ay ipinaalam ko na sa kanila na pwede na mag-record.

Ngayong araw ay nakapag-record kami ng dalawang tugtog. Ilang orchestrated music lang naman kasi ang kailangan namin, most of the background music are single-accompaniment lang naman.

By six o'clock ay pack up na kami. Ang susunod na recording ay bukas after my class. Kapag Monday kasi ay wala akong klase pero the following school days ay meron na.

Palabas na ako ng studio nang tinawag ako ni Andy."Hey, may gagawin ka pa?"

"Wala na naman. Uuwi na ako. Bakit?"

"Gusto mong sumama samin ni Sydney?" As if on cue, lumitaw sa tabi ko si Sydney.

"Pupunta kami sa Rock-a-feller. May extra ticket kami para lang sayo. Wanna come?" pag-iimbita ni Syd. Pinag-isipan ko ang invite nila. I like Rock-a-feller. Maraming magagandang indie bands kasi ang tumutugtog doon.

"Well, who am I to say no for a free good music?" Nag-apir sila Andy at Sydney nang mapapayag akong sumama.

Sumabay na ang dalawa sa sasakyan ko dahil si Sydney ay walang sasakyan at si Andy naman ay hindi dala ang kanya dahil coding ngayon. Ilang minuto lang ang drive mula sa studio hanggang Rock-a-feller. Kumain muna kami sa katapat na fast food nito dahil hindi pa kami nakakapag-dinner. Matapos noon ay tsaka na kami tumuloy sa bar.

Marami ng tao sa loob nang makapasok kami. Kahit seven palang ng gabi ay halos mapuno na ang laman ng bar. Siguro maganda ang line up ng mga bandang tutugtog ngayong gabi. Sa second level kami pumwesto katabi ng railings para tanaw na tanaw namin ang kabuuan ng stage.

Um-order kami ng cocktail drinks to start up our night. Ayaw naman naming malasing agad, lalo na ako, dahil ako ang magda-drive.

"Hey, Aria," tawag sakin ni Andy."Look at the guy on your right. He's totally checking you out."

Tiningnan ko naman ang lalaki na tinutukoy ni Andy. Tinititigan nga ako nito. May pagka-rugged ang dating nito dahil sa kanyang lampas-tengang buhok. Pero bukod sa buhok ay malinis na naman itong tingnan. Nakasuot siya ng gray v-neck shirt and dark denim pants. Napataas ang kilay ko nang kinindatan ako nito at sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi niya.

Broken Keys (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon