Nasa likod na ako ng piano at naghahanda na para sa pag-uumpisa ng kasal. Nasa altar na rin nakaabang si Adam katabi ang best man niya na si Pierre. Kasalukuyan na ring hinahanda ang entourage at ako naman ay nag-aabang na lang ng hudyat para mag-umpisa ako.
Nasa right side ako ng altar naka-pwesto kaya naman tanaw ko ang lahat ng bisita at ang aisle na lalakaran ng bride. Nang makita ko si Adam suot ang tuxedo niya, nakaramdam ako ng sakit at inggit. Sakit dahil matagal ko nang pinangarap na makasal kay Adam. Inggit dahil ibang babae ang papakasalan niya.
Sa bawat segundong lumilipas ay napapabuntong-hininga ako. Sana lang magawa ko 'to ng tama. Kakanta pa man din ako ng love song pero ang bigat ng puso ko. Kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lang dahil marami ang makakakita sakin. Masisira pa ang boses ko kaya mamaya ko na lang ibubuhos ito. Ilang minuto lang naman ang kanta.
Nagpakawala pa ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko sinarado ang isip ko sa pag-iisip nang masasakit na bagay. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pinto ng simbahan at sa organizer dahil siya ang magbibigay sakin ng hudyat.
Medyo nag-alala ang ilan nang mahuli ng fifteen minutes ang pag-uumpisa ng ceremony. Saktong sunset kasi dapat ang umpisa ng entourage pero na-late ang bride. Nagawa ko namang tumugtog nang maayos lalo na nang magsimulang maglakad ang mga flower girl.
How long will I love you?
As long as stars are above you
And longer, if I can.How long will I need you?
As long as the seasons need to
Follow their plan.How long will I be with you?
As long as the sea is bound to
Wash upon the sand.Everybody is smiling. The music lifted up the souls of everyone. While it dragged mine down. I know the song is perfect for weddings but I didn't realize that the song is too sweet and the music is too intimate.
How long will I want you?
As long as you want me to
And longer by far.How long will I hold you?
As long as your father told you,
As long as you can.How long will I give to you?
As long as I live through you
However long you say.How long will I love you?
As long as stars are above you
And longer, if I may.Nang mapunta sa instrumentals ang kanta, napalunok ako upang pigilan ang mga luha ko. At para na rin mawala ang pananakit ng lalamunan ko. Kung kailan patapos na ang kanta tsaka pa ako bibigay.
How long will I love you?
As long as stars are above you...Matapos ang pagkanta ko ay hindi ko na napigil pa ang luha ko. Napayuko ako at tinutok ang mata ko sa keyboard ng piano. Nang matapos ko ang huling nota ng kanta ay pasimple kong pinahid ang luha sa pisngi ko.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Sinarado ko ang tenga at ang isip ko habang nagaganap ang ceremony. Lalo na sa parteng sinabi nila ang kanilang wedding vows sa isa't-isa. I did my best to fill my mind with something else so I could not hear any of it.
I stay seated on my place kahit pa tapos na ang ceremony. I just watched the people went out to cheer the newly wed as they ride on their car. I closed the lid of the piano and leaned my head on it. Kahit papaano ay nagawa ko ng tama ang gawain ko. How many times did I pinch myself just not to burst out?
I wanted to run to Adam and stashed him away from Laura, away from everyone. I had so many crazy thoughts while the wedding was going on. And I'm thankful they remained only as crazy thoughts and not crazy deeds.

BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
General Fiction• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...