Pagpasok ko sa backstage ay abala na ang lahat sa paghahanda. Mapa-actors o staff ay may kanya-kanyang ginagawa. Mayroon na lang kaming isang oras bago mag-umpisa ang show kaya sinisiguro kong handa na ang bawat isa----lalo na sa music staff."Hello, madam. Looking good," sinalubong ako ng isa sa mga actress namin na si Mia.
"Thank you."
"Hi, madam Aria. Medyo gloomy 'ata ang aura niyo ngayon," singit ng lead actress namin na si Steph.
"Gloomy ba? Akala ko it's a musician thing," wika ni Mia.
"Anong musician thing ang sinasabi mo, Mia?" tanong ko.
"Kasi madam, hindi ba lahat ng magagaling na musician ay may emo side. Kasi mas nailalabas nila ang emosyon nila kaya nakakagawa sila ng mas magandang music. Hindi ba ganun yun?"
"Well, partly tama ka. Pero hindi iyon applicable sa lahat ng musicians. Mas applicable yun sa mga songwriters," sabi ko.
"So madrama pala si Miss Sydney, Madam?" tanong ni Steph.
"Hay naku, I wish. Walang kadramahan sa katawan ang babaeng yun."
After kong ma-check ang bawat sulok ng backstage ay bumalik na ako sa station ko, which is the music studio. Dito magmumula ang lahat ng music para sa show. Kailangan tama ang pagpasok nito sa bawat eksena. Ang director naman namin na si Frank ay nasa backstage naka-station. May intercom headset naman kaming suot para nagkakaalaman kami sa takbo ng show sa bawat stations.
My heart was beating loud as I started the entrance music of the play. Every musical has a grand introduction and ours was just perfect. I was overwhelmed by the reaction of the audience, they all clapped and reacted on the right places. I was proud watching the whole show because I know I made a big part of it.
May two hours na vacant bago magsimula ang second at last show. Alas tres hanggang alas sais kasi ang unang show, tapos ang sunod na show naman ay alas otso hanggang alas onse ng gabi. Nagkaroon ng kaunting problema sa backstage sa first show (it happens all the time) pero pagdating sa second show ay nagamay na namin ang lahat kaya naging maayos ang naging takbo nito.
Para sa final curtain call sa first day namin, lahat nang nagkaroon ng malaking parte sa play---aside from the actors---ay nag-bow sa audience. Siyempre kasali ako doon. I spotted Ashton at the front seat kaya bahagya ko siyang kinawayan.
Nang nasa backstage na kaming lahat ay sumalubong sakin ang malaking bouquet ng flowers. Iniabot ito sakin ng isa sa mga staff, may nagpapabigay raw. Akala ko galing ito kay Ashton pero hindi pala.
To the most amazing music composer in the world,
Congratulations to the success of the show. I was awed by everything---especially your music. Kudos to you.
Damon Blake Yap
Paglabas ko ng backstage ay sumalubong sakin ang gwapong mukha ni Damon. Pinagtitinginan pa siya ng mga babaeng staff namin. Naka-business suit kasi ito kaya mas lalong lumakas ang dating niya.
"Looking sharp," komento ko.
"Thanks. I love the show."
"Thank you. Paano mo nga pala nalaman 'to?" I was actually surprised that he knew about this. I couldn't recall I told him about the play.
"I saw the posters. And I saw your name so I thought of watching it."
"Mabuti naman at hindi ka ganun kaabala sa trabaho mo."
"Well, not much. The show is really interesting so I gave it a try. Uhm, are you done yet? Maybe I could invite you for a dinner."
At the mentioned of the word dinner, biglang kumulo ang tiyan ko. Nag-sandwich lang kasi ako kanina dahil ang buong atensyon ko ay nasa show. I was about to say yes when somebody called my name.

BINABASA MO ANG
Broken Keys (#Wattys2016)
General Fiction• WATTYS 2016 NEW VOICES AWARD WINNER • The art of moving on. The art of letting go. How could love be so complicated? Can we just love and be loved back? She's broken. He's willing to mend it all. She's blinded by pain. He's blinded by love. Both...