⚠️ Warning ⚠️
(slight spg lang naman.HAHA. ingat sa pagbasa.)"BRO, I HEARD NA INILIPAT KA NG SCHOOL NI TITA SA ALL BOYS HIGH SCHOOL."
Tumango ako kay Jeremy at ininom ang isang basong alak. Nandito kami ngayon sa bar ng papa ni Clark. Kasama kong umiinom ngayon sina Jeremy,Ryle,Allan at Clark.
Tinawagan nila ako para magkita-kita kami dito buti na lang at wala akong ginagawa sa dormitory kaya napagpasyahan ko ng pumunta na lang dito at uminom kasama mga barkada ko.
"Bro, your mom must be crazy. Biruin mo gagawin niya talaga lahat para tumino ka." Sunod na sambit ni Ryle habang nakikipaglandian sa babaeng katabi nito.
"Imagine guys papasok sa isang eskwelahan ang isang Chester Zacharios Aquino na walang makikita at makakasalubong na babae." Napatingin ako sa kaniya. He's right walang mga babae sa all boys high school.
"Sa ating lahat alam nating si Chester ang pinakagwapo at pinakamaraming babaeng inilalabas." Buti alam ni Allan na ako ang pinakapogi sa barkada.
"Pano kung isang araw makikita na lang natin siyang may kasama pero hindi babae kundi......Binabae."
Agad silang nagtawanan na ikinagalit ko. Minsan hindi ko din gusto ang tabas ng dila nitong si Allan. Siya ang pinaka foul-mouthed sa barkada namin kaya aaminin ko na naiinis din ako minsan sa kaniya.
Ibinaba ko ang basong hawak ko at humarap kay Allan buti at katabi ko lang siya may gusto lang akong gawin. Binigyan ko siya ng nakababaliw na ngiti at akmang babatukan ko na siya ng bigla siyang lumayo sa akin at iniharang niya si Clark sa harapan ko. Para siyang daga na nagtatago sa loob ng lungga. Para hindi mahuli at masaktan.
"Sorry na, Bro." Nag peace-sign siya sa akin. Agad nilang tinawanan si Allan dahil sa nakatago ito sa likod ni Clark. Ibinaba ko na lang ang kamay ko at bumalik sa pag-inom ng alak.
"Ito naman. He's just only joking masyado mong sineseryoso. And you Allan, stop teasing Chester para kayong mga bata kung mag-asaran." Panenermon ni tatay Clark samin.
Actually kaya namin siya tinatawag minsan na tatay kasi palagi niya kami pinapangaralan at pinagsasabihan. Smart person si Clark laging siyang nagbabasa ng mga libro even ngayon nagbabasa siya ng libro kahit sa harap ng inuman. He is also the second handsome sa barkada namin syempre ako yung una.
"Allan pasalamat ka nandito si Clark." Sabi ko sa kaniya. Lagi siyang nagtatago kay Clark kung may nagawa siyang mali kasi alam niyang sasaktan namin siya.
"Okay. Thank you bro and sorry." Pinipilosopo talaga ako nitong si Allan. Hindi ko na lang pinansin baka mamaya magalit na naman si tatay Clark.
"Anyway bro look at that chick. She's hot at kanina ko pa napapansin na tinitignan ka." Turo ni Ryle sa direksyon ng babaeng nakaspaghetti dress. Maputi ito at maganda. Mukha din itong matangkad. Totoo nga ang sabi ni Ryle kanina pa ito nakatingin sakin kaya ang ginawa ko kinindatan ko ito dahilan para makilig siya.
Bago pumunta sa table ng babae, ininom ko ang natitirang alak na nasa baso ko at tumayo. Inumpisahang maglakad pero ilang hakbang palang ako mula sa table namin tumigil ako at nilingon sila.
"Guys, watch and learn from the expert master." Pagmamayabang ko at ngumisi ako sa kanila.
"Easy-han mo lang bro!" Payo ni Jeremy.
"Pogi talaga nitong si Chester Zacharios!" Sabi ni Ryle habang nakikipaglandian sa babaeng katabi nito.
"Kaya mo yan idol!" Pagsusuporta sakin ni Allan.
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)
Teen FictionI am just a simple Chickboy person and I know that. Wala akong ginawa kung hindi humanap ng mga babaeng lolokohin ko. Until one day I was transferred to all boys high school. At the first place alam ko sa sarili ko na I am a straight person hindi ak...