05

66 7 0
                                    

PAGKATAPOS NAMING KUMAIN NI LUCAS NG HAPUNAN AY BUMALIK NA KAMI SA PAARALAN.

Hindi kami dumiretso sa classroom dahil may ilang minuto pa bago ang pasukan. Tumambay mo na kami ni Lucas sa ilalim ng punong may upuan at lamesa. Napansin ko kasi kanina na madaming mga estudyante ang nakatambay dito kaya inaya ko si Lucas dito habang hindi pa nagsisimula ang pang hapon naming klase.

"So, magsalita ka Chester Zacharios Aquino." Inilapag namin ang gamit sa sementong lamesa at umupo sa rock chair.

"Tungkol saan? at kailangan mo pa talagang banggitin ang buong pangalan ko Ahron Lucas Castillo." Banggit ko din sa buong pangalan niya. Ano ba sasabihin ko sa kaniya? Kala mo naman magulang ko na kailangan updated sa lahat ng ginagawa ko.

"Dun sa principal's office kaninang umaga. You owe me an explanation sa nalaman ko kanila tita." Pinagkrus niya ang dalawa niyang kamay sa dibdib. Itinaas niya ang isa niyang kilay at naghihintay ng sagot ko.

"Ano na naman ba sinabi sayo ni mama?"

"Chester, totoo bang ipinasok ka ni tita sa LSGH organization?" Tumango na lang ako sa kaniya. Napasapo siya ng kamay sa noo niya. Parang dismayado sa nalaman niya.

"Good luck na lang sayo." Tinapik niya ang balikat ko. Medyo nawerdohan ako sa sinabi ni Lucas na akala mo'y sasalang ako sa isang contest.

"Teka para saan yung good luck mo? Para naman akong may pupuntahan ah." Kinuha ko ang cellphone at headset ko sa bag.

"Good luck sayo kasi dimo alam pinasok mo Chester. Alam mo ba kung ano ang LSGH organization huh?" Tanong niya sa akin. Isinuot ko lang ang isang headset sa kanang bahagi ng tainga ko at nagplay ng music.

"Hindi, atsaka wala akong pakialam kung ano ang LSGH organization na yan. Wala naman ako magagawa eh ipinasok na ako ng mga magulang ko. I have no choice kundi sumunod sa kanila or else tatanggalan ako ng karapatan bilang anak nila." Tumango-tango si Lucas na animo'y naiintindihan ako.

"Kung sa bagay sino ba naman ang hindi susunod kung alam mong malapit kanang tanggalin sa pamilya niyo. Eh kasalanan mo naman kasi, Chester. Bat dika pa kasi magseryoso kahit sa pag-aaral lang." Dahil sa sinabi niya parang napaisip ako.

Kung nagseryoso ba ako, babalik ang dating pagsasama namin ng mga magulang ko? Kung nagseryoso ba ako magiging maayos ba kami ni papa? Kung mangyayari yun idi sana noon pa. Sana naging maayos na kami hanggat maaga pa para hindi na ako nagkaganito.

"By the way, maiba naman ako. Anong nangyari diyan sa kamay mo? Hindi ko yan nakita kanina ah. Don't tell me nakipagsuntukan ka na naman kay Andrei."

"Sinong Andrei?" Kumunot noo ako sa kaniya.

"Yung kaaway mo kanina. Teka h'wag mo ngang ibahin yung usapan sagutin mo nga tanong ko. Napano yan?" Natatakot siyang hawakan ang kamay ko. Hindi kasi siya mahilig tumingin sa mga sugat dahil natatakot siya sa dugo. Kaya malabong maging Doctor si Lucas pero sinabi din niya sakin na wala naman daw siyang balak maging Doctor balang araw.

"Wala 'to may ano lang kanina." Tinaasan niya naman niya ako ng kilay. Mahirap talaga mapaniwala si Lucas lalo na't close kami kaya wala akong maitatago ni isang sekreto.

"Chester, tell me the truth. I hate it every time you lie."  Hindi ko siya sinagot. Hindi naman kasi ito masyadong seryoso para pag-usapan pa.

Hindi niya maalis ang tingin sa kamay ko. Para siyang nag-aalala dahil may nakapulupot ditong panyo. Yung tinanggal kasi ni Kevin kanina na panyo ay punong-puno ng dugo. Pero naglabas siya ulit ng bago at ipinulupot sa kamay ko saka itinali.

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon