I WAS HOLDING A CUP OF CARAMEL COFFEE WHILE I'M ON MY WAY TO SCHOOL.Nadadaanan ang cafeteria papuntang school kaya minabuti kong dumiretso muna sa Cafeteria at bumili ng paborito kong Caramel Coffee. Mukhang mapapadalas yata ang pagpunta ko sa Cafeteria ah.
It started when I was in elementary, I always drink milk kaya para maiba naman I tried a plain coffee pero hindi ko nagustuhan ang lasa, masyadong mapait. I order different flavor of coffees and then I found Caramel Coffee. Sakto lang ito sa panlasa, hindi mapait at hindi masyadong sweet. Kaya simula non Caramel Coffee na ang laging kong iniinom na kape.
Going back sa paglalakad ko papuntang school. Umiinom ako ng kape habang naglalakad ng mapansin ko ang isang babae na tumatakbo papalayo sa dalawang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali mga estudyanti ito ng La Salle Green Hills pwera lang sa babaeng tumatakbo.
Nadapa sa pagkakatakbo ang babae dahilan para maabutan siya ng dalawang lalaking humahabol sa kaniya. Agad nilang kinuha ang bag niya kasabay ng pagmamakaawa ng babae na hindi siya saktan ng mga ito. Tumawa ang dalawang lalaki at binuksan ang bag nung babae saka itinapon ang mga gamit nito.
Unti-unting tumayo ang babae at tumakbo ulit pero sa kasamaang palad nadapa na naman ito.
Hayss! Tumakbo pa kasi madadapa din lang.
Tinawanan lang siya ng mga humahabol sa kaniya. Deserve niya. Tanga naman kasi kung tumakbo. Lumapit na naman ang mga ito sa kaniya pero sa pagkataong ito pumunta ako sa direksyon nila at humarang ako.
Diko alam kong bakit pa ako nakisali sa gulong ito. Siguro nasanay na ako sa nasasangkot sa bugbugan at basag ulo.
"Umalis ka sa dinadaanan namin kung ayaw mong mabugbog." Sabi nung lalaking naka-varsity jacket. Ang angas nito pero pandak naman. Hanggang ilong ko lang siya kala mo naman kayang-kaya ang isang tulad ko.
H'wag ako boy! Dimo alam kung ilan na napatumba ko. At isa ka na ngayon dun. Kahit tumawag ka pa ng kasama mo. Hindi ako natatakot sa inyo.
"Pati babae papatulan niyo. Mga bakla ba kayo?" Biglang nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko. Aambagan niya sana ako ng suntok ng maunahan ko siya at nawalan ito ng balanse sa lakas ng suntok ko dahilan para mapasalagpak siya sa lupa. Nakita ko ang dugo sa gilid ng labi niya. Pinunasan niya ito at muling ibinaling ang matalim nitong tingin sa akin.
Akmang susuntukin din sana ako ng kaibigan niya pero itinutok ko ang hintuturong daliri sa mukha niya at napatigil siya.
"Subukan mo. Kung ayaw mong dumaloy ang dugo dito sa daan." Nanatiling nakakuyom ang kamao niya. Nagtitigan kami ng masama pero saglit lang iyon dahil bumaling siya sa kasama niya at tinulungan itong makatayo sa pagkakatumba kanina.
"Babalikan kita." Sambit niya pagkatapos makatayo. Nakaakbay ang isang kamay sa kaibigan niya dahil hindi makatayo ng maayos.
Gusto na naman yata nito ng suntok. Hindi ba siya natakot sa ibinigay kong suntok kanina? Pwes! Hindi ako natatakot kung bumalik siya.
"Sabihin mo kung kailan at saan. Hindi ako natatakot patumbahin ka ulit." Tumalikod silang dalawa at naglakad papalayo sa kinatatayuan ko.
Tumingin ako sa likod ko. Muntik ko na palang makalimutan ang babaeng tinulungan ko. Nakatitig ito sa akin at ngumiti ako sa kaniya.
"Ayos ba." Kumindat ako sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Tumayo siya at pinagpag ang sarili. Bumalik siya kung saan ang gamit niya na itinapon kanina at sinundan ko ito. Pinulot niya isa-isa ang mga gamit at inilagay sa bag.
"Wow! Ikaw na tinulungan ikaw pa galit." Umangat siya ng tingin sa akin at muling akong inirapan.
"Thank you ha! kasi tinulungan kita kanina tapos sinusungitan mo pa ako. Sobrang Thank you." Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy sa pagpupulot ng gamit niya.
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)
Novela JuvenilI am just a simple Chickboy person and I know that. Wala akong ginawa kung hindi humanap ng mga babaeng lolokohin ko. Until one day I was transferred to all boys high school. At the first place alam ko sa sarili ko na I am a straight person hindi ak...