06

65 11 0
                                    

"MR. AQUINO YOUR LATE!"

Bungad sakin ni Kevin. Papasok palang kasi ako ng LSGH room ng makita niya ako.

Pagkatapos ng klase buong maghapon. Sinabihan ako ni Lucas na dumiretso daw sa LSGH room dahil doon gaganapin ang activity namin. Wala naman akong paki sa activity na sinasabi niya kaya naman ang ginawa ko gumala ako sa labas ng school kahit mag-isa ko lang. Pumunta din ako sa Cafeteria kung saan nagtatrabaho si Nica ngunit wala siya doon. Hindi ko na inabalang hanapin siya bagkus ay bumili na lang ako ng Caramel coffee at naglakad pabalik ng school.

Balak ko na sanang umuwi pero sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Lucas na activity kaya walang alinlangan akong pumunta.

Maingat kong binuksan ang pinto saka pumasok. Inilagay ko ang bag ko sa gilid kung saan nakalapag ang mga bag nila. Nakita kong nagsasalita si Kevin sa harap nila pero hindi nila ako napansin na nakapasok dito. Kaya naman kinuha ko itong opputunidad para maglakad ng dahan-dahan papunta sa likod ng mga nakaupong estudyante. Naka-indian sit sila sa sahig. Walang mga upuan at lamesa.

Bigla kong naranig ang malakas na boses ni Kevin na dahilan para mapatingin sakin ang lahat ng nandito. Gulat nila akong tinignan. Napatingin ako kay Kevin na galit ding nakatingin sakin. Nasa gilid niya si Lucas na parang dismayado sa ginawa ko. Kanina pa kasi ako tinatawagan ni Lucas pero hindi ko sinasagot dahil alam kong papagalitan niya na naman ako.

"Come here, in the front of your mates!" Galit na sigaw ni Kevin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap ng mga estudyante. Umalis si Kevin sa pwesto niya at ako angbpumalit doon. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil lahat sila nakatingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Introduce yourself." Napakamot ako sa likod ng ulo ko.

"I'm Chester Zacharios Aquino."

"That's it? You don't know how to introduce yourself? What is your age, grade, section and strand. What's your relationship status and favorite hobbies?" Si Kevin na galit parin yung boses.

"I'm 17 years old, grade 11 STEM, Section A. I'm currently single right now and my favorite hobby is listening to music all day." Pagkatapos nun ay pinaupo na ako ni Kevin. Pupunta sana ako sa pinakalikod ng siya mismo ang ang pumili kong saan ako uupo. Isiningit niya ako sa ikatlong linya kaya mas malapit ko siyang makikita.

Magsisimula na si Kevin magsalita ng may mapansin siya sa ikalawang linya. Lumapit siya sa lalaking nasa harap at kanan ko.

"You. Where is your ID name?" Si Kevin na nakapameywang.

"S-sorry po, Mr. President n-naiwan ko po k-kasi." Nauutal at may halong takot sa boses niya.

"Stand up." Walang kaemo-emosyong sabi ni Kevin sa lalaki.

"Chester Aquino from grade 11 Stem. STAND UP!" Kahit napipilitan, unti-unti akong tumayo ng maayos at hinarap siya.

"Bakit?" Tanong ko kay Kevin.

"What's his name?" Napalingon sakin ang lalaki. Tinignan ko ang mukha niya, Hindi ko naman siya namumukhaan eh. Pano ko naman malalaman ang pangalan niya.

"Ewan ko, bakit ako tinatanong mo eh hindi ko naman kilala yan atsaka bago lang ako dito." Pag-aakusa ko.

"It doesn't matter, my point is you have to know what's his name and all of your mates."

"Eh hindi ko nga kilala yan bakit mo pinagpipilita---" Hindi ako natapos sa sinabi ko ng sapawan niya ako.

"I COMMAND YOU TO KEEP STANDING UNTIL THE END OF THIS ACTIVITY!!!" Bigla akong natahimik. Tahimik din silang lahat habang ako nakatulala parin sa sinabi niya. Masyadong malakas ang boses niya kanina dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon