KINABUKASAN.
Nagising na lang ako ng marinig kong nagri-ring ang cellphone ko.
Kinapa-kapa ko sa gilid ng lamesa malapit sa higaan ko ang cellphone na kanina pa umaalingaw-ngaw habang hindi ko pa inimulat ang aking mga mata. Buti na lang at nakatulog ako ng maayos kagabi kahit papano nabawasan ang sakit ng katawan ko. I've been very exhausted this past few days dahil sa mga activities namin.
Bumangon ako sa pagkakahiga tsaka kinusot-kusot ang mata ko bago ko ito iminulat.
Tinignan ko ang cellphone ko para alamin kung sino ang tumatawag and guess what si mama. Kung kelan naging good ang morning at mood ko nandiyan na naman sila para sirain ang araw ko.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Kung sasagutin ko ang tawag, there's possibility na tatalakan na naman ako ng wala sa oras. Kung hindi ko naman sasagutin ito mas lalo siyang magagalit sakin. Kaya't sa ayaw at gusto ko kailangan kong sagutin ang tawag. Pinindot ko ang answer call at doon bumungad sakin ang boses ni Mama.
"Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag. I've been calling you earlier but you didn't answer my call. May balak ka bang hindi sagutin ang tawag ko?" Oo sana kasi alam kong masisira lang ang araw ko. Bulong ko sa sarili ko.
"Bakit ma? ano kailangan mo sakin?"
Mahina siyang napatawa. "Are you sure ako ang may kailangan o ikaw?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Anyways, I want you to know that we have a dinner meeting tomorrow with our business partner." Rinig ko sa kabilang linya ang mahina na boses ni papa habang kinakausap niya ang isang lalaki.
"So?"
"You are going to have a dinner with us." Nangunot noo ako sa sinabi ni Mama.
Tumayo ako sa kama. Inayos ko ng kaonti ang higaan ko bago ako magtungo sa mini kitchen.
"Ano naman gagawin ko 'e mag-uusap kayo about business. Ayoko namang tumunganga sa harap niyo." Sagot ko kay mama. Binuksan ko ang ref at kinuha doon ang pitcher na may tubig habang hawak ng isang kamay ko ang cellphone na nakatutok sa tenga ko.
"It's not just like that. You will also meet our business partner's sons and also her daughter that's why gusto kitang papuntahin." Isinara ko ang pintuan ng ref sa pamamagitan ng isang paa ko. Mahina ko itong sinipa upang maisara.
"Paano kung hindi ako pupunta?" Nang mailapag ko ang pitcher sa lababo, agad akong napamewang.
"I'm pretty sure you are going young man. Unless you don't want to get your allowance from us." So I don't really have choice kundi ang pumunta.
I hate this. Ginagawa nila akong parang bata na lagi na lang sila ang nagdedesisyon para sakin. Sila ang nagkokontrol sakin para gawin ang mga bagay na hindi ko naman gusto at palagi nilang ipinaparamdam sakin na hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa kung wala sila.
"I will text you the address and hope that you're gonna wear a decent clothes tomorrow at night. Bye son have a great day." Sabay ng pagputol sa linya.
Nilagyan ko ng tubig ang baso na kinuha ko at ininom iyon ng may galit. 'have a great day' okay na sana 'e maganda na sana ang bungad ng araw kung hindi lang tumawag si mama.
________________________.
Pagkatapos ko kumain ng agahan, nagtext sakin si mama at nagpadala siya ng pera para daw pambili ko ng damit na gagamitin para bukas. Nagbihis ako bago magpunta sa mall. Nagsuot lamang ako ng simple, I only wear t-shirt and sweat pants dahil malapit lang ang mall dito. Hindi na kailangan magsuot ng magara na tinatawag nilang 'Aesthetic'
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)
Novela JuvenilI am just a simple Chickboy person and I know that. Wala akong ginawa kung hindi humanap ng mga babaeng lolokohin ko. Until one day I was transferred to all boys high school. At the first place alam ko sa sarili ko na I am a straight person hindi ak...