03

75 9 0
                                    


I WOKE UP EARLY TODAY.

Hindi kasi ako makatulog kung hindi sa bahay. Puyat din ako kagabi kasi hindi ako makatulog. Kaya ang ginawa ko kinuha ko ang cellphone ko at nagsacroll sa Facebook.

I searched Nica's name and I easily found it. I stalk all her posts and photos. Hindi pala siya active sa Facebook huh. Kasi next year pa itong last post niya.

Tinignan ko ang mga larawan niya. I smiled while looking on it. Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti kapag nakikita ko mga larawan niya. Siguro nagagandahan lang ako sa kaniya? Or may gusto lang akong gawin na ikakagalit niya sa akin. Ang ganda niya kasi tignan pag nagagalit.

I want to meet her again hindi lang para ibigay sa kaniya ang kwentas kundi para narin makipag close sa kaniya.

When I got bored pinatay ko na lang ang cellphone ko at natulog na. Buti na lang at nakatulog na ako kasi malapit na din mag hating gabi.

Nagising ako ng maaga. Tumingin ako sa gilid ng aking higaan kung saan nandoon ang orasan. 6:00 a.m it's too early to wake up. Bumalikwas ako ng higa at sinubukang ipikit ulit ang aking mga mata ngunit hindi na ako makatulog. Bumangon ako at dumiretso sa banyo saka ko ininat-inat katawan ko. Naghilamos ako at nag toothbrush pagkatapos ay nagpalit ako ng damit.

Hindi mo na ako naligo dahil mamaya pa ang pasok ko. Pumunta ako sa kusina kung nasaan ang ref at binuksan ko ito para maghanap ng lulutuing pagkain. Mga Simpleng luto lang naman ang alam ko dahil tinuruan ako ni Lolo. Sabi sakin ni Lolo na dati siyang kusinero or should I say Chef. Gusto sana akong turuan ni Lolo ng mga sikat na putaheng niluluto niya noon pero hindi ako pumayag kasi hindi ko naman hilig ang pagluluto. Kaya mga simpleng luto na lang ang itinuro niya sa akin dahil magagamit ko daw ito pag nagcollege na ako.

Naghanap ako sa taas at baba ng ref pero wala akong mahanap na pwede kong iluto. Siguro mag-aagahan na lang ako sa Cafeteria besides para na rin makainom ako ng paborito kong kape.

PAPALAKAD ako ngayon papuntang Cafeteria. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ng Cafeteria agad bumungad sa akin ang dami ng taong nakaupo at kumakain ng agahan. Mahaba din ang pila mukhang mapapatagal ako dito ah. Tumingin ako sa paligid, Halos lahat yata ng upuan occupied na. O-order muna ako at saka ko na lang isipin kung saan ako uupo.

Hinugot ko muna ang cellphone ko sa bulsa ko at nagscroll na lang sa Instagram habang naghihintay sa pila. Hindi ako masyadong active sa Instagram kahit na marami akong followers. I just posted nine photos out there pero maraming naglike at comment. Mostly na followers ko babae at mga bakla meron ding lalaki pero kakaunti lang.

Sa buong pila, Hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod. Buti na lang at nagsalita yung babae sa harap ko. Kanina pa kasi ako tutok sa pagscroll sa Instagram.

"Hello sir, ordering for coffee or breakfast?" Saad ng babae. Ramdam ko ang sigla ng boses niya kahit hindi ako nakatingin nakatutok kasi ako sa cellphone. Pinatay ko muna ang cellphone ko at iniligay sa bulsa. Sunod na kinuha ko ang wallet ko.

"Hi..... I would like to order coffee and breakfa........" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pagkalingon ko pa lang nakita ko na agad ang mukha ni Nica. Parang kagabi lang hinihiling ko pa na sana magkita kami ulit tapos ito na. What a perfect destiny.

Pero wait nagtatrabaho siya dito? Bago ba siya dito? Kasi hindi ko naman siya nakita kahapon nung bumili ako dito.

"Hi miss sungit." Pag-iiba ko. Umirap na naman siya sa akin katulad nung kahapon.

Hindi na ba talaga magbabago ng itsura nito or ekspresyon? Lagi na lang kasi mataray at masungit.

"Pwede ba wag mo ako matawag-tawag na miss sungit dahil hindi naman tayo close. Atsaka nagtatrabaho ako dito wag mo akong guluhin. Pag ako talaga nawalan ng trabaho sinasabi ko sayo bubugbugin kita." Tumawa ako ng palihim sa kaniya.

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon