04

73 10 0
                                    

ANO BANG GINAGAWA NATIN DITO?"

Tanong ko kay Lucas. Naglakad kami papasok ng library.

"Chester, Hindi ka naman siguro t*nga 'no? Obvious naman na nasa library tayo." Umupo kami at inilapag ang bag sa mesa.

"Oo nga nasa library tayo, pero ano naman gagawin ko dito hindi naman ako nagbabasa ng libro kagaya mo."

"So ano ngayon gusto mong gawin natin na pinaalis tayo sa classroom. Gusto mo tumunganga lang tayo na walang ginagawa. Alam mo Chester pahamak ka talaga pati ako nadadamay sa mga ginagawa mo."

"Ito naman hindi ka na nasanay sakin. Naboring lang talaga ako kanina dun, kaya wala akong magawa kung hindi kausapin ka." Tinapik ko ang kaliwang braso niya.

Umiling siya at inilabas ang notebook sa bag niya. Tumayo siya at pumunta sa mga bookshelves para maghanap ng libro. Sinundan ko lamang siya habang kumukuha ng libro sa bookshelves.

"Alam mo ibang-iba kana talaga, Chester." Napatingin ako sa kaniya. Patuloy siya sa pagkuha ng mga libro sa bookshelf.

"Ano naman ibig sabihin mo, Lucas. Ako parin 'to yung pinsan mo at kalaro mo noon." Saad ko. Malungkot siyang napatingin sa akin. Alam ko iyon dahil kitang kita ko sa mga mata niya.

"Oo,Ikaw ang pinsan ko na kalaro ko noon. Pero seeing you like this, parang hindi na kita kilala. You should be smarter than me, Chester. Dati-dati lang ikaw pa top-one sa klase natin. tell me Chester what happened to you?" Tumigil kami sa paglalakad sa mga bookshelves. Tumingin siya sa akin na parang may gustong malaman. Lucas is my closed friend and cousin, Hindi na ako nagtataka kung lahat na lang ng bagay sa buhay ko alam niya.

"Honestly, Lucas hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako nagkaganito. Siguro masyado akong nangulila sa mga magulang ko. Simula kasi nung magkaroon kami ng kompanya parang nagbago na ang lahat sa buhay ko. Kaya wala akong dapat ibang sisihin kung hindi ang mga magulang ko."

"Hindi naman 'yon sapat na rason para magbago ka, Chester. Maling-mali na sinisisi mo ang mga magulang mo dahil lang sa hindi ka nila inalagaan. Kung minsan gamitin mo din utak mo sayang lang ang talino mo kung hindi ka sumiseryoso sa pag-aaral." Bumalik kami sa paglakad-lakad sa bawat bookshelves at kumukuha ng mga libro.

Hindi na ako nagsalita pa kasi tama naman siya. Mali ang ginagawa ko sa buhay ko ngayon pero wala na akong magagawa pa dahil desperado na ako para lang sa atensyon ng mga magulang ko.

Bumalik kami sa upuan namin at ako pa talaga pinagbuhat ni Lucas sa mga librong kinuha niya. Kala mo naman mababasa niya lahat ang mga ito. Sinubukan niyang binuksan niya ang mga pahina ng libro at binasa ang mga ito saka nagsulat sa notebook niya.

Wala akong ibang ginawa kung hindi kunin na lang ang cellphone at headset ko sa bag. Isinuot ko ang headset saka nagpamusic, bawal kasi mag-ingay sa Library kaya nakaheadset ako. Nag-online din ako sa Instagram sunod sa Facebook.

Nag scroll lang ako sa Instagram ng maisip kong i-search ang pangalan niya-si Kevin- pero hindi ko alam apelyedo niya. Wait, tanungin ko nga si Lucas.

"Lucas anong full name niya." Napatingin sa akin si Lucas ng nakakunot noo.

"Full name 'nino?" Nakalimutan ko pala sabihin kung kaninong pangalan ang tinatanong ko.

"Ni Kevin." Tumango siya sa akin bago magsalita.

"Kevin Anderson." Sabi niya. Bumalik ulit siya sa pagbabasa ng libro. Isi-nearch ko ang pangalan niya na Kevin Anderson. Maraming lumabas na account pero inisa-isa ko ang mga ito.

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon