(Third person POV)
Katatapos lang ni Kevin mag-shower. Lumabas siya sa banyo nagpupunas ng buhok sa pamamagitan ng tuwalya at tumungo sa kama para makapagpahinga.
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi parin siya makatulog. Iniisip niya si Chester, kung ano nga ba ang ginagawa niya ngayon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina, sa tingin niya ay natutulog na si Chester ngayon ng mahimbing dahil sa kalasingan.
Pero may bumabagabag parin kay Kevin dahilan para hindi siya makatulog. Pagmulat ng mata ni Kevin, bumuo ang isang ngiti sa kaniyang labi na pinipilit niyang itinatago. Hindi niya mawari kung ano nga ba ang ikinangiti niya. Siguro ay natatawala lang siya sa itsura ni Chester sa sobrang kalasingan kanina. Ngunit kakaiba ang ngiting nasa labi niya, ngiting hindi mo mawari kung umiibig na.
Bumangon si Kevin at napahilamos sa mukha. Tinanggal niya ang ngiti sa labi niya dahil ngayon lang niya napagtanto na kanina pa siya nakangiti. Kevin hates to smile at ayaw na ayaw niyang makakita ng taong nakangiti. Mas gusto pa ni Kevin na laging seryoso ang mukha niya kesa ngumiti at humarap sa mga tao.
Tumayo si Kevin sa kama para pumunta sa baba ng dormitory at lumabas para bumili ng gatas sa Cafeteria. Gustong-gusto ni Kevin ang gatas o iced milk. Kahit sa ganoong edad nya, umiinom parin siya ng gatas at walang hilig sa kahit anong klaseng kape. Pagtawanan man siya, alam niya sa sarili niya na walang masama sa pag-inom nito dahil ang gatas ay maganda din sa katawan. Walang ibang nakakaalam na paborito niyang inumin ay iced milk kaya inililihim niya ang tungkol dito.
Pagkabukas niya sa pinto, bigla niyang nakita si Chester na nakahandusay sa baba at natutulog. Napasapo ng kamay sa noo si Kevin sa nakita niya. Ang alam niya natutulog ng mapayapa si Chester sa loob ng dorm niya. Lumapit siya Kay Chester at bumaba kaunti para gisingin si Chester pero kahit anong pilit ni Kevin na paggising kay Chester ayaw niya parin gumising.
Tumingin siya sa paligid at napansin niyang walang taong nakakakita sa kanila. Walang ibang pagpipilian si Kevin kung hindi ang buhatin niya si Chester at dalhin sa loob ng dorm niya. Binuhat ni Kevin si Chester na parang bagong kasal saka idinala at ibinaba sa sofa niya.
Saglit na napatigil si Kevin sa maamong mukha ni Kevin. Hindi niya maintindihan kung bakit niya pinagmamasdan ang mukha ni Chester gayong hindi naman siya naaakit sa mukha nito. Napamulat siya sa katotohanan ng gumalaw si Chester at iminulat ang mata nito.
Pagmulat ng mata ni Chester nakita niya si Kevin na nakatingin sa kaniya kaya naman ngumiti siya na ikinakunot noo ni Kevin. Hanggang sa maramdaman ni Chester ang pag-ikot ng sikmura niya na siyang bunga ng pagsusuka niya. Nakaramdam naman ng pandidiri at lagkit sa dibdib si Kevin kung saan sumuka si Chester.
Tumayo siya at tinanggal ang sandong suot niya. Ipinunas niya ang damit sa katawan niya. Litaw na litaw ang malalaking muscle ni Kevin sa braso at ang mga matitigas na abs niya dahil babad sa gym. Makinis rin ang balat niya dahil sa walang mga sugat o pasa na makikita dito.
Pumunta siya sa banyo at naglinis ng katawan dahil sa lagkit at nakakadiring suka ni Chester. Paglabas niya sa banyo pumunta siya sa aparador niya at kumuha ng panibagong sando para isuot. Pagkatapos magbihis bumalik siya sa pinaroroonan ni Chester.
Iniayos niya sa pag-upo si Chester para matanggal ang damit nito. Dahil basang-basa na rin ito ng kaniyang suka. Nang matanggal nito ang damit niya, nakita niyang basa rin ang pantalon nito sa suka. Walang pag-aalinlangang tinanggal ni Kevin ang pantalon ni Chester. Buti na lang at nakab*xer si Chester kung kaya't hindi kita ang ano nito.
Pumunta si Kevin sa kusina saka kumuha ng palanggana at pamunas sa katawan ni Chester.
"The F*CK!!"
Pagbalik ni Kevin sa salas kung saan ang sofa bigla siyang napamura ng makita niya si Chester sa veranda na hubo't hubad.
Wala itong suot kahit isang saplot. Tumakbo ito sa direksyon niya at hinila siya papaloob saka isinara ang pintuan ng veranda. Isinara niya lahat ng kurtina upang walang makakita sa kaniya.
Bumalik si Chester sa sofa na pagiwang-giwang at saka humiga dito. Galit na galit si Kevin sa nangyari. Nakapamiwang siyang humarap kay Chester.
"Chester, do you know what you're doing?!! You are crazy, you actually pee outside my veranda." Napahilot-hilot siya sa sindido habang naglalakad-lakad sa harap ni Chester.
"What am I doing? I am talking to someone who's drunk and definitely out of his mind." Pinakalma ni Kevin ang sarili niya. Hanggang sa kumalma ito.
"Chester, put on your b*xer. I mean...." Sabay tumikhim. "cover it." Sabi ni Kevin kay Chester. Dahil kitang-kita nito ang kabuuang katawan na hubo't hubad. Buti na lang at lalaki din si Kevin kaya hindi na bago sa kaniya ang makakita nito dahil meron din ito sa kaniya.
"Chester?!" Ngunit parang bingi si Chester na hindi ito narinig at nagtutulog-tulugan. Huminga ng malalim si Kevin saka pinulot ang saplot ni Chester at isinuot ito sa kaniyang ibaba.
Sinimulan na ni Kevin na punasan ang buong katawan ni Chester. Habang pinupunasan niya ito hindi maiwasan tignan ni Kevin ang mga pasa sa katawan ni Chester. Ang ibang mga pasa nito ay nawawala na ngunit may mga iba na sariwa dahil sa palagiang bugbugan.
Pagkatapos punasan ni Kevin si Chester, Pumunta ulit siya sa aparador at kumuha ng damit na ipapasuot kay Chester. Nagpili si Kevin ng damit na ipapasuot niya kay Chester pero wala siyang mahanap na babagay at kakasya ng husto kay Chester dahil puro malalaki ang damit ni Kevin.
Buti na lang at nakakita si Kevin ng damit na kakasya kay Chester. Ngunit nagdadalawang isip si Kevin kung ipapasuot niya ba ito kay Chester dahil ito ang ka-couple t-shirt na gift niya sana dati sa girlfriend niya na naging ex niya ngayon. Wala namang magagawa si Kevin dahil ito lang naman ang damit na kakasya kay Chester. Saka wala na ring balak si Kevin na suotin ang kapares ng couple t-shirt na iyon kaya ipinasuot niya na lang ito kay Chester. Hindi niya na inabala pang pasuotin ito ng kahit anong pang-ibaba dahil mahaba ang damit upang matakpan ang kaniyang mga binti.
Naisip ni Kevin na sa kama na lang niya patulugin si Chester para maging komportable ito sa pagtulog at para narin malinisan ni Kevin ang sofa kung saan sumuka si Chester. Binantayan ni Kevin si Chester hanggang sa makatulog na ito ng tuluyan. Iniisip ni Kevin na baka anong mangyari kung umalis siya. Baka maulit na naman yung ginawa ni Chester.
Nang malaman niyang masarap na ang tulog ni Chester umalis siya at pumunta sa cafeteria para bumili ng gatas na ginawa sana niya kanina kung hindi niya naabutan si Chester sa labas ng dorm nito.
Paglabas ni Kevin sa dorm niya, nakita niya ang susi ng dorm ni Chester mismo kung saan ito nakahandusay at natutulog kanina. Pinulot niya ang susi saka inilagay sa jogging pants na suot niya saka siya tuluyang umalis ng domitory at tumungo sa Cafeteria.
..............
Nang matapos ang pananatili ni Kevin sa Cafeteria, naubos niya na rin ang kaniyang inumin. Napag-isipan niyang bumalik sa Dormitory at magpahinga.
Pagkatapat pa lang niya sa pintuan ng kwarto niya, napatingin siya sa kwarto ni Chester. Sumagi sa isip niya na pumasok dito dahil nasa kaniya ang susi.
Pagbukas ni Kevin sa kwarto ni Chester, agad na tumambad sa paanan niya ang mga librong nakakalat. Binuksan niya ang ilaw, napailing siya ng makitang magulo ang kwarto ni Chester. Pati sarili nitong mga unan sa higaan ay nagkalat sa ibaba ng sahig.
Pumasok siya ng tuluyan sa dorm ni Chester at inayos ang mga gamit nito. Inilagay niyang ang mga libro na nagkalat sa book shelf. Inayos niya ang higaan nito. Binuksan niya ang aparador nito, bumungad sa kaniya ang mga gulo-gulong damit na parang mga basahan na kong titignan.
Inayos niya ang lahat na mga gamit ni Chester, hanggang sa mapagod siya at humiga sa higaan ni Chester. Naisip ni Kevin na magpahinga na sa dorm niya. Pero naisip niya din na natutulog ngayon si Chester sa kwarto niya. Ayaw na ayaw niya ang may katabi sa higaan kaya napagpasyahan nalang ni Kevin na matulog sa kama ni Chester.
_______________________________________.
You usually have to wait for that which is worth waiting for.😘
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)
Teen FictionI am just a simple Chickboy person and I know that. Wala akong ginawa kung hindi humanap ng mga babaeng lolokohin ko. Until one day I was transferred to all boys high school. At the first place alam ko sa sarili ko na I am a straight person hindi ak...