08

59 6 2
                                    

UMAKYAT SILA SA STAGE NG COVERED GYM. PINAGMASDAN NILA KAMING NASA IBABA AT SINISIGURADONG MAAYOS NA NAKALINYA.

Medyo seryoso ang mga mukha nila mas lalo na si Kevin. Sa tingin niyang galit na galit parang may gustong patayin.

Kalaunan may mga bumaba na sa stage na student councils at pumunta sa mga gilid upang magbantay para walang makaalis dito sa covered gym.

Ang nasa itaas na lng ng stage ay sina Lucas, Kevin at mga tatlong miyembro ng LSGH organization. Nasa gitna si Kevin at medyo nakaharap ng konti samin. Nasa kanang bahagi niya naman si Lucas na seryoso ding nakatingin samin.

Pagbalik ko ng tingin kay Kevin ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Hindi ko napansin na nakapako pala ang tingin niya sakin. At mas lalong galit ang mukha niya compared kanina.

"STAND UP CHESTER AQUINO!!!" Pabulyaw na sabi ni Kevin. Kaya naman tumayo para harapin siya.

"Where is your notebook? Give it to me. And make sure that you already have the names and signatures of your mates."

"Wala yung notebook ko nasa bag at ang bag ko nasa classroom." Iniwan ko ang bag ko sa classroom pagkatapos kong magpalit sa C.R. Nandoon din mga bag nila Lucas kaya doon ko na lang iniwan.

"Then get it. And give it to me." Tamad akong naglakad paalis ng covered gym. Ang init-init kaya, atsaka malayo rin ang covered gym sa classroom building namin. Malawak kaya itong La Salle Green Hills. Meron ditong covered court, gathering hall at isang malawak na field. Baka may mga parts pa ng La Salle Green Hills ang hindi ko pa napupuntahan.

Pagbalik ko sa room, binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang notebook na naglalaman ng mga pangalan at signatures. Naglakad ako papalabas ng room ng may nakasalubong akong dalawang bakla sa hallway habang pabalik ako ng covered gym.

"Bakss, ampogi niya ah." Napatigil ako sa paglalakad at pinakinggan ang usapan nila.

"Bakss, mas pogi parin si Mr. President 'no." Pagtatalo nilang dalawa habang may pinapanood na kung ano sa cellphone nung isa.

"Ewan ko bakss parang inlove na yata ako dito sa lalaking 'to. Na love at first sight na yata ako. Ang tapang niya kasi. Akalain mo ba naman hindi siya natatakot kay Mr. President. Siguro pag naging kami niyan bakss ipagtatanggol niya ako sa kahit na sino dito sa school."

Agad kong narinig ang boses ko sa cellphone ng kasama niya. Naglakad ako ng walang pag-aalinlangan sa direksyon nila.

"Excuse me, Anong pinag-uusapan niyo?" Singit ko sa kanila. Bigla silang napatingin sakin. Pareho silang gulat pero 'yong isa parang nabighani ng makita ako. Hay naku, Hindi ko siya type 'no. Dahil hindi ako pumapatol sa kapareho kong lalaki.

"Hi pogi, Ikaw pala yan akala ko kung sino na. Ako pala si Alex ang pinakamaganda sa balat ng lupa at--" Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng takpan ng kasama niya ang bunganga niyang madaldal.

"Pasensiya ka na dito sa kaibigan ko ah. Medyo nagiging malandi lang kapag nakakakita ng pogi." Paumanhin ng kasama niya habang nakatakip parin ang kamay niya sa bunganga ng kaibigan niya.

"Narinig ko yata ang pamilyar na boses sa cellphone mo. Kung hindi ako nagkakamali eh boses ko 'yon." Agad niyang itinago ang cellphone niya sa likod niya.

Agad ko namang hinablot ito sa likod niya saka pinanood ang video. Laking gulat ko dahil video namin ni Kevin 'yon. Yung nangyari kanina sa Classroom na inakit ko siya at hinila ang necktie niya para mailapit ang mukha ko sa tainga niya.

Mas lalo akong nagulat ng makita ko na nasa GC pala ang videong ito. Binasa ko ang mga messages niya. Nagalit ako ng mabasa ang mga ito.

GC conversation:
*Sent video

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon