13

26 2 1
                                    

"PUT......AKTE"

Sa sobrang mangha ko habang nakatingin sa matayog at magandang restaurant kung saan kami tumigil, Hindi ko namalayan na muntik na akong maisubsob sa makinis na sahig ng hagdanan sa labas ng restaurant. Dahil paglabas ko sa pintuan ng taxe, ilang hakbang palang nagagawa ko habang nakatingin parin sa kabuuang labas ng restaurant, natisod ako sa may bandang hagdanan.

Langya! May hagdanan pala dito.

Nakita ko namang palihim na tumawa 'yong nagbabantay ng pintuan sa labas ng restaurant. Hindi ko na lang siya pinsanin. Alam ko namang katawa-tawa ako. Ikaw ba naman kasi pormang porma tas matitisod ka lang habang naglalakad. Haysst! Ang clumsy.

Naglakad na lang ako papasok kahit nagmukha na akong kahiya-hiya.

Inayos ko na lang sarili ko habang naglalakad dahil alam ko pagbungad ko pa lang 'e titignan na nila ako mula ulo hanggang paa lalo na si mama may pa 'hope the you're gonna wear a decent clothes'.

Kaya ito suot ko ngayon, white polo na naka tuck in sa khaki pants ko and then nag sapatos na lang ako ng puti. 'Decent clothes' daw 'e kaya ito sinuot ko. Syempre magmumukhang inosente muna ako ngayon. Yung tipong mabait,simple tapos gwapo pa.

Nilagyan ko ng skin-tone band aid 'yong kamay ko, kung saan naghihilom na 'yong sugat ko nung nakaraan. Nilagyan ko ito ng band aid para di nila mapansin dahil alam kong iisipin na naman nilang nakipag bugbugan ako well kelan nga ba ako hindi makipag away? Lagi naman 'e.

I'm used to it sarili ko ngang ama kaya akong bugbugin 'e.

"Mr. Aquino po right?"

Bungad sakin ng isang lalaking waiter doon nang mapansin niyang hinahanap ko sa loob sila mama. Tumango ako sa kaniya.

"Asan sila?"

"They are at the open area sir."

Open area? San ba dito 'e ang lawak nung restaurant na 'to. San ko naman sila mahahagilap. Ano 'to follow my instinct?

Napatingin na lang ako sa bawat sulok ng restaurant at hinahanap ang sinasabi niyang open area.

"I can take you there sir, if you want." Tumango na lang ako sa alok niya.

Naglakad kami papuntang hallway. Habang naglalakad kami sa di masyadong makipot na daan. Wala akong ginawa kundi pag masdan ang mga paintings at vases na nadadaanan namin.

Bigla akong napahinto sa isang painting. Napansin ko ang kaibahan nito sa ibang painting. Makikita mo sa painting ang kalahating mukha ng lalaking nakapikit. Sa kanang bahagi ng mukha nito, makikita mo ang isang ibon na makulay kagaya ng kulay ng bahaghari. Kitang-kita ang imahe sa painting dahil black ang background nito.

Kung hindi ako nagkakamali, LGBTQ painting ito. Not my interest pero aaminin ko na maganda ang pagkaka-painting nito. Hindi ako part ng LGBTQ at hinding-hindi ako magiging parte nito.

What a shame naman masyado akong gwapo para maging bakla atsaka hindi ko bagay dahil masyado din akong matigas. Ang weird ng mga taong maskulado pero bakla. Di ba sila nahihiya? Yung itsura nila machong-macho pero bakla lang pala.

Napansin ko sa ibaba ng painting ang isang sulat.

'l'amore è per tutti'

"l'amore è per tutti or should it say, 'Love is for everyone'. Gawa yan ng isang famous painter sa Italy noong 1986. Kung papansinin mo walang ibang imahe ang makikita mo diyan kundi ang mukha at ibon lang. Pero lingid sa mga di nakakaalam, makikita lang ang tunay na ganda ng painting na yan sa dilim. Maraming mga imahe ang nakapinta diyan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon