"KUYA CHESTER. SANDALI!!!"
Napalingon ako sa likod ko kung saan nanggagaling 'yong boses na iyon.
Malapit na ako sa classroom pero napatigil ako ng tawagin ako ng taong 'yon. Agad kong nakita si Kyzier na tumatakbo papunta sakin. Tumigil sya sa harap ko at hingal na hingal. Hinawakan niya ang dibdib niya na animo'y hinahabol ang hininga.
"Ano yon?" Humawak ako sa shoulder strap ng bag ko. Kumawala siya ng malalim na hininga at binuksan ang bag niya.
"Yung notebook mo po Kuya. Ibibigay ko na po sayo. Kaninang umaga pa po yan tapos at ibibigay ko na po sana sayo kaso nalaman ko pong umuwi ka na kanina. Buti na lang po at nakita ko kayo sa gate kaya nagmadali akong pumunta sayo." Inalok niya sakin ang notebook ko. Kinuha ko naman ito at binuklat para makita ang mga nakasulat sa loob.
Andaming mga pangalan at signatures na nakasulat nasa 3 pages. Kaninang umaga ko lang ibinigay sa kaniya ang notebook ko tapos kaninang umaga din pala natapos.
"Ilang pangalan at signatures signatures 'to?" Tanong ko.
"136 po Kuya. 68 po yung pangalan at 68 din po yung signatures." Tumango ako sa kaniya. This boy never fail to amaze me. I wish I had a brother like him.
"Good. Pasensiya kana kung hindi ko mo na maibibigay ngayon 'yong pera. Hindi pa kasi ako pinadalhan ng allowance ko. Maybe next week ko maibigay ko na sayo." Hinawakan ko siya sa balikat.
"Okay lang po 'yon. Sige po Kuya alis na po ako dahil magsisimula na po klase namin." Tumango ako saka siya nagmamadaling umalis papunta sa classroom niya.
Pumasok na ako sa classroom and luckily hindi pa nagsisimula ang klase. Wala pa yung teacher namin sa science kaya sobrang gulo ng klase namin. Yung iba nagbabatuhan ng mga papel at Yung iba nagsasama-samang kumakanta na akala mo mga singer, mga boses kambing naman.
Alam ko na kaya sila magulo. Kasi wala si Kevin. Tanging si Kevin lang naman ang nagpapatino sa mga ito. Siguro pag nandito na naman 'yon baka maging sementeryo itong buong klase dahil sa sobrang tahimik. Mabait din sila na akala mo mga anghel pero pag wala si Kevin parang mga hayop na nakawala sa kulungan. Parang naging Zoo na itong classroom namin sa sobrang gulo.
Nakita ko si Lucas doon sa upuan niya. Nagbabasa ng libro at animo'y walang pakialam sa paligid niya kahit maingay at magulo. Buti at nakakapag-focus siya sa pagbabasa ng libro kahit ganito kaingay.
Naglakad ako papunta sa upuan ko kung saan katabi ko ang upuan ni Lucas. Ibinaba ko ang bag ko at umupo sa upuan. Nag 'pst' ako kay Lucas at napatingin siya sakin.
"Wala ba tayong klase ngayon?"
"May emergency meeting sa faculty kaya walang klase." Tumango ako. Bumalik siya sa pagbabasa. Ako naman, kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Tumingin ako sa paligid, sobrang gulo talaga nila. So kinuha ko na rin ang headset ko sa bag. Isinuot ko 'yon sa tainga ko saka nag-open sa ML. Hindi ako masyadong active sa mobile legends pero ngayon parang gusto kong maglaro. Epic na rank ko sa ML. Epic 5 four star. Gaya nga ng sabi ko Hindi ako active sa games na 'to.
Nag rank ako at ginamit ko si zilong. Karina user ako kaso may nag core na kaya zilong na lang ginamit ko. Magaling din ako mag zilong ah. Zilong pusher nga lang.
Naglaro ako ng ML na nakaheadset kaya hindi ko sila masyadong naririnig. Focus na focus lang ako sa laro ko na diko namamalayan tahimik na silang lahat.
Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa harap ko. Pero Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalaro. Nang biglang hablotin sa kamay ko ang cellphone na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)
Teen FictionI am just a simple Chickboy person and I know that. Wala akong ginawa kung hindi humanap ng mga babaeng lolokohin ko. Until one day I was transferred to all boys high school. At the first place alam ko sa sarili ko na I am a straight person hindi ak...