"HOY! KJ MO CHESTER. UMINOM KA NGA. PUNTA TAYO DITO PARA UMINOM AT MAGRELAX."
Inirapan ko si Jeremy sa sinabi niya. Kung maka-complain mga ito. Sabi ko na kasi kanina na hindi ako iinom pero pinilit nila ako. Kaya sumama na lang ako.
"Umiinom naman ako ah." Sabi ko.
"Ang sabi ko uminom ng alak hindi uminom ng tubig." Eh ano naman ngayon sa kanila Kong tubig lang iniinom ko. Pagod na pagod ako, pinagbigyan ko lang sila na pumunta dito na sana ay nasa kwarto ako ngayon at natutulog. Pero pinili kong makisama sa kanila dahil kaibigan ko sila.
"Wala ako sa mood uminom. Sinabi ko na kanina sa inyo na pagod ako okay? Kaya sana maintindihan niyo ako kung hindi ako makakainom ngayon."
"Oyy bro, b-baka n-naman may b-bago ka ng ka-kaibigan k-kaya ganiyan kana s-samin." Lasing na sambit ng katabi kong si Allan. Lalong lumapit sakin si Allan.
"Oyy, h'wag mo k-kaming ipa-gpapalit bro ah. Mahal na mahal ka namin. And I love you the most."
Bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Tinawanan nila kaming dalawa. Nakaramdam ako ng pagkadiri sa ginawa ni Allan. Tanging 'yuck' na lang ang nabanggit ko. Inilayo ko siya sakin at sumandal siya sa balikat ni Ryle. Talagang lasing na siya kaya kung ano-ano yung mga nasasabi niya. Iba talaga kapag lasing si Allan. May pa-drama drama pa siyang nalalaman.
"Lasing na talaga siya. Kaya kung ano anong mga sinasabi." Sabay na nagtawanan si Ryle at Jeremy. Si Clark tahimik lang parang may sariling mundo. Nagbabasa lang siya sa tabi ni Jeremy. Hindi daw siya iinom dahil may pasok siya bukas. Baka siguro pag uminom siya ngayon may hang-over siya bukas.
"Teka si Drake ba 'yon?" Napalingon kami kung saan nakatingin si Jeremy. Hindi sila kalayuan kaya kitang-kita ko ang dalawang lalaki na nakatayo at yung isa ay nakikipag-usap sa nakaupong lalaki.
Napatingin ako sa isang lalaki na matangkad at may pagka-moreno pero gwapo. Mayroon siyang Hindi masyadong makukulot na buhok at may matangos na ilong. Pero sure ako na mas gwapo ako sa kaniya ah. Siya siguro yung Drake na sinasabi ni Jeremy.
Napatingin naman ako sa kasama nitong lalaki. Napakunot noo ako sa simula dahil parang pamilyar siya. Nakaside view kasi siya. Nang humarap siya sa direksyon ko ay bigla akong nagulat ng mapagtanto kong si Kevin iyon. Napakunot noo siya habang tinitignan ako kaya tumalikod ako sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng pagkabog sa dibdib ko. Kinakabahan ako na makita niyang umiinom ako kasama mga kaibigan ko.
"Oyy, Drake!! Halika dito." Mas lalo pa akong kinabahan ng tawagin niya ang kaibigan niya.
Naramdaman ko ang paglapit nila sa table namin. Kaya napahinga ako ng malalim upang ihanda ang sarili ko at harapan sila. Kailangan nating kapalan mukha natin Chester mas lalo ngayon na nandiyan si Kevin.
"Oyy, Jeremy anong ginagawa niyo dito?" Tanong nung Drake na kaibigan ni Jeremy.
"Kayo anong ginagawa niyo dito?"
"May importanteng lakad lang. Atsaka may hinihintay kami." Tumango-tango si Jeremy sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kanila dahil ramdam kong nakatingin sakin si Kevin. Tumingin na lang ako sa kaharap kong si Clark na nagbabasa ng libro.
"Edi join na kayo samin." Offer ni Jeremy. Kung wala lang si Kevin dito baka maging okay pa.
"Hindi ba kami makakaabala sa inyo?"
"No, not at all."
"Tamang-tama wala pa naman yung mga hinihintay namin. So may we join you guys?" Sumagot naman ang mga kaibigan ko ng oo at ako naman ay tumango lang. Kaya naman nakiupo sila samin. Sa kabilang upuan si Drake kung saan sa tabi siya ni Jeremy nakaupo.
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)
Fiksi RemajaI am just a simple Chickboy person and I know that. Wala akong ginawa kung hindi humanap ng mga babaeng lolokohin ko. Until one day I was transferred to all boys high school. At the first place alam ko sa sarili ko na I am a straight person hindi ak...