11

104 2 0
                                    

NAGISING NA LAMANG AKO SA ISANG HIGAAN NA HINDI PAMILYAR SAKIN.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. T*anginang hang over 'to sana hindi na lang ako uminom kagabi kung ganito din lang mangyayari sakin.

Bumangon ako sa higaan at inilibot ang mga mata ko sa kwartong kinaroroonan  habang hinihilot ang sumasakit na ulo. Napatingin ako sa katawan ko. Nagtaka ako ng malaman kong nakasuot ako ng t-shirt na oversized sakin at wala akong suot na pajama pang-ibaba kung hindi ang boxer lang. Dahan-dahan akong tumayo sa higaan pero muntik na akong matumba dahil sa hilo buti na lang at nahawakan ko ang lamesa na nasa tabi ng higaan.

Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto pero hindi ko talaga alam kong nasaan ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ito ang kwarto ko dahil nakakasigurado akong magulo ang kwarto ko hindi tulad dito na halos wala kang makitang mga gamit na nakakalat at ang sahig na makinis kung tutuusin ay pwede kang manalamin dito.

Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa salas. Sa sofa nakita ko ang damit at pantalon na suot ko kagabi. Inisip ko kung paano ako napunta dito at kung ano ba ang nangyari kagabi.

Ang alam ko inaya ako nila Jeremy sa bar. Tapos nakisama sa amin ang kaibigan ni Jeremy na siyang kasama ni Kevin. Nagstay si Kevin sa amin at pinipilit siyang painumin ni Jeremy ng alak. Pero kinuha ko yun at ako ang uminom ng alak hanggang sa nag-inuman na kami ni Jeremy. Kasama ko si Kevin na umuwi at natulog na ako. Yun ang naalala ko.

Pero bat paggising ko nasa ibang kwarto na ako. Naguguluhan na ako tapos dumagdag pa itong hang over ko. Bakit pa kasi ako sumama kanila Jeremy yan tuloy napainom na naman ako.

Pumunta ako sa sofa at kinuha ang damit at pants ko. Napansin ko ang study table malapit sa bookshelf. Nakita ko doon sa ibabaw ng lamesa ang mga nakahilirang pictures na nasa frame.

Nang makita ko ang mga pictures napagtanto kong nasa dorm ako ni Kevin. The one and only Mr. President.  Bakit ba ako napunta dito sa kwarto niya? At sa sobrang inis niya talaga sakin hindi man lang niya inabalang pasuotin ako ng pajama o kahit anong pang-ibaba sana.

Nagpatuloy ako sa pagtingin ng mga pictures niya. Not bad huh. Pati pala nung bata cute siya, nakangiti at may dimple siya sa pisngi pero alam kong wala paring tatalo sa kacute-tan ko.

Natigil ako sa isang picture frame kung saan nakita ko ang magandang larawan ng isang masayang pamilya. Kitang-kita sa mga mata nila ang pagmamahal sa isa't isa. Nakita ko ang tatlong bata.

Magkayakap ang dalawang batang lalaki at ang isang batang babae ay nasa kandungan ng kanilang Ina habang nakayakap naman ang kanilang ama. Alam kong si Kevin ang batang lalaki na kayakap nito ang kapatid niya. Kamukha pala ni Kevin ang kapatid niya 'no? Actually para silang kambal sa picture, I wonder siguro pareho sila ng ugali. Parehong mga cold persons pero matatalino.

Pagkatapos kong tignan ang mga litrato sa study table niya napagpasyahan ko narin lumabas sa dorm niya at pumunta sa dorm ko. Kinuha ko ang damit at pants ko sa sofa. 

Pagkalabas ko sa dorm niya, nakita ko agad sa harap ko ang dorm number na nakalagay sa pintuan. Nagulat ako ng malaman kong magkatapat ang dorm namin ni Kevin.

Naglipat tingin ako sa pintuan ng dorm ko at sa dorm ni Kevin para mapagtanto kong totoo bang magkatapat lang ang dorm namin sa isa't isa. Ngunit talagang minamalas naman 'o. I hate this. Lipat kaya ako ng dorm? or palitan ko kaya pagmumukha ni Kevin? Kasi laging yun nalang nakikita ko eh nakakasawa.

Pumasok ako sa dorm ko at tila nanibago ako sa ayos nito. Hindi ba ako nagkamali ng pinuntahan? Dorm ko ba talaga ito? Bat ang ayos. Last time na naalala ko magulo ang buong kwarto ko. Kung diko pa nakita mga gamit ko, siguro hindi ko mapagkakamalan na dorm ko ito.

Falling inlove with Mr. President (BXB)(Senior High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon