CHAPTER 1

410 11 0
                                    

Chapter 1




"Oh, anak basta kapag may problema tumawag kalang kay mama—" hindi ko na pinatapos si mama sakanyang sasabihin at dahil kanina pa ako naiirita sakanya. "oo na, andyan na mga kaibigan ko. Bye" pag sisinungaling ko. Kahit kailan ayokong nakikinig kay mama, paulit-ulit lang naman yung mga sinasabi nya nakakarindi na.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng convenience store, bumibili lang kami ng mga pagkaing dadalhin namin saaming adventure.

"hay nako Sol, hanggang kailan mo ba gaganyanin mama mo?" kunot noong tanong ni Chi. Ang aking long time bestfriend na mas maingay pa sa kapit bahay nyo.

"bahala sya." malamig na sagot ko saka lumabas na.

Naabutan ko na nakaupo si Sliz saaming van na nakabukas. Ngumangata ito nang chips na galing saakin. "tabi nga Sliz," utos ko na hindi nya sinunod kaya naman inirapan ko nalang sya.

Maya-maya rin ay lumabas na si Chi dala-dala yung mga pinamili naming sandamak-mak na pagkain. "Arthur pakilagaynga dyan sa harapan tong plastic nang beer," utos nya na agad sinunod ni Arthur. Kanina pa nga basa ng basa tong si Arthur nang mga horror story kaya naman wala syang maitulong samin.

"tangina ang tagal ni Lei" maktol nitong si Sliz. Maktol-maktol pa amoy baktol naman.

Halos isang minuto pa kami nag hintay bago dumating si Lei. "ang tagal ko ba? Sorry ha, tumulong pako sa tatay ko mag katay ng baboy" paumanhin nya habang pinupunasan ng panyo ang kanyang maruming kamay.

At dahil dumating na si Lei ay nag handa na sila para saaming pag alis. Si Chi ang nag aasikaso nang mga dala naming pagkain, si Arthur naman ay pumwesto na sa driver seat at habang si Sliz ayon, kinuha na ang kanyang head phone at nag simula ng matulog.

Sa ginagawang pag pupunas ni Lei ay may napansin akong kakaiba sakanyang puting damit. Kulay pula ito na mukhang natuyo na, "... ano yang nasa damit mo?"

Akmang hahawakan ko ito ng itabig nya ang kanyang balikat palayo saakin.. "ah.. Wala, dugo lang ata ng baboy" sagot nya saka sumakay ng van.



***


"alam nyo kanina pa tayo paikot-ikot dito sa Maynila, wala ba talaga tayong ma gagalaan?" inis na sambit ni Sliz.

Kanina pa ako iritang-irita sakanya, wala naman syang ginawa kundi ang humiga tapos mag rereklamo pa sya. Konti nalang talaga babatukan ko nato.

"heto guys oh," bahagya akong lumapit kay Lei ng sabihin nya na may nakita sya sa facebook. "isang abandonadong school" halos sabay na basa namin ni Chi.

".... Saan yan? Tara punta tayo!" si Arthur.

At dahil nga wala kaming magalaan ngayong Monday, doon nalang kami pupunta sa nakita naming Abandonadong School. Mukha namang maganda don, ang creepy nga nung mga picture na pinakita ni Lei kaya naman desidio na kami na doon nalang mag aadventure.

Palubog na ang araw nang kami ay makarating sa sinasabi nung waze. Kanina pa kami nag tataka kung dito ba talaga yung abandonadong paaralan, pano ba naman kasi. Napakalubak ng daan, tapos ni isang bahay wala kaming nakita... At ito pa, sa gitna ata ng kagubatan nakatayo yung school nayon, kanina pa kasi kami may nadadaanang mga puno.

"tangina dito ba yon?!" pag mamaktol nanaman ni Sliz. Bumaba na kami ng van, hindi na kasi kaya nang aming sasakyan na pumasok sa pinakaloob nito.

"guys, baka doon pa sa loob yung abandonadong school?" nanguna saamin si Lei.


***

Kanina pa kami lakad ng lakad dito sa madilim at makipot na gubat, hindi na gumagana yung waze dahil wala na kaming signal. Halos kainin na nga ako ng mga lamok kakakagat nila sa binti ko.... Ilang sandali lang nang makarating kami sa abandonadong paaralan na sinasabi ni Lei.

"Imperno High?" halos sabay-sabay na basa naming lahat sa nakasulat na karatula sa itaas ng malaking itim na gate.

Malaki ang gusaling itim na nasa harapan namin, marami itong bintana na sira-sira na. Tapos yung buong paligid nya madilim na para bang horror house, at isa pa parang ang weird ng buong paligid...

"ito na bayon? Bat parang open tong school, kala ko ba abandonado?" takang tanong ni Chi.

"... alam nyo baka eme-eme lang yang nasa facebook, mabuti pa umuwi na tayo at lalamunin nako ng mga lamok—" hindi ko ka naituloy ang aking sinasabi sapagkat may isang babae nalang ang biglang lumitaw saaming harapan...

Halos mapaatras kami sa gulat sakanyang pag litaw. "Tuloy kayo, kanina ko pa kayo inaantay." malumanay na sambit nya saka nag lakad paloob.

Taka naman kaming nag katitigan.

"baka naman palabas lang nila yung mga ganto," bulong ni Lei.

Kalaunan ay napag pasyahan din naming sumunod sa babae. Matangkad ito, malaki ang dibdib na luluwa na kapag nag lalakad sya, tapos kapansin-pansin yung buhok nyang mahaba at kulot, marami iyong hairpin na iba't-ibang kulay... Pakembot-kembot syang nag lakad habang kami naman ay nakasunod sakanya.

Halos idikit ko na ang buong katawan ko kay Lei, sya lang kasi yung lalaking hindi dinidikitan ng lamok.

Si Chi at Arthur naman nasa likod namin habang si Sliz ayon nag mamayabang kaya nasa unahan, buti nga yon eh para diko maamoy yung putok nya.

Nakarating kami sa pinakaloob...

Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam na ako ng pag tayo nang aking mga balahibo. Kung ikukumpara mo ang mga horror house dito ay talagang mas maganda sa horror house.... Para itong madilim na school, ang baho at ang tahimik. Kapansin-pansin din yung mga taong nag lalakad habang inuusisa kung sino ba kami... Lahat sila ay nakasuot ng uniporme na kulay red maliban sa babaeng nag pasok saamin dito... Masyadong makulay ang suot nang babaeng kasama namin.

Natigil kami sa pag lalakad nang humarap sya ng may ngisi.

"woah! Ang ganda dito, para kang nasa sementeryo!" malakas na wika ni Sliz bago mag lakad sa labas nitong gusali naaming kinatatayuan...

Muli syang humarap nang nakangiti bago sya...

"SLIZ!" sabay na sigaw namin ni Chi matapos mapugutan nang ulo si Sliz.

Halos mabaon ko na ang mga kuko ko kay Lei sa nangyari. Gulat na gulat kami sa nangyari kay Sliz, wala na syang buhay na nakahandusay... Wala pa ang kanyabg ulo.

Napaatras nalang kami sa takot nang mag simula yung babae na mag lakad papunta saaming gawi...

"welcome to Imperno High"

Matapos nyang sabihin iyon ay umukit sakanyang labi ang nakakapanindig balahibong ngisi.



....

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon