Chapter 5
Sa araw-araw na aming pamumuhay dito sa loob ng Imperno High ay marami na kaming nasaksihang pag patay. Marami na kaming napanood na estudyanteng nag tangkang tumakas ngunit ni isa sakanila ay walang nagawa... Lahat sila ay namatay sa kagagawan ni Death.
Hindi kami titigil hangga't wala kaming nakukuhang sagot saaming mga katanungan kaya naman bawat araw ay nag hahanap kami nang mga paraan para malaman ang lahat.
"basta, mag-ingat ka Sol" paalala ni Lei saakin. Kasalukuyan kaming nakatayo dito sa hallway habang si Chi at Arthur ay nasa kabilang building.
Tumango ako, "ikaw din Lei mag-ingat ka"
Nagtanguan kami at nag hiwalay na ng landas. Nung una ay ayaw nya pa akong iwang mag-isa pero pinilit ko sya sa kadahilanang mas makakakuha kami ng malaking tiyansa na makahanap ng mga sagot.
Nag desisyon ako na pindutin ang pinakamataas na floor nitong building.... Sa 14 floor, kung saan pinag babawal na pasukin sabi ni Madona.
Agad na nag sitayuan ang mga balahibo saaking katawan matapos bumukas ang elevator. Ibang klase ang loob nito, kulay itim at pula ang bawat paligid... Tapos mabaho nanaman, unti-unti na talaga kaming nasasanay sa masangsang na amoy nayon.... Sa mga patay.
Hindi na ako nag isip pa at dali-dali akong lumabas sa elevator. Sa lahat ng floor ay ito ang pinakakakaiba kaya sigurado akong may makukuha akong sagot dito. Sa di kalayuan ay may isang malaking pintuan na bukas... Malaki ito na talagang makikita mo ang loob.
"Yan ang dapat sayo!" boses galing sa isang matandang lalaki.
Agad akong nag tago sa isang kurtina matapos ko syang makita. Nakatalikod sya at sa harapan nya may mahabang lamesa at... Dugo.
Halos mailuwa ko ang aking kaloob-looban ng malaman ko ang kanyang ginagawa... Kinakatay nya ang isang babaeng hubad-hubad.
Akmang mapapasigaw ako sa takot nang pilitin kong kagatin ang aking labi dahilan para mag labas ito ng kaunting dugo... Hindi ako puwedeng mag tagal dito at baka makita nya ako, dali-dali akong maingat na tumakbo sa elevator at pinindot iyon.
"tangina bumukas kana..." mahina kong sabi saaking sarili. Ang bagal kasi bumukas nung pintuan ng elevator na para bang may sakay.
Muli akong sumulyap doon sa malaking pinto... "punyemas naman,"
Laking tuwa ko naman nang bumukas na ang elevator... Akmang papasok na ako nang mag tayuan muli ang mga balahibo saaking katawan. Bumilis ang kalabog saaking dibdib at umurong ang aking ihi matapos kong makita si Death na nakatayo habang pinag mamasdan ang buong kaluluwa ko.
Lumunok ako ng sandamak-mak na laway.
"titigan mo lang bako?" malamig na tanong nya.
Nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang maalala ko akg sinapit ni Sliz sa kamay ni Death. Hindi ako puwedeng matakot sakanya, sya ang pumatay sa kaibigan ko... At ngayon, sya ang nag papahirap sa bawat tao na andito.... Hindi ako marunong matakot sa demonyo dahil isa din ako sakanila.
Matapang akong pumasok sa loob ng elevator at sinara iyon.
Kahit na may tapang saaking katawan ay hindi parin mawawala ang takot na bumabalot saaking puso lalo na't nasa likod ko ang lalaking kinakatakutan ng lahat.... Wala syang imik, napakalamig ng buong paligid kapag andito sya.
Nakahinga ako ng napakaluwag nang bumukas na ang elevator. Dali-dali akong nag lakad palabas nito. Dire-diretso lang ako, walang tigil ang aking mga paa sa pag lalakad dahil sa takot ko sa lalaking nakasabay ko kanina.
Akmang hahakbang pa ako muli nang may kumalabit saaking likod kaya agad ko itong sinulyapan...
Walang kahit na ano.
Nang wala akong makitang tao o kung ano ay humarap nadin ako agad.
Halos mawala ang kaluluwa ko saaking katawan matapos kong makita si Death na nasa harapan ko na. Bumlaranda saakin ang malapad nyang dibdib at ang mapupula nyang labi.
"Anak ng teteng," gulat na sabi ko sabay hawak saaking puso.
Kita ko naman ang pag ngisi nya. Ngayon ko lang nakita ang ngising iyon... Para ngang hindi ngisi eh, para bang isang ngiti.
"may kailangan ka?" matapang na tanong ko. "kung meron sabihin mo na—"
Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nang halikan nya ako.
Ramdam ko ang mainit nyang labi na dumikit saaking mga labi. Malambot at mabango ang mga ito. Hindi ko naman sya maitulak o ano, naistatuwa ako sakanyang ginawa.
Nanghina ang aking katawan matapos nya akong halikan.
Tapos non ay agad din syang humiwalay sakaing labi. Dinilaan nya ito na para bang nasarapan, "... kakaiba ang lasa ng labi" ngising sabi nya saka nag lakad na para bang walang nangyari.
Naiwan akong nakaistatuwa.
"T-tangina..." mahina kong sabi saaking sarili matapos akong matauhan.
Si Death hinalikan ako?!
***
Hindi mawala-wala saaking isipan ang halik na binigay saakin ni Death kanina. Patuloy lang akong nag lalakad patungo sa library kung saan kami mag kikita-kita nila Chi. Nang makapasok ako sa library ay nadatnan ko silang nakaupo at mukhang seryoso kaya naman nag madali na akong tumabi sakanila.
"oh Sol, bat ngayon kalang?" alalang tanong ni Lei.
"tangina ka pinakaba mo kami," sabi ni Chi sabay yakap saakin.
Napakaseryoso ng kanilang mga mukha kaya naman hindi ko na piniling ikuwento sakanila ang mga nangyari kanina. "nakakuha ba kayo ng sagot?"
Tumango si Arthur naaking kinangisi.
"Si Madona" banggit ni Chi.
Kumunot naman ang noo ko, "Anong si Madona?"
"pinapapunta nya tayo sakanyang room mamayang hating gabi..." si Lei na ang nag papaliwanag. "Kung gusto daw natin malaman ang lahat... Puntahan natin sya"
Kumunot naman ng bahagya ang aking noo.... "pano kayo nakakasigurong tutulungan nya tayo?" Si Madona ang nag papasok saamin dito kaya talagang nakakapag taka kung tutulungan nya din kaming makaalis.
"muntik nakong mamatay kanina" Nagulat naman ako sa sinabi ni Chi.
"... Nang dahil sa isang baliw na babae ay muntik nakong masaksak, pero hindi natuloy dahil—"
Si Arthur na ang nag tuloy ng kanyang kuwento. "pinatay ni Madona ang dapat na papatay kay Chi"
Hindi ko parin maisip kung bakit ito gagawin ni Madona. Wala nga syang pake nung mamatay na si Sliz tapos ngayon sasabihin nilang tutulungan kami ni Madona. Ano ba talagang sikreto?
Napag desisyonan naming lahat na tutuloy kami sa sinasabi ni Madona. Kahit na kabado at natatakot kami ay kailangan naming sumugal para malaman ang katotohanan.
....
BINABASA MO ANG
IMPERNO HIGH (School of Psycho)
AdventureAng storyang ito ay hindi base sa totoong buhay, pangalan, lugar at pangyayari ay kathang-isip lamang ng may akda. TAGALOG 🇵🇭 Isang grupo ng kabataan ang nag lakbay sa isang abandonadong paaralan. Ang buong akala nila ay isa lamang adventure o ka...