CHAPTER 22

91 6 0
                                    

Chapter 22



Hindi pwedeng mamatay si Serafina. Masyado pang maikli ang panahon na aming pag sasama kung kaya't hindi ko hahayaang mamatay din sya. Napagdesisyunan namin na lumabas upang hanapin sya. Pero bago yon ay nag hanap kami ng mga bagay na pwede naming ipang saga o ipang laban.

Lumabas kami ng library sa aking pangunguna. Madilim, nahangin at nakakatakot na hallway sa mag kabilaan ang aming nasilayan.

Hahang kmai ay nag lalakad ay rinig ang mga sigawan ng mga estudyante na nababaliw na. Kaliwa't kanan ang patayang aming nakikita kaya naman lalo naming binilisan sa pag baba. Nang makababa kami ay bumungad saamin ang mga tauhan ni Death...

Akmang tatakbo na kami nang hawakan kami nito. "Ano ba?! Bitawan nyo kami!" Sigaw namin at pilit na kumakawala sa mga kamay nila.

At dahil malalakas ang isang ito ay nabuhat nya ako. Pagkakataon ko na ito, kinagat ko ang mapait nyang batok dahilan para maibaba mya ako... Tumama ang katawan ko sa sahig at pinag papalo sya ng kahoy. Tapos non ay tinulungan ko sina Chi ngunit masyadong malakas ang mga lalaking may hawak sakanila... Akmang hahampasin ko na ito nang sapakin nalang ako bigla dahilan para muli akong matumba.

Tumama ang aking ulo sa bato na aking ikinahimatay...

Sa muling pag dilat nang aking mata ay hilo ang aking naramdaman. Inilibot ko ang aking mata at wala na sina Chi, Arthur at Madona saaking harapan... Baka kung ano na ang mangyari sakanila, kahit pa masakit at kumikirot ang aking katawan ay pinili ko paring tumayo.

Paika-ika akong nag lakad sa gitna ng Imperno High. Walang katao-tao sa labas. Puro sigawan at tilian ang naririnig ko. Lubhang nakakatakot ang buong paligid, pero hindi ko iyon iniisip. Kailangan kong makita ang mga kabigan ko. Sabay-sabay kaming lalabas sa impyernong ito.

Napatigil ako sa pag lalakad nang may maaninag akong lalaki na nakatayo di kalayuan saaking harapan. Nakaitim itong balabal at alam kong si Death ito. Bago ako sya humakbang papalapit saakin ay kumidlat ang kalangitan kung kaya't hindi ako makagalaw sa takot.

Dalawang hakbang nalamg ay makakarating na sya saakin ngunit huminto sya....

"D-death..."

Sa pagkakataong ito ay nawala ang takot na nararamdaman ko saaking puso. Hindi ko ba alam, kahit pa sya na ang pinakamasamang tao na nakilala ko ay mas pipiliin ko parin na sumama sakanya.

Akmang mag sasalita akong muli nang unahan na nya ako.

"Nahanap ko na sya," Nag pinta ang isang maliit na ngiti sakanyang labi. "Kilala ko na ang taong may rare blood."

Sandali akong napatigil. Kung nahanap na nya ang taong iyon ay ibig bang sabihin nito ay matatapos na ang kaguluhang ito? Makakalaya na ba kami sa mga kamay ni Death? Pero ang malaking tanong ay... Sino ang taong tinutukoy nya?

"n-nasaan sya?" tanong ko at nag palinga-linga sa paligid.

"Nasa..." Bago nya ituloy ang kanyang sasabihin ay narinig ko ang kanyang pag lunok. "Nasa... Harap ko."

Halos mabingi ako saaking narinig.

Ako? Ako ba ang taong may rare blood na matagal na nyang hinahanap? Ako ang taong may dahilan kung bakit nya ito ginagawa sa lahat, ako ang taong... Ang taong dahilan ng kanilang pag hihirap. Hindi ko maipinta ang mukha ko, wala akong imik na napaluha. Kailangan kong mamatay upang mailigtas ang mga kaibigan ko kasama na ang mga inosenteng tao.

Wala akong nagawa kundi ang maluha sa harapan ni Death. Hindi ko inaasahan ito.

Sandali namang nag karoon ng katahimikan bago sya muling mag salita... "Patawad..." Mahina nyang sabi saka lumuhod.

Lumuhod sya saaking harapan at tiningala ako. Sa pangalawang pag kakataon ay muli akong nasilayan ang napakaganda nyang mukha. Tama nga ako, huling beses ko na iyong makikita ang kanyang magandang ngiti. Sana pala ay sinulit ko na.

Maya-maya lang ay lumabas din ang basang likido sa kaliwa nyang mata.

"Sorry..." Nanginginig ang kanyang mga labi habang sinasabi ang mga katagang, 'patawad' 'sorry' at 'pasensya'

"patawarin moko..." At sa pag kakataong ito ay nakita ko kung pano lumabas ang pulang likido sa kanan nyang mata kung masaan ang kanyang peklat. "Sol" Pag tawag nya saaking pangalan kung kaya't natauhan ako.

"D-diba sabi mo sakin dati na hindi ko alam ang salitang pagmamahal," Panimula nya. "Oo tama ka. Pero alam mo ba mag mula nang makilala kita, naintindihan ko na ang mga katagang yon.... Sol, m-mahal.." Hindi nya kayang banggitin na mahal nya ako.

Halos iluwa ko na ang mga mata ko kakaiyak. Walang letra o kahit na anong salita ang lumalabas saaking dila. Gusto ko lang tanggapin ng maluwag ang lahat... Hinimas ko ang kanyang pisnge at ang kanyang peklat. Sandali kong sinulyapan ang araw na malapit ng lumubog.... Malapit naring palang mawala ang araw. "Uulan na..." Sabi ko nang makita ko na mag badya ang kalangitan sa darating na ulan.

Tumingin ako kay Death at sinabing...

"Mahal... Tinatanggap ko"

Mas gugustuhin kong mamatay nalang kesa mag hirap pa ang mga kaibigan ko at ang mga inosenteng taong nakapaligid saakin. Kung ako ang sulusyon sa matagal ng pangarap ni Death ay gagawin ko. Iaalay ko ang buhay ko upang malutas na nya ang matagal nyang pangarap.

Kaya kong mamatay para lang muli kong makita ang magaganda mong ngiti mahal ko.

...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon