CHAPTER 19

102 6 0
                                    

Chapter 19


Buong mag hapon kong hindi nakita si Death na aking pinagtataka. Wala sya sakanyang opisina dahil naka sarado ito, wala din sya sa cafeteria at lalo kong pinagtaka na wala din sya sa rooftop... Wala naman akong ibang maisip kung saan sya pwedeng mag punta, kung sisilip ka sa himpapawid ay masasabi mong maliit lang itong Imperno High. Nakapalibot na building tapos sa gitna non ay may mga halaman na para bang feild kaya naman hindi ko na alam kung saan hahanapin si Death.

Saaking paghahanap kay Death ay napadpad ako sa building A. Bakas sa bawat pader nito ang mga dugong natuyo na, baka kanina pang madaling araw sya pumapatay. Ang malaking tanong ay.. Bakit nya ginagawa yon?

Ganon nalang ba talata ang galit nya at lahat ng makita nya ay kanyang papatayin. Wala talaga syang puso kaya nga hindi ko alam kung bakit sya pa ang napili ng aking puso.

Agad akong napatakip ng bibig matapos akong makakit ng babaeng nakahandusay sa lapag. Kilala ko ito.. Si Crystal, hanggang ngayon ay nakaputi syang bistida kung kaya't agad ko itong nakilala.

Napakawalangya ni Death. Wala syang awa sa lahat ng nilalang.

Nilagpasan ko nalamang ang bangkay ni Crystal at nag lakad na pakaliwa. Saaking pag lalakad ay nakaramdam ako ng tila ba sumusunod saakin... Nang lingonin ko iyon ay isang matangkad na lalaki ang aking nasilayan. Hindi ito si Death.

Naglakad ako paatras dahil nag simula na syang humakbang papalapit saakin na aking ikinabahala. "S-sino ka?" tanong ko ka nag-echo lang sa hallway.

Hindi sya sumagot at pautloy lang sa pag lalakad.

Hindi ako makagalaw, dead end na pala. Maya-maya lang ay nakarating din sya agad saaking harapan. Nakatitig lang sya saaking mata habang walang imik na nakatayo... Sandali namang tumama sakanya ang liwanag at nakita ko ang mukha nito.

Moreno, matangos ang ilong at may kulay pula sa buhok.... Si Jomar na alam kong sekretarya ni Death.

"Jomar? A-anong ginagawa mo—" Hindi ko na naituloy ang aking itatanong nang halikan nya nalamang ako bigla.

Hinalikan nya ako na para bang sabik na sabik sya saaking labi. Hindi naman ako makawala dahil nakadagan sya saaking katawan at pilit nyang itinataboy ang mga kamay ko malayo sakanya. Ilang sandali pa ay nalasahan ko ang mapait na alak sakanyang dila... Wala na akong nagawa kundi maiyak.

Ilang sandali pa ang lumipas at nag sawa na sya saaking labi. Unti-unting bumaba ang kanyang dila saaking leeg, habang ginagawa iyon ay pinupunit nya ang unipormeng suot ko... Naistatuwa ako sa mga nangyayari, patuloy lang bumubuhos ang likido saaking mga mata dahil sa takot na nararamdaman ko.

Akmang hahawakan na nya ang aking dibdib nang bigla nalang itong tumalsik sa kanan... Si Death.

Sa sobrang lakas ng pagkatalsik ni Jomar ay dumugo agad ang kanyang ulo dahilan upang mawalan ito ng malay. Sinugod ni Death ang walang malay na si Jomar at pinagsasak-sak ito gamit ang mahaba nyang spada.

Hindi ako makagalaw...

Napaupo nalang ako at umiyak. Pinikit ko nalang ang mga mata ko, natatakot ako. Sobrang natatakot.

Ilang sandali lang ang lumipas nang wala na akong narinig na kahit ano. Kasabay nang pag dilat ko ay syang pag yakap saakin ni Death... Wala syang sinabi, niyakap nya lang ako dahil alam nya ito ang aking kailangan... Agad na lumabas ang maraming basang likido saaking mga mata at nag situluan iyon sa dibdib ni Death.

"shh..." bulong nya saakin.

***

Hinubad nya ang kanyang pulang balabal at isinuot iyon saakin. Laking gulat ko nang buhatin nya ako, para akong bata na nawalan ng laruan kakaiyak. Hindi nyo din namana ko masisisi, kahit na sinong babuyin ng tao ay talagang maiiyak. Nag lakad si Death sa madilim na hallway na puno ng dugo habang buhat-buhat ako sakanyang mga bisig. Napaka-safe ko talaga kapag nasatabi ko ang demonyo.

"Ano ba hindi naman ako lumpo kaya ibaba mo nako" naiilang na utos ko.

Wala naman syang imik at patuloy lang na nag lakad. Ilang segundo ang lumipas at natamaan din kami ng araw... Unti-unti kong nasilayan ang kanyang mukha.

Mahaba ang buhok nitong kulay itim, kumikinang ang balat nyang kay puti at ang mga mata nya... Napakaganda. Kulay itim ang isa habang ang kanan ay pula. Kapansin-pansin din ang malaking peklat dito pero hindi naman iyon sagabal sa ganda ng kanyang mukha. Mukha syang angel.

Sandali syang huminga nang malalim saka ako ibinaba. "akin na nga yan," Sabi nya sabay kuha sa balabal na isinuot nya saakin.

Muli nya iyong isinuot sakanya. Akmang tatakpan na nya ang knayang mukha nang mag salita ako. "t-teka bat mo tatakpan yung mukha mo eh ang pogi mo nga" pag sabi ko ng totoo.

Sandaling lumabas ang maliit na ngiti sakanyang labi kaya't napangiti rin ako. "pogi? Bulag kaba?" tanong nya saakin. "Tignan mo maigi itong pangit kong mukha..."

"Ikaw ang bulag, ang ganda-ganda mo tapos itatago mo lang"

At sa pag kakataong ito ay lalo kong nakita ang pag ngiti nya. Isang ngiting hindi pilit... At isang ngiti na tila ba ngayon ko nalang muling makikita.

"Salamat." ngiti nya saakin bago ako muling buhatin.

Buhat-buhat nya ako nang makalabas kami sa building A. At buhat-buhat nya din ako nang makita kami nina Chi. Tumakbo sila palapit saakin na para bang nag tataka kung bakit nasa bisig ako ni Death...

Sandali ko namang tinapik si Death, hudyat para ibaba nya na ako. Tapos non ay sandali nya ring inayos ang kanyang balabal upang hindi makita ang kanyang mukha.

"Sol? Ayos kalang? Anong nangyari?!" Sunod-sunod na tanong nya at inusisa ako. "bakit punit-punit yang suot mo?!" Pinanlisikan nya nang mata si Death na aking ikinatawa.

"Tangina mo kang demonyo kang hayop ka, anong ginawa mo sa araw namin ha?!" bulyaw nya na para bang nag rarap. Wala namang pake si Death doon at dali-dali ring naglakad paalis.

Napangiti nalang ako dahil sa mga nangyari... Kaunti kong nalimutan ang masaklap at nakakadiring pang bababoy saakin ni Jomar.

...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon