CHAPTER 16

111 5 0
                                    

Chapter 16



Tatlong araw nalang pala ay linggo na kung saan gaganapin ang rituwal sa buwang ito. Kasalukuyan akong nag-aayos sa lock room ng aming oditorium, ngayong nalalapit na ang pagsapit ng linggo ay dapat na naming makabisado ang bawat galaw sa pagsayaw. Nauna na saakik si Chi kaya naman lumabas na sya, naiwan kami ni Serafina dito habang nag-aayos... Nakasuot kami ng asul na bistida. Akma namang lalabas na ako sa oditorium nang mapansin ko si Serafina na tila hindi pa nakaayos.

"Serafina, bat hindi kapa ayos?" tanong ko habang papalapit sakanya.

"k-kasi... Tingin ko hindi ako bagay sa mga ganito" nahihiyang tugon nya naman saakin, "Sa mga katulad nyong magaganda lang ang posisyon na ito.. Hindi ako bagay."

Kinuha ko ang kanyang bistida sa gilid at binigay sakanya iyon. Ngumiti ako ng malawak, "ang ganda-ganda mo kaya" Sa pag kakataong ito ay nakita ko ang maliit nyang ngiti.

"oh! Ang ganda mo Serafina," Hinatak ko sya patayo at pinaharap sa malaking salamin. "... Lalo kang gumaganada tuwing nakangiti ka"

At sa unang pagkakataon ding iyon ay lalong lumawak ang kanyang ngiti. Isinuot na nya ang bistida at inayusan ko sya. Hindi naman sya makapaniwala sakanyang nakikita sa harapan ng salamin. Lalo syang gumanda, inayos ko ang magulo nyang buhok at tinakpan ko ang mga itim sakanyang mata... Bagay na bagay sakanya ang bistidang asul, lalo syang nag mumukhang kaaya-aya. Hawak kamay kaming lumabas, nadatnan namin doon si Chi at ang tatlo pang kababaihan na ang gagandagan.

Sinimulan na ang aming pag-eensayo ng sayaw.

Hindi naman mahirap ang pinapagawa ng babaeng nag tuturo saamin. Iikot lang kami pabilog then kekembot na parang bulati.

"okay girls enough!" inis na utos ni Madam Chua, ang aming guro. "Sana naman pag butihin nyo ang ginagawa nyo! Lalo na ikaw Sol" Napayuko nalang ako, kahit madali ang mga steps ay hindi naman ako marunong sumayaw. Aaminin kong matigas ang katawan ko kaya paano ako makakagiling punyeta.

Sa kalagitnaan nang kanyang pag bulyaw saamin ay tumunog ang pinto. Iniluwa noon si Death, sandali ko namang sinulyapan si Madam Chua—Kitang-kita sakanyang itsura ang kaba at takot. Napangisi nalang ako at muling ibinaling kay Death ang aking paningin, patungo sya sa gitna at naupo. Mukhang manonood pa ata lintek na...

Bumaling naman kay Madam Chua ang aming paningin nang pumalakpak sya. Hudyat na mag simula kami sa pinakauna.

Nakakailang si Death, habang kami ay sumayaw ay nanonood lang sya saamin na parang super vaisor. Hindi ako makapag focus ng maayos sakanya.

Iikot na sana ako nang matalisdo ako, kaliwa't kanan ang tawanan ng tatlong babae kaya agad akong tinulungan ni Chi at Serafina. "ayos kalang?" tanong ni Chi kaya agad akong tumango. "wag ka mailang, mahahalata nyang may gusto ka sakanya." Napakunot naman ako ng noo dahil sa binulong saakin ni Serafina... Ano ako may gusto sakanya? Kanino kay Death? Malabo. Nahihiya lang ako kase... Tangina bat nga ba ako nahihiya?

***

Lumipas ang halos isang minuto naming pag eensayo, medjo naayos ko na ang mga steps at isa pa nakakabisado ko na ang bawat galaw kung kaya't hindi na ako nabubulyawan ni Madam Chua. Akma namang iikot akong muli nang masanggi ko ang katabi kong babae... Bigla nalang syang nadausdos sa sahig kahit hindi naman malakas ang galaw ko.

"aw! Aray ano ba?!" Arteng sigaw nya matapos isubsob ang kanyang mukha.

"T-teka, hindi naman malakas ang pagkasanggi ko sayo ha?!" Protesta ko. "Napaka arte mo naman—"

Napatigil ako sa pag sasali nang sumigaw si Death. "Enough!" Nag lakad sya tungo sa babaeng ngayon ay umaarte sa sahig. Inalalayan nya itong makatayo, "Saan masakit?"

Kumagat ng labi ang babae bago sumagot. "D-dito" Turo nya sakanyang tuhod na wala namang nangyare.

Napuno ng mga gulat ang paligid nang halikan ni Death ang tuhod ng babae. "okay na?" tanong nya saka tumango ang babae.

Buwisit. Bakit ako naiinis? Tangina, parang gusto ko ding ihampas ang mukha ko sa sahig. Bakit kaya ganon nalang ang ginawa ni Death sa babae, di kaya may relasyon silang dalawa? Nakakainis na talaga. Habang kami ay nag papractice ay pinapanood ko si Death ang ang si Crystal—Ang babaeng bagay maging artista sa sobrang arte. Kinekembot nya ang kanyang balakang na akala mo sweet girl tangina.

Ito namang si Death parang nagugustuhan ang mga nangyayari. Nakahawak sya sa balakang ng babae at nakasubsob sa leeg nito na para bang bampira. Ako naman ay heto, hirap na hirap sa ginagawa kong pagkembot. Hindi ko ba alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis, napipikon nako na para bang gusto kong sapakin si Death at sabunutan si Crystal.

Hindi ko na ito kaya.

Dali-dali akong tumungo sakanilang puwesto dahilan para lahat sila ay mapatigil. Walang pasubali kong hinila ang kamay ni Death at inilayo sya kay Crystal. Habang kami ay palabas sa oditorium ay narinig ko pa si Madam Chua na tinawag ang aking pangalan. "wala akong pake sayo daga." Mahina kong sabi na ikinangisi ni Death.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at dinala ko sya sa walang katao-taong bahagi ng 5th floor. Binitawan ko sya at humarap sakanya ng seryoso. Ilang sandali pa ay hinalikan ko sya.... Bumagal ang lahat, bumagal ang hanging tinatangay ang aking mahabang buhok at bangs, bumagal ang pag galaw ng aming paligid... Wala pang limang segundo ay inilayo ko na ang labi ko sakanyang labi. Bakas sakanyang mga labi ang ngisi na para bang ibaabangan nyang gawin ko iyon.

Habang tinititigan ko ang kalahati ng kanyang mukha ay bumilis ang tibok ng aking puso. Nabalik ako sa isip ko at lumayo sakanya, t-tangina.

"s-sorry... Shit" Sabi ko at tumakbo paalis.

Shit! Shit! Ano bang iniisip ko, bakit ko nalang sya biglang hinila at hinalikan? Imposibleng nag seselos ako sa Crystal nayon, masyado akong kampante na hindi sya magugustuhan ni Death. Ako lang, ako lang ang maaring magustuhan ni Death—Tangina! Nababaliw nako.


...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon