CHAPTER 9

107 6 0
                                    

Chapter 9




Ang bigat naman ng gawain ko, alam ng lahat na hindi ko kayang pumatay tapos ako uutusan nila para pumatay. Pero hindi nako pwedeng umatras, kailangan na naming mapatay si Death dahil kung hindi namin iyon gagawin sa lalong madaling panahon ay kami ang mapapahamak o... Mamatay. Hindi ko hahayaang mapaahamak ang mga kaibigan ko at ang mga inosenteng taong nandirito sa paaralang ito. Makakauwi din kami.

Isa pa, gusto kong pag higantihan si Death. Hindi ko pa nakakalimutan ang walang awa nyang pag patay kay Sliz. Pag babayarin kita, Death.

"ito," ibinigay saakin ni Madona ang isang maliit na bote. "Malakas na lason ang nasa loob nyan, alam mo na ang plano." tapos nyang sabihin iyon ay sumenyas na sya saaming lahat upang simulan ang plano.

Akmang lalabas na si Chi nang hilahin ko sya saglit. "Mag-ingat ka okay?"

Ngumiti sya, "opo, ikaw din Solyven"


***

Kasalukuyan naming tinatahak ngayon ni Lei likod ng cafeteria. Oras ngayon nang pagkain ni Death kaya naman ito na ang pagkakataon namin upang malason sya. Tumigil kami sa pintuan ng kusina, inusisa naming maigi ang bawat sulok nito. "Dalawang lalaki at isang babae" sabi ni Lei.

"paniguradong ayon ang pagkain na ihahain nila kay Death" sabi ko sabay turo sa isang tray na may stake at wine. Sya lang naman ang nilalang na nakakakain nyan dito.

"pano natin malalagay itong lason?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga nag luluto.

"may naisip ako." sabi nya.


***


Hindi ko alam kung magagawa ba namin itong planong ito. Kinakabahan ako lalo na't wala naman akong karanasan sa mga bagay na ganito. Kabado akong palinga-linga rito sa main door kung saan lalabas ang mga katulong upang dalhin ang pagkain kay Death habang si Lei naman ay malapit kay Death para bantayan ito kung sakaling mang mag taka o mainip sya sa tagal ng kanyang pagkain.

Akmang lalabas na ang isang matabang babae dala ang pagakin ni Death nang dali-dali ko itong sanggiin... Natapon ang wine at sakto namang nasalo ko ang pinggan ng stake... Sandali kong nilingon si Death at buti naman dahil hindi nya ito napansin dahil malayo sya ng bahagya saaming puwesto.

"putangina ka namang bata ka oh," reklamo ng matabang babae habang pinupulot ang mga kutsara at kitchen knife na nahulog.

"p-pasensya na po," yan tama yan Sol, umarte kalang at magiging okay ang lahat.

"anong magagawa ng pasensya mo eh natapon na ang mamahaling wine, kinginaka"

"S-sorry ho talaga, kung gusto nyo po bilang kabayaran sa nagawa ko... Ako nalang ang gagawa ng panibagong wine ni Death,"

At hindi naman ako nabigo. Sa sobrang pag pilit ko sa babaeng matabang toh ay pinayagan nya narin ako na ako na ang gagawa ng panibagong wine ni Death.. Kaso, mas masarap akong gumawa ng wine. May lason.

Pagtapos ituro saakin ng babae kung nasaan ang bote ng wine at lemon ay tinungo ko na ito agad.

Bago ko hawakan ang bote ng wine ay sandali akong nag masid. Nasa kanan ko ang isang uhuging lalaki at nasa likod naman ang isang matangkad at mabahong lalaki. Yung babaeng mataba ay lumabas na para ihain ang stake kay Death.

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon