CHAPTER 12

114 4 0
                                    

Chapter 12


Sol

Madaling-madali kaming dalawa ni Lei habang tinatahak namin ang hallway papunta saaming room. Ibinalita kasi saamin ni Peter ang pangyayari kanina sa oditorium kaya naman kanina pa ako hindi mapakali kakaisip kay Chi. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad si Serafina na nakatayo, nasa harapan nya si Arthur habang pinapakalma si Chi kakaiyak. Agad akong lumapit sakanya para yakapin sya.

"Hindi ako mamatay tao.. Hindi ako mamatay tayo" Bulong nya habang umiiyak saaking mga bisig. Hinimas ko sya, "Shhh, hindi ka masamang tao Chi..."

"kanina pa sya ganyan, wala syang sinasabi kundi ang hindi sya mamatay tao." Paliwanag ni Arthur. "Mukhang masyado nyang dinamdam ang nangyari,"

"S-sol.. Hindi ako mamatay tao" Naluluha nyang sabi.

Tumango ako, "oo Chi, alam ko yon"

Lalo syang umiyak at lalo ding humigpit ang kapit nya saaking damit. Napasulyap naman ako kay Serafina—Lagi nalang syang ganyan tuwing kasama namin sya, para syang hindi mapakali o natatakot ba. Ewan ko dyan nasasanay na ako na palagi syang maraming iniisip.

***

Malalim na ang gabi ngunit andito parin ako sa maliit naming sala, nakaupo habang pinagmamasdan si Chi na natutulog. Bakas na bakas sakanyang mata ang pagiyak at pag kalugmok nito, si Arthur naman ay ginawa na ang kanyang misyon na makahanap ng mga kung ano-anong impormasyon kasama si Peter. Si Lei naman ay kanina ko pa hindi nakikita, malamang ay nasa paligid lang iyon ay kumikilos nadin.

Binabantayan ko lang si Chi mag mula kanina. Natatakot kasi sya, alam ko naman na hindi magagawa ni Chi na pumatay. O kung sakaling ginawa nya iyon ay may malalim na dahilan.


***

Narrator

Dahang-dahan nyang pinihit ang door knob at pumasok sa loob ng opisina. Agad nyang naamoy ang napakabangong bulaklak na nanggagaling sa isang kulay itim na mesa kung saan naroon si Death. Nakaupo ito sakanyang swivel chair habang pinapaikot ang ballpen sakanyang mga daliri.

Pumasok sya at nang walang kaba o takot na harapin ang isang demonyo. Halos umabot naman sa tenga ni Death ang kanyang mga ngisi nang makita nya ang taong nasa harapan nya ngayon.

"Kamusta?" Tanong nito.

Hindi naman iyon pinakinggan ng taong kaharap nya. Bagkus ay kinakampag nito ang mesa ni Death habang sya ay nag sisigaw sa galit. "TANGINA! TANGINA! BAKIT SYA PA?!" sigaw nito sa mukha ni Death na walang pakielam sa mga sinasabi nito sapagkat wala naman syang maintindihan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong ni Death.

Huminga sya ng malalim at nag timpi sa galit. Hindi ito ang tamang panahon para malaman ni Death ang kanyabg nalalaman, hindi ito ang tamang oras para iligtas nya ang taong pinakamamahal nya sa mga kamay ni Death. Hinilot nya ang knayang sintido bago tumalikod, bago nya muling pihitin anh door knob para umalis ay may kataga muna syang iniwan...

"Stay away from her." malamig na sabi nya bago nya iwang mag-isa si Death.

"Tanginang toh." Bulong naman ni Death dahil hindi nya alam ang mga pinagsasabi ng taong iyon. Wala syang kaalam-alam sa mga letrang lumalabas sa taong iyon kaya naman hindi nya nalang ito inisip pa at nag patuloy na sakanyang ginawa.



***

Sol

Masyado nang nagiging impyerno ang mga buhay namin. Ang daming tanong na walang kasagutan kaya naman hanggang ngayon ay patuloy kami sa pag hahanap nito. Pero sa kabila ng mga ito ay naiisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung hindi kami napasok sa Imperno High? Siguro ay masaya kaming natatawanan sa loob ng maliit naming van kasama si Sliz. Siguro hanggang ngayon ay kinakausap ko padin ng pabalang si mama... Sobrang naawa na ako saaming mga sarili. Ayoko ng ganitong buhay.

Napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nang pumasok si Lei. Nag tungo sya sakanyang kama at naupo. Mukha itong pagod na pagod at tila ba maraming iniisip. "Ayos kalang Lei?"

Ngumiti sya saakin, "Hmm."

Maging ang lalaking ito ay nawawalan nadin siguro ng pag-asang makatakas sa impyernong ito. Nakakapagod. Saaking pag-iisip ay muling nasagi saaking utak ang nangyari kanina at nung nakaraang araw... Ang mga halik ni Death na talagang nag pagulo saaking isipan.

Bakit nya kaya ako hinalikan?

Imposible namang gusto nya ako, at lalong imposibleng hinalikan nya lang ako dahil maganda ako. Tangin ang sakit na sa ulo....

Saaking pag iisip ay may isang magandang plano ang sumagi saakin.

"kung hindi sya mahulog-hulog sa rooftop..." Mahinang sabi ko saaking sarili na ako lang ang nakakarinig. "What if... Saakin nalang sya mahulog?"

Tama! Tangina Solyven may utak ka naman pala. Hindi ko alam kung makakatulong ba ito sa pag patay sayo Death, pero alam kong makakatulong ito para lalo kang humina. Madali lang naman sakin ang mag painlove, si Lei nga na kaibigan ko ay ako ang pinakamamahal. Paano kung paibigin nalang kaya kita saakin Death? Maari iyon, imposibleng mag hulog ako sayo dahil isa kang demonyo.

May plano nako.

...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon