CHAPTER 18

94 3 0
                                    

Chapter 18

Narrator


Padabog na ibinagsak ni Death ang kanyang katawan sakanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Naiinis sya sakanyang sarili sapakgat alam nyang nahuhulog na sya kay Sol. Ayaw nya itong mangyari, isang malaking sagabal ang pag-ibig sakanyang mga plano kaya naman gulong-gulo na ang kanyang isipan. At sa sobrang inis nya ay ibinalibag nya lahat ng gamit sakanyang mesa dahilan upang magkaroon ng ingay sa buong paligid. "ARGHHH!" sigaw nya.

Hinilot nya ang kanyang sintido, "Sol.. Sol.. Sol, tangina. Patayin nalang kaya kita?" Tanong nya sakanyang isipan.

"tangina hindi ko kaya." Mahina nyang bulong sakanyang sarili kung kaya't lalo syang nag wala. Buong madaling araw nyang sinira lahat ng kanyang gamit kaya naman nag kalat ito sa buong paligid. Isang malaking kalokohan lamang ang pagmamahal para sakanya, ni hindi nya nga alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal.

Galit na kinuha nya ang kanyang espada at nag tungo sa labas kahit hindi pa umaahon ang araw... Sa umagang ito ay wala na syang titimpiin pa, hinding-hindi nya hahayaang mabulilyaso lahat ng kanyang plano.... Lahat nang nakikita nyang estudyate sa paligid ay kanyabg pinagsasak-sak. Wala syang awa sa mga ito lalo na't wala naman syang pakielam sa mga tao.

Akmang tatakbo na si Crystal nang sabunutan nya ang buhok nito. Hinila nya ito hanggang sa makarating sila sa mataas na bahagi ng building A. "Anong oras palang nag gagala kana." Ngisi nya. "ayan tuloy nakita kita."

Wala namang magawa si Crystal kundi maiyak, pilit syang kumakawala sa mga kamay ni Death kunit para bang mapupunit na ang kanyang anit sa sobrang higpit ng hawak ni Death dito. "Death wag! Please nag mamakaawa ako sayo!" Sigaw nya ngunit tila ba walang naririnig si Death.

Hiniga ni Death ang babaeng hawak nya sa sahig at sinimulang pag sasampalin. Walang tigil nyang sinampal-sampal si Crystal hanggang sa mag dugo ang labi at mata nito. Nang mag-sawa sya ay agad nyang kinuha ang dalawang mata nito. Ang pinaka nakakadiri pa doon ay pinalunok nya mismo kay Crystal ang mga mata nya.

At hindi pa nga nakuntento si Death doon.... Sinapak nya ang tyan nito kaya at biniyak, umagos ang napakaraming likidong pula sa buong paligid na hindi naman nya alintana. Kinuha nya ang puso ni Crystal at kinain iyon...

Wala syang tigil sa pagkagat at pag lunok sa puso ng dalaga. Hindi nya gusto ang lasa nito dahil sa sobrang pait. "pangit mo na nga pangit pa nang lasa mo." Bulong nya sa dalaga bago ito iwan.

***

Mag-uumaga na ngunit hindi parin tumitigil si Death sa pag patay ng mga estudyante. Hanggat hindi nya nakikita ang taong may rare blood ay hindi sya titigil... Alam nyang nandito na ang taong may kakaibang dugo. Iyon nalang ang kulang sakanyang mga kailangan at kapag nakuha na nya ang taong ito ay mangyayari na lahat-lahat ng kanyang plano. Ang buhaying muli ang kanyang ina.

Pagtapos nya sa building A ay dali-dali din syang lumabas upang mag tungo sa gubat. Doon kasi nag tatakbo ang ibang estudyante matapos syang makita ng mga ito.

Naglakad sya sa gubat na para bang hari. Hindi sya tumigil sa pag lalakad hanggang sa may isang babae ang lumitaw sakanyang harapan.

Napangisi sya nang makita ito.

"Baliw ka na talaga." sabi ng babae.

Wala syang imik dahil wala naman syang pake sa mga taong nag sasabi sakanyang demonyo, baliw o walang puso sa kadahilanang ayon naman ang totoo.... Wala syang gusto kundi ang mapatay ang lahat. Gusto nyang mag hirap ang lahat tulad ng mga naranasan nya noon.

"Alam kong alam mo kung nasaan ang labasan dito," Sabi ni Death habang nakatingin ng diretso sa babae. "Bakit hindi ka pa lumabas?"

Ngumisi lang ang babae at kaunting lumapit sakanya. "Ang exiting kasi ng mga mangyayari..." At lalo pa syang lumapit kay Death na para bang ayaw nyang may makarinig sa kanyang sasabihin kundi si Death lang.

"lalo na sayo at kay..... Sol"

Lalo pang lumawak ang ngisi ng babae kaya naman naasar na si Death. Akmang sasampalin na nya ito nang muli pa itong mag salita....

"Shh.. Wag ka mag-alala, poprotektahan ko sya" Huling sambit ng babae bago sya umalis.

Napabuntong hininga nalamang si Death. Alam nyang malakas ang babaeng ito, kahit pa kayang-kaya nya itong patayin sa kanyang mga kamay ay ayaw nyang gawin sapagkat... Sya ang taong mag liligtas sa babaeng pinakamamahal nya... Si Sol.

***

Sol

Nagising nalang kami sa isang malakas na ingay na nanggagaling sa labas. Takot ang bumalot saamin nila Chi matapos naming makita ang buong paligid na napakaraming dugo. Nag kalat ang mga patay na estudyante sa bawat sulok ng Imperno High... Alam ko kung sino ang may gawa nito. Si Death.

Akmang pupuntahan ko na sya nang pigilan ako nina Chi. "Sol alam ko kung anong binabalak mo" May pag-aalala sakanyang tono. "please wag"

"Sol mapanganib sya at alam mo yon" Sabi naman ni Lei kung kaya't talagang hindi na ako tumuloy sa balak ko. Hindi din naman nila ako hahayaang makalapit kay Death lalo na sa ngayon... Jusko mahal ano bang nangyayari sayo?

Ilang segundo pa ang lumipas nang makasalubong namin sina Madona, Peter at Serafina. "galit na galit ngayon si Death, hindi naman namin alam ang dahilan nya" Bungad saamin ni Madona.

Sandali akong napasulyap kay Serafina. Nakatingin lang ito saakin at tila ba may sasabihin...

"grabe na talaga. Baka bukas o mamaya tayo na ang sumunod na mamatay—" hindi na naituloy ni Peter ang kanyang sasabihin dahil kay Lei.

"Walang mamatay. Kailangan na nating makatakas dito sa lalong madaling panahon at baka... Baka mangyari payang sasabihin mo, Peter." Mahabang lintana nito.

Sandali namang napangisi si Serafina na aking kinakunot. "Tama ka, Lei."

"Kailangan na nating ma.ka.la.bas." May diin sa bawat letrang kanyang binibigkas na hindi ko naman maintindihan. "mag-ingat kayo. Lalo kana..." Tumingin sya saakin bago sya mag lakad paalis.

Ano bang meron sa babaeng iyon?  Ang weird nya talaga kahit nung una ko syang makita. Pinag babalaan nya ako sa bagay na hindi ko naman maintindihan... Para syang may sasabihin pero natatakot sya na malaman ko. Ano kaya iyon?


...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon