Chapter 20
Narrator
At muli na namang lumambot ang puso ni Death. Hindi ito maari, ibinalibag nya ang kanyang espada sa kanyang opisinang napakagulo. Lahat ng maari nyang basagin ay kinuha nya upang ibato. Sigaw sya ng sigaw sa galit, hindi nya kayang pabayaan ang taong mahal nya... Kahit pa pilitin nyang sabihin sakanyang sarili na hindi sya marunong mag mahal ay patuloy lang syang nag mamahal.
"Hindi ito pwede! Hindi!" Sigaw nya matapos ipag babato ang lahat ng mamahaling kolerete.
Panandalian syang naupo at nag-isip. Muli nayng idinilat ang kanyng mata matapos makaisip ng kung ano... "Nasaan kana ba?" tanong nya sakanyang sarili at muling tumayo. Kinuha nya ang kanyang espada at muling lumabas upang hanapin ang taong may rare blood.
Alam nyang nasa paligid lang ito. Malapit na nyang makita ang taong ito kaya namna hindi sya pwedeng tumigil.
***
Sol
Pagtapos kong maligo ay naupo din agad ako sa kama upang ipahinga ang aking isip at katawan. Hindi naman magkapag pigil si Chi sa kakatanong kung ano bang nangyari saakin. Hindi ko sya pinapansin at lagi kong iniiwasan ang kanyang mga tanong. Ayokong mamroblema lang sila nang dahil saakin.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto, iniluwa non sina Madona, Peter at Arthur na mukhang pagod na kakatakbo. "May kailangan kayong makita..." Pagmamadali nila at muling tumakbo paalis. Sumunod si Chi.
Akmang tatayo na ako upang sumunod nang pigilan ako ni Lei. "Hmm, may sasabihin ka?"
Lumagok lang sya ng laway at nag salita na... "m-may gusto kaba sakanya?"
Kumunot ang noo ko, hindi ako tanga upang hindi malaman kung sinong tinutukoy nya... Umiling ako.
"Wala" walang gana kong sagot at tumakbo palabas.
Patawad Lei kung kailangan kong mag sinungaling. Alam kong masasaktan ka kaya naman mas pipiliin ko nalang na huwag sabihin sayo.... Tangina bat ba kasi ako ang nagusthan mo?
Saaking pag takbo ay sumunod narin si Lei. Naabutan namin sila na tila ba nag kukumpulan sa labas. Maraming estudyante ang gustong makapunta sa harap... "anong meron?" tanong ni Lei.
"Hindi din namin alam pero nag pupumilit sila na makalabas—" Hindi na naituloy ni Arthur ang kanyang sasabihin nang si Peter na ang mag patuloy nito.
"Dahil wala ng awa at tigil si Death sa pag paslang sa mga taong naririto." Seryoso nyang sabi, "Sabik na sabik na syang mahuli ang taong may rare blood,"
Bahagya namang napakunot ang noo ko sakanyang mga sinabi. "Nahanap na ang taong iyon?"
Tumango lang sila.
Kung ganon, dapat mag-ingat ng taong iyon mula kay Death. Pero kung mahuhuli sya ni Death ay paniguradong matatapos na ang lahat ng kasamaan nito.... Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko na namalayang kumikilos na pala ang mga paa ko. Nagising nalang ako sa katotohanan nang makita ko ang pintuan ng opisina ni Death.
Walang tao sa paligid.
Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapasok dito, kahit sino naman kasi ay walang karapatang umapak sa loob nito... Dahil andito narin naman ako ay bakit hindi ko pa ito pasukin, baka may impormasyon akong makita kung pano makalabas sa impyernong ito.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at tumambad saakin ang napakagulong kuwarto. Kulay itim ang paligid nito at kahit na anong bintana ay wala kang makikita. May desk at swivel chair sa kanan habang sa kaliwa naman ay may maliit na itim na couch at lamesa. Sa gitna ay may malaking picture na nag pakunot ng aking noo...
Unti-unti kong nilapitan ang malaking litratong iyon....
Isang matandang lalaki na sigurado akong around 45 years old, tapos katabi nya ang magandang babae na mahaba ang buhok na kulay brown. At ang nakapukaw ng atensyon ko ay si Death... Mukhang around 10 years old sya sa litrato... At hindi lang iyon.
Nanindig ang mga balahibo ko nang makita ko pa ang isang lalaki na katabi ni Death... Mag kamukha sila pero mas bata ang isang to, parang nasa around 8 lang ganon.
At lalo pang nanindig ang balahibo ko nang makita kong may pangalan pala sila sa ibaba....
Luisito Imperial ang pangalan ng matandang lakaki.
Leyandra Imperial naman ang babae.
At si Death... Ang pangalan nya ay Leonardo Imperial.
Umagos ang malalamig na butil ng pawis saaking noo matapos kong makita ang pangalan ng isa pang batang lalaki...
Leinard Imperial.
Ngayon, may kabuluhan na saaking isipan ang lahat.
***
Narrator
Walang awang pinaghahampas ng mga lalaking nakaitim ang mga estudyanteng nag pupumilit na tumakbo sa bawat paligid ng Imperno High... Ang mga lalaking ito ay ang mga tauhan ni Death. Ang kahit na sinong tao ang lumabag sakanilang utos ay pinapatay nila at kinakain ang puso. Wala silang awa kahit pa lumuhod at mag makaawa ka sakanilang harapan.
Sa kabilang banda naman ay nag lakad si Death sa pinakataas ng building A. Ang bawat taas kasi ng mga Building ay magkaruktong at hindi iyon alam ng lahat dahil sya lang naman ang taong nakakalabas pasok dito.... Ang kanyang laboratoryo.
Binuksan nya ang malaking pintuan at bumungad sakanya ang mahabang pulang carpet. Sa bawat paligid non ay may mga nakatayong itim na santo na kanyang sinasamba....
Naglakad sya diretso sa babaeng nakahiga at walang buhay... Ang kanyang ina. Nakahiga lang ito sa mahabang kama na puno ng ginto at pilak. Kumikinang ang babae sa kanyang mahabang bistida na kulay berde habang ang buhok nitong kulot ay nakabuhag-hag at nakakalat.
Hinawakan ni Death ang pisngi ng babae. "Ma... Mag tatapos narin ang pag hihirap mo," ngumisi sya at nag lakad paikot dito.
"Mahahanap ko na sya..."
Huling sambit nya sabay tumawa.
Malakas syang humalakhak na para bang sya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Tuwing pumupunta kasi sya dito ay lalo syang nadedemonyo, tila ba wala syang iniisip kundi ang sariling kagustuhan nya lamang.... At sa pag kakataong ito ay nakalimutan nya ang pangalang Sol.
...
BINABASA MO ANG
IMPERNO HIGH (School of Psycho)
AdventureAng storyang ito ay hindi base sa totoong buhay, pangalan, lugar at pangyayari ay kathang-isip lamang ng may akda. TAGALOG 🇵🇭 Isang grupo ng kabataan ang nag lakbay sa isang abandonadong paaralan. Ang buong akala nila ay isa lamang adventure o ka...