CHAPTER 23

98 5 0
                                    

Chapter 23


Dinala kami ng aming mga paa sa pinakataas ng bawat building. Hawak kamay kaming pumasok ni Death sakanyang laboratoryo. Maganda ang lugar at ang disenyo nito. Nag lakad kami pareho sa red carpet habang nakadiretso ang tingin ko sa magandang babae na nakahiga sa gintong kama. Napakaganda nya, paniguradong sya ang mama ni Death.

Nang makalapit kami doon ay sandali ko itong pinagmasdan. Kung titigang mabuti ay kamukhang-kamukha nya si Death. Pareho silang may matulis na ilong at magandang pilik mata. Saaking pag-uusisa dito ay may isang boses akong narinig kung kaya't napadako ang aking paningin sa kaliwa...

"Sol!" Pag tawag sakin ni Chi.

Nakatali sila nina Madona at Arthur, mabuti naman at wala silang masamang ginawa sa mga kaibigan ko... Nilapitan ko sila at isa-isang niyakap. Bakas sa kanilang mga mata ang pagtataka.

"Chi" Habang yakap ko sya ay bumulong ako. "wag mokong kakalimutan ha? Kahit na hindi na tayo mag kasama... Lagi ka paring pumunta sa favorite nating resto sa makati"

Tapos non ay binigyan ko sya ng halik sa pisnge. "Sol ano bang ibig mong sabihin?"

Umiling lang ako. Ayokong malaman nila na ako ang matagal ng hinahanap ni Death. Ako ang taong mamatay para matapos na ang lahat ng kasamaang ito.

"Arthur," Tumingin ako sakanya. "Ikaw ng bahala kay Chi, wag mo syang iiwan" Tumango lang sya na tila ba alam na kung anong ipinapahiwatig ko.

Sandali kong sinulyapan si Madona at nginitian, ganon lang din ang ibinigay nya saakin... Kahit na masungit ang babaeng ito ay tinuring ko narin sya bilang kaibigan, isa sya sa mahalagang tao sa buhay ko.

Tumalikod na ako at nag simulang humakbang papalapit kay Death nang marinig ko pang mag salita si Chi.. "S-sol! Ano bang ginagawa mo? Lumayo ka sakanya please"

Ito talagang si Chi napakaslow.

Hindi ko nalang sya pinansin at patuloy na nag lakad sa harap ni Death hanggang sa makarating ako sa harap nya. Tumango na ako at ngumiti, hudyat na handa na ako... Dinala nya ako sa likod non, malaki itong laboratoryo na pinaliligiran ng kung ano-anong makita. Sa gitna non ay may malaking kama na katulad ng sa mama nya.

Naupo ako don at pinagmasdan ang paligid...

"Ang ganda." Maluha-luhang sabi ko.

"eros mejor que todos, Sol"

Bahagya akong napakunot noo, "Mamatay na nga lang ako mag eespanyol kapa" Natatawa kong sambit.

Bahagya syang ngumiti ng maliit at lumapit saaking tenga. "Mas maganda ka sa lahat... Araw ko" Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay muli kong naramdaman ang lambot ng kanyang labi.

"Paalam" Sabi ko at nahiga na.

Binigyan nya ako ng mapait na ngigi bago sa pumwesto sa isang lamesa kung saan may mga itim na santo at libro. Ako naman ay pumikit na at tinanggap ang aking kapalaran. Mas mabuti na ito para naman ng saganon ay mapagbayaran ko lahat ng kasalanan na nagawa ko. Mas pipiliin kong ako ang mag dusa kesa ang mga taong nakapaligid saakin. Ilang sandali pa ang tumagal at wala paring nangyayari... Muli kong idinilat ang aking mata at nilingon si Death. Wala syang ginagawa, nakatingin lang saakin ang mga mata nyang lumuluha.

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon