Chapter 10
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala saaking isipan ang mga naganap kahapon. Napakalaking palaisipan ngayon saamin kung bakit hindi nalason si Death, alam ko sa sarili ko na ipinatak ko lahat ng nasa loob nung bote sa wine nya kaya naman bakit ito buhay na buhay?
"lintek na, hindi talaga madaling mapatay ang isang demonyo" inis na sambit ni Madona habang kami ay nasa likod ng building. Sobra ang inis nya matapos kong ikuwento sakanya ang mga naganap kahapon pati narin ang palpak naming plano.
"... Kailangan na talaga nating ng mas matinding plano para mapatay sya" Sabi naman ni Peter.
Ako, si Lei, Peter at Madona lang ang nag usap-usap ngayon. May kanya-kanyang pinag kakaabalahan sila Chi kung kaya't kami lang ang naririto. "Sasabihin ko na kina Serafina na palpak ang plano" Paalam saamin ni Madona saka sya umalis.
Hinilot muna ni Peter ang kanyang sintido saka sya hunarap saamin na para bang may naiisip na panibagong plano... "Hindi ko alam kung mag tatagumpay tayo sa pangalawang planong naiisip ko,"
"Madalas na mag punta si Death sa rooftop. Kahit kaylan wala pang nakapunta don kundi sya lang," Paliwanag nito.
"mukhang alam ko na ang nais mong sabihin," Seryosong sabi ni Lei saaking tabi. "... Pero pano ko mababantayan si Sol kung sya lang ang maaring pumasok sa rooftop?"
Mukha ngang alam ko nadin ang plano. Hindi naman ako sing tanga ng ibang tao para lang hindi ma gets ang mga sinasabi nila. Huminga ako nang malalim at seryoso silang hinarap. "Lei, kaya ko toh" bakas sa boses ko ang diterminasyon. Oo kaya ko, alam kong kaya ko kahit pa natatakot ako tuwing kaharap ko si Death.
***
"basta mag-ingat ka," paalala sakain ni Lei bago ko pindutin ang elevator. Bago pa man ito sumara ay panandalian kong sinenyasan si Lei na mag-iingat ako. Kinakabahan man ngunit kailangan ko itong gawin, mas lalo lamang syang lalakas kung patatagalin namin ang mga araw nya.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng elevator. Unang bumungad saakin ang napalakas na hangin, agad kong nataw ang magandang tanawin ng buong paligid. Puro matataas na puno ang naririto kaya naman talagang nakakamangha... Inilibot ko ang aking mata, wala si Death.
Nang wala akong makitang dimonyo ay gumaan ang aking pakiramdam. Dahan-dahan akong lumapit sa magandang tanawin. Wala itong harang kung kaya't mas madali kong magagawa ang aming planong pag patay kay Death... Ang mahulog sya dito mismo saaking kinatatayuan.
Wala naman pala si Death dito kung kaya't nag tagal muna ako ng kaunti. Hinahayaan ko lang ang hangin na humahampas saaking mukha, hindi ko naman alintana ang bangs kong nililipad-lipad sa hangin. Kaunting minuto ang lumipas at nakaramdam ako ng taong nag lalakad patungo saakin kaya naman agad ko itong nilingon—Si Death.
Hinahangin ang balabal na itim pero kahit ganon ay hindi ko magawang matanaw ang kanyang mukha. Hinahangin din ng kaunti ang kanyang bandang dibdib kaya naman nakasilip ito saakin. Kitang-kita ang maputi nyang balat.
"A-anong ginagawa mo rito?" utal na tanong ko.
"hindi ba't ako dapat ang mag tanong nyan. Anong ginagawa mo dito?"
Napalunok agad ako ng sandamak-mak na laway sakanyang tinuran. Dahan-dahan syang lumapit saakin kung kaya't dahan-dahan din akong napaatras... Saaking pag atras ay panay tingin ako sa baba, baka kasi ako ang mahulog imbis na itong kaharap ko.
"Ang ganda ng tanawin" bigla nyang sabi habang patuloy na nag lalakad.
Hindi ko sya sinagot. Kaunting lakas ko nalang kasi paatras ay mahuhulog na ako... Wala syang tigil sa pag lalakad saakin kung kaya't wala na akong nagawa kundi ang umatras ng umatras.... Hanggang sa muntik na akong mahulog.
Habol ang aking hininga habang ako'y nakapikit, sobrang lakas ng kabog saaking dibdib sa mga sandaling ito. Hindi ako nahulog... Nang imulat ko ang aking mga mata ay si Death agad ang bumungad saakin. Kitang-kita ko ang maputi nyang balat at ang kanyang mapulang labi. Ayaw ata mag pakita ng kanyang mukha kung kaya't sa malapitan ay hindi ko ito maaninag.
Ngayon ko lang naramdaman ang kanan nyang braso na nakaikot saaking beywang kung kaya't hindi ako nahulog. Ilang segundo pa kami nag titigan bago sya muling mag salita.
"ang ganda ng tanawin hindi ba?"
Bago ako mag salita ay lumagok muna ako ng laway... "o-oo"
Ngumisi sya.
"... Pero mas maganda ang araw"
Nanlaki ang aking mga mata matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon. Sa pangalawang pag kakataon muli kong naramdaman ang lambot ng kanyang labi. At sa pangalawang pag kakataon ay hinayaan kong halikan nya ako. Hinayaan kong halikan ako ng isang demonyo.
Tatlong segundo lang ang paghalik nyang iyon, maya-maya pa ay lumayo na sya saaking labi at tumapat saaking tenga... "que tengas un lindo dia" huli nyang sabi bago ako layuan.
Hindi parin naman makagalaw ang aking buong katawan sa mga nangyari. Hindi maitangging nawala ng bahagya ang kabang bararamdaman ko sa mga sandaling ito... Para bang kumislap ang aking puso.
"bumaba kana," seryosong sabi saakin ni Death habang sya ay nakatanaw sa malayo. "Mag sisimula na ang klase."
***
Mabilis akong nakababa buhat ng aking kaba. Hingal na hingal ako nang matagpuan ako si Lei na kanina pa naka tayo sa isang tabi habang inaantay ako. "Sol ayos kalang?" tanong nya habang inaalalayan akong makaupo.
"H-hindi ko sya napatay..." pag amin ko.
Tumango lang sya at niyakap ako na aking tinanggap. Hindi ko maaring sabihin sakanila ang mga nangyari sa rooftop, baka kung ano pang isipin nila. Ayokong masira ang aming plano.. Pero bakit ganon nalamang ang inaasta ni Death? Hindi ko sya maintindihan, at lalong hindi ko sya maintindihan dahil sa pag halik nya saakin kanina.
Ano bang nasa utak ng demonyong iyon?
...
BINABASA MO ANG
IMPERNO HIGH (School of Psycho)
AdventureAng storyang ito ay hindi base sa totoong buhay, pangalan, lugar at pangyayari ay kathang-isip lamang ng may akda. TAGALOG 🇵🇭 Isang grupo ng kabataan ang nag lakbay sa isang abandonadong paaralan. Ang buong akala nila ay isa lamang adventure o ka...