Chapter 6
Dumating na ang oras naaming pinakahihintay. Nag pakita na ang bilugang buwan at libo-libong bituwin sa kalangitan. Maingat kaming bumaba ng aming building sakay ng elevator. Maingat at tahimik din naming tinahak ang building B kung nasaan ang room ni Madona.
Hindi pa kami nakakalayo saaming building nang makarinig na kami ng sigaw galing sa isang lalaki.
Nagtago kami sa isang mapunong lugar. "shhh..." bulong ni Lei na nangunguna.
"ARHHHHH! TULONG!" sigaw nung lalaking kinakaladkad ng matanda.
"tulungan kaya natin sya—" hindi na natapos ni Arthur ang kanyang sasabihin nang pangunahan na sya ni Lei.
"kung tutulungan pa natin yan ay baka tayo pa ang mamatay." wika nya bago dahang-dahang nag lakad.
Nang makalayo na yung matanda at lalaking sumisigaw ay dali-dali na kaming tumakbo sa building B. Naawa ako sa lalaki, napakainosente nya kung pag mamasdan pero mamatay lang sya ng ganon-ganon. Gustuhin man naming tumulong ay wala din kaming magagawa... Baka kami pa ang sumakabilang buhay.
Sa pinakataas ng building B ang room ni Madona. Madilim dito at mahangin, tanaw na tanaw pa ang mga punong nag tatayuan sa buong paligid. Katulad ng kuwarto namin ay ganon lang din ito, maliit at mabaho.
Pinaupo nya kami sa maliit at sira-sirang couch nya. Isa-isa nya kaming binigyan ng kape na agad naming tinanggihan.
"baka may lason" bulong kong ipinarinig ko sa lahat.
Natawa naman sya ng mahina at naupo saaming harapan.
"ayaw na namin mag paligoy-ligoy pa—" at sa pangalawang pag kakataon hindi nanaman natapos ni Arthur ang kanyang sasabihin nang si Madona na ang nag salita.
"hindi ko maipapangakong makakatulong ako ngunit—"
"sira kapala eh," tinaasan ng kilay ni Chi si Madona. "sabi mo tutulungan mo kami tapos ngayon sinasabi mong ganyan-ganyan"
Bahagya nanamang tumawa si Madona na aking ikinainis. "teka lang, hindi pa kasi ako tapos mag salita"
"puwede pa ako muna?" tanong nya.
"... siguraduhin mo lang maganda ang mga letrang lalabas sa bibig mo kundi tatanggalan kita ng dila" panakot ko.
***
"tulad nga ng sabi ko kanina, hindi ko maipapangako na maililigtas ko kayo ngunit—matutulungan ko kayong masagot ang mga katanungang gumugulo sainyong isipan" Panimula nya.
Tahimik lang kaming nakikinig kay Madona, ramdam ko ang kilabot sa buong paligid kaya naman dikit na dikit ako kay Lei na mukhang inaantok na kanina pa.
"Sa tinagal-tagal kong naninirahan dito ay nakakilala ako ng iba't-ibang klase ng tao... Pero si Peter at Serafina ang kakaiba"
"At sino naman yung mga yon?" tanong ni Chi sabay lagok ng kape.
"... Sila ang dalawang tao na nag hahanap ng daan para makalabas sa impyernong ito..." Halos mainindig ang buong katawan ko matapos nyang sabihin iyon. May tao pala dito ang kayang palihim na labanan si Death.
"gumawa kami ng isang organisasyon na kami lang ang nakakaalam" panimula nya muli. "isang organisasyon na bumuo nang mga hukbo. Ang hindi alam ni Death ay nag sisimula na syang magkaroon ng mga kalaban..."
"at gusto kong sumali kayo sa organisasyong itinayo namin..." suhestyon ni Madona kaya't nag titigan muna kami.
"... Pero teka, ano bang pangalan ng organisasyon nyong yan? Bakit konti lang ang nakakaalam?" sunod-sunod na tanong ni Arthur.
"walang pangalan ang aming organisasyon nang saganon ay walang mag sumbong nito kay Death..." sagot nya.
Sandali kaming iniwan ni Madona para mag karoon ng pag-uusap. "Anong balak nyo? Sasali ba tayo?" mga tanong ni Chi.
"mas matagal ng namuhay rito si Madona kaya tiyak kong marami na syang nalalaman," seryosong paliwanag ni Lei.
At napag desisyonan na nga naming sasali na kami sa organisasyon nila Madona. Oo may pag dududa ako sakanya, pero wala naman atang masama kung susubok kami hindi ba. Isa pa tama si Lei, baka nga talagang marami nang nalalaman si Madona. Maya-maya lang ay lumabas na si Madona ng kuwarto at muling humarap saaming lahat.
"masaya ako na pumayag kayo saaking suhestyon," sa unang pag kakataon ay nakita namin ang pag ngiti ni Madona.
Maganda naman pala sya eh, sadyang mukha lang baliw sa magulo nyang buhok.
"pero teka," natigil naman kami sa pag inom nang kape nang mag salita si Arthur. "hindi pa namin nalalaman ang mga sikreto"
Oo nga pala, hindi kami puwedeng sumali sa isang organisasyon na walang kaalam-alam. Hindi nga namin alam kung bakit ginawa ito ni Death, kung bakit tila pumapatay sya ng ganon-ganon lang. At kung bakit pumapatay sya para dalhin sa morgue sa itaas ng building.
Ngumisi si Madona. "mas magaling si Peter mag kuwento kaya sakanya na kayo lumapit para dyan,"
***
Pagkauwi agad namin ng aming kuwarto ay nahiga na ako agad. Ang sakit ng buong katawan ko na para bang nag trabaho ako buong araw. Si Chi ay natutulog na habang si Arthur naman ay malalim ang iniisip saknayang kama at habang si Lei naman ay nasa kusina.
Patulog na sana ako nang maalala kong muli si Death.
Hanggang ngayon ay tila ba nararamdaman ko parin ang kanyang malalambot at mapupulang labi.
"ano ba Sol," mahinang sabi ko saaking sarili sabay hampas sa noo ko ng mahina.
Ilang minuto lang lumipas nang nag simula nang makatulog ang aking kaluluwa... Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngunit, bigla nalang akong nagising.. Pero hindi ako dumidilat, para bang gising ang aking kalukuwa pero tulog ang aking katawan.
Nakapikit lang ako nang makarinig ako ng mga yapak papalapit saakin...
Huminto ito saaking harapan at maya-maya lang ay naramdaman kong may humalik na saaking ulo.
"hindi kita pababayaan..."
Boses ng isang lalaki na tiyak kong kay Lei.
...
BINABASA MO ANG
IMPERNO HIGH (School of Psycho)
PertualanganAng storyang ito ay hindi base sa totoong buhay, pangalan, lugar at pangyayari ay kathang-isip lamang ng may akda. TAGALOG 🇵🇭 Isang grupo ng kabataan ang nag lakbay sa isang abandonadong paaralan. Ang buong akala nila ay isa lamang adventure o ka...