Chapter 21

389 10 0
                                    

Samantha's POV

I'm having a bad day. Ang aga aga, sambakol na mukha ko. Salubungin ka ba naman ng nanay mong napakainsensitive at walang bahid ng konsiderasyon sa katawan. Absent na nga sa school, absent pa sa trabaho. Galeng. *clap clap* Pssssh. -____________________- 

Inalis ko lang muna yung mga plato sa mesa. Di ko muna niligpit. Baka maubos plato namin ng wala sa oras. Diretso ako sa kwarto, bihis. May expert pa akong pupuntahan. Expert sa kakiyan. ;) 

Pagpasok ko sa living room, may cute na kumag na nakatunganga. Tss. Andito pa nga pala 'tong mokong na 'to. Muntikan ko na malimutan. 

"Oy, wala ka bang balak umuwi sa inyo?" Tanong ko sa kanya habang nililigpit yung mga magazine sa table? 

"Bakit? Wala pa ba ako sa bahay ko?" He grinned. I turned around. Tinignan ko siya. Tinging nakakamatay. 

"Sabi ko nga uuwi na ako e. Sabay na ako sa'yo. Hatid kita. Samahan na rin kaya? San ka ba pupunta?" Daming tanong. Pwede wag ngayon? Wala ako sa mood dumaldal. >.< 

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. 

Huminga ng malalim. 

Tumingin sa kanya. 

"UWI!" 

"'To naman. Di mabiro. Aga aga, nakasimangot agad." Tumayo na din siya. Unti-unting lumapit sa harapan ko.. 

AT PINISIL ANG MGA PISNGI KO. Waaaaaaaaaaa. >.< x"> 

"Ang cute cute mo pa rin kahit galit." *Smile* Oh, that smile. ~.~ Nakakapawi ng badtrip. 

Pero hinde, galit ka Sam, galit. Okay? 

I just looked at him. Pretending that he failed to cheer me up. 

"Hayy" yumuko siya sandali. Then, he stood straight. Draw his face close to mine. 

*Dugs, dugs, dugs,* Oy. Puso! Hinay-hinay lang. Ayan ka na naman e. 

Matangkad siya sakin. Kaya halos dumampi na ang kanyang mga labi sa aking noo. Nararamdaman kong inaamoy niya ang buhok ko. Pinikit ko ang mga mata ko.

Kahit sandali lang, nalimutan ko lahat. Ang tanging naaalala ko lang, Ako at si Kevin. 

Ayoko ng umalis. Ayoko ng gumalaw. Gusto ko ganito lang. Ganito lang sa tabi niya. 

Mahal ko rin siya, hindi niya alam. 

Hahayaan ko na lang siguro munang ganun. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako sigurado. Isa lang ang nasisiguro ko, masaya ako ngayong kasama ko siya. 

*RING RING RING* 

Basag moment. Awwtssuuuu. -____________________________- 

_ _ _ 

READ, VOTE COMMENT and FAN. Thanks. :) 

Panandaliang pampakilig muna. Nagwawarm up pa e. Tagal ding di nagsulat. x) 

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon