Chapter 15

455 7 6
                                    

Samantha's Pov

Tinitigan ko yung cupcake. Ang cute. ^_^ Tinignan ko si Kevin, he smiled. That smile. Kasing cute ng cupcake yung nagbigay sa kanya. ♥___♥ Kahit papano, narelieve yung stress ko. Tinitigan ko si Kevin. Medyo matagal. Di naman siya nalingon kaya okay lang. Shocks. Ang gwapo pala talaga nya. Aisht! Ansabeeee?! 

"Sam, alam kong gwapo ako. Pero maawa ka naman sa ibang girls. They won't have a chance to see my handsome face kung tutunawin mo ko sa titig mo." sabay tingin sakin with matching killer smile. 

Nandilim bigla paningin ko. Basag moment ka talaga Kevin! 

"Nuknukan ka pa rin talaga ng yabang e no?! Tsss." Okay na sana e. Gwapo ka na sana. Mayabang lang. -________- Pero, malaki utang na loob ko sa kanya. Daig pa niya ang mga bestfriends ko kung damayan ako sa problema. Kaya kahit ganyan siya, maha- Ayt. Mahalaga siya sakin. >.< Muntikan na. o.O 

"Pero salamat talaga a." sabay kagat sa cupcake. Di ko na matiis e. Para bang ang sarap sarap. >.< 

"Saan?" Nakatuon na siya ngayon sa table ng armchair ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakagat ulit dun sa cupcake. 

Palapit siya ng palapit sa mukha ko. x""""""""""""""""""""> o.O Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Waaaaaaaaaaa! Buti na lang di halata pag kinikilig ako. Di tulad ng iba na parang kiti kiti o nanghahampas ng katabi, ako, namumula lang ang pisngi. Wait, did I just said na kinikilig ako? >.< 

Halos mag nose to nose na kami. Nakaharang lang yung cupcake kaya di makapagdikit yung mga ilong namin. Shocks. Bakit ko ba hinahayaan mangyari 'to? Dahil ba sa gusto ko rin o hinang-hina na ako para pigilan siya?

"Sa cupcake o sa pagpapasaya sa'yo kahit papano?" sabay kagat niya sa cupcake. Waaaaaa! Mahabaging langit! Muntikan na ako malaglag sa upuan ko. >.< 

Toinkz! Binatukan ko si mokong. 'Tong lamang lupang 'to. Di porket gwapo ka! Pwede mo na akong ganunin. -______- Napakamot siya ng ulo. 

"Ang bigat ng kamay mo. Aray." *pout* Lumayo na siya sa armchair ko. 

"Hunghang ka kasi. Makikikagat ka pa sa cupcake ko." *pout* 

"Wag ka ngang magpout! Nakakainlove e." Kinurot niya ako sa pisngi. Grrrrr. >.< Parang tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa niya. Abot tenga ngiti. -______- 

"Aaaaaaaaaa. Tigilan mo nga yan! Ang ibig kong sabihin, salamat. Salamat dahil sa kabila ng kayabangan mo, di mo ako iniiwan." I smiled at him. A sincere smile. At alam kong napansin niya yun. Kasee..

"Finally, napangiti rin kita." At ngumiti rin siya. Yung ngiting kuntento at masaya. Yung ngiting pamatay. ♥_____♥ 

Teka, parang si Gette yun a. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa may pintuan. Ano kayang meron? Minsan lang kasi 'tong umalis ng lungga niya. 

"O Gette, napadalaw ka? Once in a blue moon yan a. Salamat nga pala dun sa kanina." nginitian ko siya. Well, di kasing sincere nung kay Kevin. Pero okay na yun. 

"May sasabihin ako sa'yo Sam." Ano ba naman klaseng facial expression at boses yan Gette? Daig mo pa namatayan. Mukhang panandaliang kasiyahan lang talaga ang pwede kung makuha. Pakiramdam ko, sa ibabalita ni Gette, guguho ang mundo ko. :| 

Nawala ang ngiti sa mukha ko.. 

"Ano yun Gette?" alam kong si Gette yung tipo ng taong di marunong magpaligoy-ligoy. Kaya huminga muna ako ng malalim para ibuwelo ang puso ko sa mga bagay na sasabihin niya.. 

"Hindi ko na sasabihing wag kang masasaktan dahil alam kong masakit 'tong ibabalita ko." di ako umimik. Hinayaan ko siyang magpatuloy. 

"Sam, you've been set-up. Kung ano man ang sinabi sa'yo ni Eugene sa letter, hindi totoo lahat yun. Plano yung lahat ng girlfriend nya. Lahat ng sinabi  niya sa'yo. Yung yakap. Hindi yun totoo. Inutusan lang siya nung espasol na babaeng yun para magawan ka ng scandal at makapaghiganti sa'yo." Umalis na siya. Ganun naman yun e. Pag nasabi na niya ang dapat niyang sabihin, aalis na. Tapos na nga naman ang misyon niya. At ako. Ayun. Naiwang tulala sa kawalan. Pilit iniisip yung nagawa kong katangahan. 

Bakit ko nga ba kasi pinatulan? Bakit ko pa pinuntahan? At bakit ko pa pinaniwalaan. 

Nagbell. Uwian na. Lumabas lahat ng nasa classroom. Ako, naiwan sa may pinto. 

Nang mawala na ang lahat. Napaluhod na lang ako at napaiyak. 

Unti-unti akong umupo, niyakap ang mga tuhod. Gusto ko lang umiyak. Umiyak ng umiyak. 

"Umiiyak ka na naman." may katabi na pala ako. That voice. Kevin. Di ko inangat ang ulo ko para tignan siya. Ayokong makita na naman niya akong ganto. 

"Hindi ka ba napapagod umiyak?" andami mo namang tanong. 

"Nag-aaksaya ka ng luha sa taong di ka naman binigyan ng halaga." kailangan kong sumagot. 

"Minahal ko siya Kevin." inangat ko ang mukha ko. Alam kong sobrang wasted ko ngayon. Pero.. 

"Alam kong nagmahal ka ng gago. Pero don't you think its about time to move on? Its been a year. At pinapamukha na niya sa'yo na matagal na kayong tapos. Na hindi ka na niya mahal. Bakit ba kasi umaasa ka pa? di niya ako tinitignan. 

"Kevin, hindi naman kasi ganun kadali yun e. Edi sana matagal ko ng nagawa di ba? Pero kahit anong gawin kong paglimot, kahit anong gawin kong pag-iwas. Pag nakikita ko siya, bumabalik pa rin lahat." I was shouting. I don't know why. Siguro dahil na rin sa sama ng loob. 

 "Alam kong mahirap. Pero hindi imposible. Kaya lang naman sa hindi ka makalimot ay dahil na rin sa ayaw mo." tumayo siya. "Sinasabi mong umiiwas ka, pero hinahanap-hanap mo pa rin siya." tinignan niya ako. "Tignan mo nga yang itsura mo." 

"Hindi mo naman ako maiintindihan dahil hindi ka pa nagmamahal! Sobrang sakit Kevin. Sobra!" tumayo na rin ako at hinahampas ang dibdib niya. 

He gently pushed me  to the door. 

 "Samantha! Nagmamahal din ako. Nasasaktan din ako. Dahil nagmamahal ako ng taong pilit nagpapakatanga sa taong walang kwenta!" he was holding my shoulders. Tears falling down from his eyes. 

"Sam, mahal na mahal kita! Di ko alam kung manhid ka lang talaga para hindi mo yun makita. Para hindi mo makita na ako yung laging nandito para sayo. Palagi na lang si Eugene ang nakikita mo." binitawan niya ako. 

"I'm sorry." yun lang ang nasabi ko. Hindi ko naman alam na may nasasaktan pala akong tao. 

"You don't have to be sorry." hindi man lang niya ako tinignan. 

 Umalis siya. Naiwan ako. Naiwan akong may gulong-gulo. May pupuntahan pa ako. At doon, kailangan kong itago lahat ng 'to. 

_  _  _ 

READ, VOTE, COMMENT and FAN. Thanks~  

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon