Kevin's POV
Haaaayy. Kakatapos lang ng first day ko sa school. Sabay kami umuwi ng pinsan kong si Bri. Di ko kasi nadala kotse ko kaya kinailangan ko maglakad pauwi. Badtrip. Anyways, Stellar Academy was great. Lalo na yung mga estudyante dun. :D
"Alam mo Bri, I met this really weird girl. Ansarap nyang asarin kasi ambilis mapikon. Siya ata magpapasaya ng buhay ko sa Stellar." just like the usual, ang saya-saya ko habang nagkukwento.
"Oh? Okay." Ang tipid talaga sumagot nitong pinsan ko. Nakakawalang gana tuloy magkwento. *pout*
Di na ako nagsalita habang naglalakad, I know I wouldn't get any good answers from her. Kaya nagsoundtrip na lang ako. I really hate walking. Kaya napagkakamalan akong spoiled at mayabang eh. Pero I'm not. Being the only son of a very successful business couple, what do they expect? Kaya nga pinili kong lumipat dito sa isang semi-private school kahit ayaw ng magulang ko. Kung anong gusto ko, kelangan makukuha ko..
"Una na ako Vin, ingat ka." nagpaalam na si Bri. . Magtataxi na ako from here.
Pag-uwi ko, buhay prinsipe na naman. Lahat ng bagay may gumagawa para sakin. Kung yung iba, pinapangarap ang gantong buhay, ako sawa na. Nagkulong ako sa kwarto. Wala rin naman akong makakausap maliban sa mga maids, ako lang kasi ang nakatira sa Mansion.
I can't sleep. Di mawala sa isip ko ung girl kanina. Di naman sya ganun kaganda, pero ang taray. Babyface sya masyado. Mukhang nene. Ayaw pa ibigay ung pangalan, pakipot masyado. Sa gwapo kung to? Tssss. I always get what I want, malalaman ko rin ang pangalan nya. Ansarap nya kasi asarin. May bago na naman akong laruan.
_ _ _
Maaga ako nagising. Excited na ako pumasok. When I went downstairs, breakfast was ready. Mag-isa na naman akong kumakain sa isang napakahabang lamesa na puno ng pagkain. Kawalang gana. Amp.
Sumakay na ako sa kotse. Boring sa bahay eh. Sa school na lang ako mangungulit. (^_^)\/
Pagdating ko sa school, nakita ko si Bri kasama mga kaibigan nya. Ano kayang klaseng mga tao kaibigan nito. Kasing tahimik kaya nya. I approached her to find out.
"Bri." I tapped her shoulder.
"Oh my gosh Gette, do you know this boy? He's so gwaappooo." masaya to, may babae na namang kilig na kilig sa kagwapuhan ko. :D
"Ahm, pi-pinsan ko sya." pati ba naman sa mga kaibigan nya ganto pa rin si Bri.
"Taraaayyyy! Seryoso ka te? Gwapo ahh. Di halatang magpinsan kayo." taee. Bakla pala un. Kala ko lalake. o.O
"Btw, I'm Lianna, Yhanny for short." pacute naman masyado to. Sayang, maganda pa man din sana, OA lang magmake-up.
"And I'm Blyke, don't worry, harmless ako." *wink*
"Guys." may biglang babaeng lumapit samin.
"Hi Sam, meet our new kaibigan. He's so gwapo noh?" Yhanny said still facing her face powder.
I turned around to see the girl, and I was stunned with what I saw.
"Sam pala ah, Kevin nga pala." kaibigan pala ng pinsan ko ang babaeng kahapon ko pa iniisip. I offered her my hand with my charming smile. ;)
"Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito ha?" sinigawan nya ako. Haha. Hanep talaga tong babaeng to. Di man lang naiinlove sa kagwapuhan ko.
"May regla ka te? Galit agad? Ang aga-aga oh." singit ni Blyke. Loko rin pala to.
"Onga. Ang rude mo naman. Wala man lang bang Hi at Goodmorning?" *wink* haha. Nastart na engine ko para mang-asar. Masaya to.
"Pwede ba, walang good sa morning! Hmph!" inirapan nya ako. Kakaiba talaga sya. I want her.
"Una na ako sa room ko guys, kita na lang tayo mamayang break, may asungot kasi dito." umalis na sya. Nakasimangot pa rin. Taray talaga. Sayang cute pa man din sana. In fact, maganda talaga sya. Ayoko lang aminin sa sarili ko na nagagandahan ako sa isang babae. But damn, she's cute yet hot. Samahan pa ng kakaiba nyang ugali.
"Sige Vin, una na rin kami sa room namin." Bri tapped me at the back.
"Bye cutiepie." The hell. Cutiepie? Hanep rin tong si Yhanny.
_ _ _