Chapter 14

435 10 0
                                    

Bridgette's Pov

Hayy. Ano ba yung ingay na yun? May nagsisigawan na naman? "_____" Oras ng tulog o. 

"A-" Napatago ako sa likod ng pader. Si Eugene at yung girlfriend niyang espasol. Bakit kaya sila nag-aaway? Paalis na sana ako, kaso. 

"Nakita mo ba kung gaano ako pinahiya nung haliparot mong ex ha? Ha?!" alam kong masamang makinig sa usapan ng iba. Pero tungkol 'to kay Sam. I have to listen. 

"Oo! Pero ikaw naman may gusto nito di ba? You planned all this so quit blaming me! Ikaw ang nagutos sakin na bigyan siya ng letter para magkascandal kami di ba? It's your own stupidity." Luuuhh. Sakit naman niya magsalita. 

"Pero gustong gusto mo namang yakapin siya!" umiiyak na yung babae. Wala talagang kwenta 'tong si Kevin. Di bagay sa mukha niya ugali nya. Ampupu. :x 

"Wala kang pakialam kung nagustuhan ko yun!" nagwalk-out yung lalaki. 

"Wag mo kong tinatalikuran Eugene!" sunod naman si babae. 

At ako, kumaripas ng takbo. Kailangan malaman ni Sam 'to. Bigla bigla na lang-

"Ouch" nahagip ako ng isang bike at napaupo sa lupa. Bakit ba kasi may nagbabike sa campus? Ano 'to park? -_____________- Di man lang tumigil yung nagbabike pero.. 

Kumaway siya at nagsorry.. 

"Hoy! Gette! Anong trip yan ha?" si Blyke. Kanina pa pala ako nakaupo dito at tulala. 

"Tumayo ka nga dyan! Mukha kang shunga!" Mas okay ng magmukhang tanga kesa maging tanga. Tumayo ako at lumapit sa kanila. 

"What are you doing there ba kasi?" si Yhanny. Kinakausap ako pero sa lalaki nakatingin. 

"Asan si Sam?" yup. Madalas ko silang di sagutin. Ayoko na kasing magkwento. Hahaba pa usapan. Nakakatamad. 

"Tignan mo 'tong babaeng 'to. Tinatanong ka ng matino nakakaloko sagot mo. Pektusan kaya kita sa lungs. >.<" imposible naman yun Blyke. 

"She's inside ng room nila. Kasama ang dearest cutiepie ko." sasagot din pala e. 

"Salamat" iniwan ko na sila. 

Hinanap ko room nila Sam. Di ko kasi saulado campus e. Maliban dun sa puno at likod ng canteen na madalas kong tulugan, classroom lang namin alam ko. Sabi nila, isang room lang daw pagitan nila sa room namin.. 

Eto na siguro yun.. III-A 

Pagsilip ko, andun nga si Sam. Kumakain ng cupcake. Ang cute naman nung cupcake. ♥_____♥ 

Nakita niya ako kaya lumapit na din siya. 

"O Gette, napadalaw ka? Once in a blue moon yan a. Salamat nga pala dun sa kanina." she was smiling, yet I know inside she's dying. 

"May sasabihin ako sa'yo Sam." nagbago expression ng mukha niya. Alam kong mas dudurog 'to sa puso niya pero kailangan niyang malaman ang katotohanan.. 

_ _ _ 

READ, VOTE, COMMENT and FAN. Thanks~ 

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon