Samantha's POV
First day of school. Eto ako ngayon nakatayo sa harapan ng malaking gate. Pagpasok ko dito, 3rd year highschool na ako.
Btw, I'm Samantha, my friends call me Sam. 13 years old na ako, pero may bahid pa ng kamusmusan sa mukha at mukhang kinapos sa height. -__- Para tuloy alanganing 2nd year alanganing 3rd year. Somewhere in the middle ung itsura ko.
Nasa labas pa lang ako ng gate pero rinig na rinig na ang malagubat sa siyudad na ingay ng mga estudyante. Kaya pumasok na ako, at di ako nagkamali sa inakala ko.
Yung mga dating estudyante, andun agad sa mga kaibigan nila. Yung mga babae, yakapan ng yakapan, kala mo naman di laging magkakachat o magkakatweet nung bakasyon, baka nga skype pa ee. Yung mga lalaki naman, as usual, kumpulan, malamang pustahan o dota na naman ang usapan. Pero ang nakakatuwa talaga tignan sa lahat eh yung mga freshmen. Yung iba may mangilan-ngilang kaibigan nung elementary kaya ayos lang sila. Pero karamihan, mga loner, nahihiya, minsan nga mukha pang nalilligaw.
"Hi, miss ganda." May lalaking biglang sumulpot sa harap ko. Anlaki ng ngiti. Tipong nang-aasar na ewan. Infairness, may itsura si kuya, mukha nga lang maangas. Ngayon ko lang siya nakita. Di naman mukhang 1st year. Transferee siguro.
"Excuse me?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kaw ba naman bulagain ng ganung bati eh ewan ko na lang kung di ka magulat.
"Bakit? Dadaan ka ba? Mamaya ka na umalis. May itatanong pa ako eh." Nakangisi niyang sabi.
Eh mokong pala to eh. Lakas ng loob mamilosopo. Di bagay sa kanya mukha nya. Grrrr. >.<
"Ang kapal rin naman ng mukha mo eh noh? Magtatanong ka na nga lang mambabara ka pa. Bahala ka sa buhay mo!" Taas-kilay kong sinabi sa kanya, sabay walk-out.
Nakakabadtrip talaga. Ang aga-aga may bwisit agad akong nakilala. I just hope he's not a senior. >_<
Dumiretso na lang ako sa canteen. At dun ko nakita ang mga taong dahilan ng pagpasok ko sa malaking zoo na ito. Baka sakaling maalis nila ang BV ko.
"Hi Saaaaaaammmmmm!!" malayo pa lang ako eh pakaway-kaway na si Blyke. ^_^ Kahit kelan talaga 'tong baklang to, este silahis pala, napakacheerful. He never fails to make me smile. Kasama nya sa table ang iba ko pang mga kaibigan na sina Yhanny at Gette.
Lumapit na ako sa table nila. Andami kong gustong ikwento, malamang sila rin. Walang katapusang daldalan na naman to. Baka sabihin nyo, ang lakas ng loob kong kumilatis ng iba samantalang kami rin naman ginagawa ung mga ginagawa nila. Ibang-iba kasi ang bakasyon namin. Nagbabakasyon kami mula sa school pero hindi sa responsibilida. Well, maliban kay Yhanny, scholar kami nina Blight at Gette. Nagtatrabaho kaming tatlo para masustentuhan pa rin ung pag-aaral namin dito sa Stellar Academy. Kaya, di katulad ng iba na pahila-hilata lang at maghapong nakaupo sa harapan ng tv, pc o laptop, di kami madalas makapag-usap.
"Alam nyo na ba mga sections nyo?" pambungad na tanong ko. Yun kasi ang isa sa mga inaaalala ko nung bakasyon. Dalawang taon na kaming magkakaklase, ayoko namang mahiwalay sa kanila.
"Hindi pa eh. Ayokong makipagsiksikan dun sa mga mandirigma sa labas, mag-amoy kalawakan pa ako dyan." -______- HAHAHA. Kahit di sya nagpapatawa, nakakatawa pa rin talaga si Blyke. Di nya talaga trip mapawisan at makipagsiksikan.
"Ako na lang titingin." si Gette. Ang pinakatahimik at misteryoso saming tatlo. Wanko ba, dalawang taon na kaming magkakaibigan pero di pa namin sya ganung kakilala.
"Thanks Gette, maaasahan ka talaga sa ganto." sagot ni Yhanny habang nagpapaganda sa salamin ng face powder nya. She's the Kikay one. Mayaman kasi. Di ko nga maintindihan tong lokang to eh, sa dinami-dami ng pwedeng kaibiganing kalahi nyang mga panatiko ng make-up at mini skirt eh kami pa ang napiling samahan. Pero ayos lang, katulad nga ng sabi ko kanina, loka-loka sya.
"Bakit parang BV ka ata sis? What's the problem" matapos magretouch eh sakin naman natuon ang attention ni Yhanny. Kilalang-kilala talaga ako ng mga to. Konting kilos ko lang, alam ng may problema.
"Kasi naman ang aga-aga may impakto agad akong nakasalubong sa labas eh. Sayang may itsura pa man din siya, kaso ang pangit ng ugali. Ang hangin. Tssss." iritable kong sagot. Ewan ko ba. Ang init talaga ng ulo ko pag umaga.
"Impakto? Agad agad?" pang-aasar ni Blyke. Pag sya nambabara sakin, natatawa na lang ako.
"Sis, gwapo? Baka you mean engkanto not impakto. Hihi. Ka-year ba natin? Do I know him?" humirit na naman tong si Yhanny. Landesa talaga buh.
"Impakto na o Engkanto. Aba malay ko dun sa lamang lupang un! Tingin ko transferee sya eh. Nako Yhanny ah, masama kutob ko sa mga sinasabi mo." sama ng tingin ko kay Yhanny. Ilang beses na ngang niloko ng mga lalaki, tuloy pa rin. Sayang lang kagandahan nya sa mga mokong na yun eh.
Nagbell na. Kelangan na namin pumunta sa mga rooms namin. Bat kaya di pa nakakabalik si Gette? Baka nadaganan na un aa. Ako na nga lang maghahanap ng section ko.
_ _ _