Chapter 10

495 11 3
                                    

Kevin's Pov 



"Uy, Sam-chii. Are you okay?" she's still not responding. Nakakailang tanong na ako sa kanya pero dedma pa rin siya. :/

"Ano ba kasi-" sinubukan ko abutin yung hawak niya but she pulled it away. Natauhan na rin siya. 

"Ah, eh. Wa-wala to..." she's lying. I can see it from her eyes. It's got to be something. 

"Are you sure? Kanina ka pa tulala diyan simula ng mabasa mo yan. I've been talking to but it seems you don't hear me." *pout* nakakatampo siya. Ang weird niya. Hindi pala weird, moody. Anyways. Yun naman ang nagustuhan ko sa babaeng 'to eh. She's always so surprising. 

"Wala talaga. Wag mo na ako isipin." there she goes. Iniwan na naman niya ako. Lagi na lang ganto eksena. Maiiwan ako, susundan ko siya. Pero I think that's okay. At least, I'm not like other guys na iiwan siya. :D 

As usual, solo flight ako papuntang room. Dadaan sa hallway na sunod tingin sakin ang mga kababaihan. Di ko naman sila masisi, GWAPO lang talaga ako. 8-D Napadaan ako sa room nila Bri, wala ng tao. Natuloy pala career fair nila. Tagal pa ng amin. I arrived in the classroom. She was sitting alone in one corner of the room. There really is something wrong. Ngayon lang siya nakitang ganto kaseryoso..

"Hi Sam-chii! Ang aga pa pala noh? :)" please smile. I can't take it seeing you like that. :( 

"Oh? Kailangan mo?" she answered. Pero di man lang tumingin. 

"Wala, namiss lang kita." *wink* Kindat na di naman niya nakita. Ayt. Kelan mo ba ako mapapansin my Dear Sam-chii? :( Naupo na lang ako sa tabi niya.

Natapos ang klase ng di siya umiimik. Di ko siya matiis. 

"Hatid na kita. Dala ko si Murcie :D" I offered her my hand.

"May pupuntahan pa ako." but she ignored me. Haizt. :( 

"Wait." hinawakan ko yung kamay niya. BSuti na lang nahablot ko pa. "I know you're not okay. I know something's bothering you. If you need someone to talk to, just call this number. I promise, I'll be listening. I'll even be there if you need me to. :)" I'll just be her friend. FOR NOW. HAHA. x) :| 

She nodded. Tapos umalis na siya. San kaya siya pupunta?.. 

_ _ _

Samantha's Pov

I'm sorry kevin. Marami lang akong iniisip. Ayy, actually hindi marami. Sadyang kaproble-problema lang ang iniisip ko. Bakit ba kasi ngayon ka pa babalik? Ngayon ka pa magpaparamdam kung kelan konting-konti na lang ay limot ko na lahat ng nararamdaman ko para sayo. Kung kelan handa na akong harapin ang bukas ng hindi ka sumasanggi sa isip ko ni isang bese. Tss. >.< Stupid past. Why do you keep hunting me? 

Pumunta ako sa rooftop. Andun ang inaasahan ko. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Ginawa ko lahat para sa kanya. Nagpakatanga. At kahit ginago niya ako, di ko nagawang magalit sa kanya ng sobra. Mahal ko pa rin siya. Maaring nabawasan na yun dahil unti-unti na akong natuto sa mga pagkakamali ko. Pero andun pa rin yun eh, mahal ko pa rin siya kahit ang sakit sakit na. Ewan ko ba. May lahi ata akong sadista. Tipong alam ko na ngang masasaktan ako pero go pa rin ng go. Para bang naeenjoy ko yung sarap ng sakit. 

This time, hindi na ako magkakamali. Gagawin ko ang dapat. Sasabihin ko ang dapat. Kahit masakit, kailangan kong magpakatatag. Dahil alam kong balang araw, ito ang magiging dahilan ng kasiyahan ko. 

"I knew it. Darating ka. Alam ko namang di mo ako matitiis eh. :)" he was about to hug me. But I stopped him. Hindi pwede. Di niya ako pwedeng mahawakan. Baka bumalik pa lahat ng di dapat balikan.

"Hindi ako pumunta dito para sang-ayunan ang mga sinabi mo. Andito ako para linawin sayo na kahit anong gawin mo, hindi na ako babalik. Minsan na kitang minahal, pero sinayang mo. Minsan na kitang pinahalagahan, pero binalewala mo ako. Minsan na akong naniwala sa mga kasinungalingan mo. Minsan mo na akong ginagago. At higit sa lahat, minsan na rin akong nagpakatanga sayo." he was looking in my eyes. Mahabaging langit! Tulungan nyo ako. Tinititigan na naman ako ng mga matang matagal tagal ko ring inasam na tignan ako ulit.. 

"Handa na akong magbago. Handa na akong mahalin ka ng totoo." sabi niya. Di ko mawari kung nagsisinungaling siya o hindi. Pero wala akong pakielam. Tuloy pa rin ang plano. 

"Maaaring handa ka na. Pero ako, ayoko na. Sorry. Wag ka ng umasa. Wala na talaga Eugene. Wala na." wohooooo! I've said it. Makaalis na nga. Ansarap sa feeling na yung dating hinahabol ko, hahabol habol sakin ngayon. Paalis na ako kaso,

He hugged me from the back. Wala akong nagawa. Nagflashback lahat. Antagal naming ganun. Pano ba to? Eugene. Parang awa mo na. I already gave you so much of my life. Ibigay mo naman sakin ang buhay ko oh.. Kelangan kong kumawala. Kelangan ko ng maging malaya. Malaya mula sa mapang-aliping pag-ibig sa maling tao. Kaya ko to. Kahit masakit. Inalis ko ang mga bisig niya sa pagkakakapit sakin. Masakit kumawala, pero this will be worth it. I hope so. 

Sa ngayon, kailangan ko ng kaibigan. Ng kausap. 

_ _ _ 
Pasensya na kung maiksi yung update. Busy week >.<
READ, VOTE, COMMENT and FAN. Thanks~

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon