Samantha's POV
Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Hindi kami magkakaklase. Actually, ako lang ang nahiwalay sa kanila. Waaaaaaa! Life's unfair. >.< :| And to make things worse, nagssama-sama ata dito sa klaseng to ang ilan sa mga taong ayaw ko. Goodluck.
Sana naman may kumausap sakin dito. Di ko kasi ugali yung parang tatakbong mayor kung bumati sa mga bagong kaklase. I am approachable, but never the one to approach people. Nilalapitan, hindi lumalapit. Chix ako eh. (Joke lang) (^_^)\/
"Hi." may biglang kumulbit sa likod ko habang nag-aayos ako ng gamit. May tumabi na ata sakin. Buti naman. Kala ko forever alone na ako eh.
Pag lingon ko, ang inaakala kong bagong kaibigan, impakto palang nagkatawang tao.
"Ikaw na naman?" imbes na maghello, yun na lang ang nasabi ko.
"Ang weird mo talaga bumati. Yup. It's me again." ang hangin talaga. >.<
"Are you sure you belong to this section? Baka naliligaw ka ulet?" tanong na naman. Bakit ba, sa hindi ako makapaniwalang sa dinami-dami ng tatabi sakin eh sya pa.
"Yup. I'm 100% sure. Di na ako naliligaw.." nilapit nya ng onti ung mukha nya sakin.
"Kasi may mabait na tumulong sakin." ngumiti na naman sya na parang nang-aasar.
Nakakabadtrip talaga. Grrrrrrrrrr. >.< Kundi lang talaga dumating yung adviser namin baka nasampal ko na to.
Habang nagoorient yung teacher, tingin sya ng tingin sakin. Nakakailang. May sayad yata to eh. Sayang talaga kagwapuhan nya. Totoo nga atang, in life, you really can't have it all. Shiiz. Di ko na kinaya. Kaya habang nagsusulat si Ms. sa board, I whispered to him.
"Will you stop looking at me. Nakakailang ka na eh. Pag di ka tumigil, masusuntok kita" with matching killer eyes.
Natigilan sya. But he moved closer to me and whispered to my ear softly. "Pwede bang kiss na lang? Promise titigilan kita." He grinned.
Natulala ako sa sinabi nya. Bwisit talaga tong lalaking to. Mukha natuwa pa sya sa naging reaksyon ko. Kainis. Pagtiisan na nga. Matatapos na naman to. Then, makakauwi na ako. 3 hours lang kase ang klase samin pag first day. Orientation lang ng adviser. Buti na lang talaga at walang seat plan sa house rules namin. Makakalipat ako ng upuan bukas.
Right after class, lumabas na agad ako. Kaso may humila ng bag ko sa corridor.
"Miss ganda, wait lang, di ko pa alam pangalan mo." yung impakto na naman.
"Wala ka ba talagang balak lubayan ako? At bakit ko naman ibibigay sayo ang pangalan ko ha?" Oo, mataray ako sa taong dapat tarayan.
"Dahil kaklase kita, don't tell me you think I'm interested in you. You're not my type." then he gave me that grin.
"Ang yabang mo rin talaga eh noh? What makes you think that I'll give you my name dahil lang magkaklase tayo. Lakas rin naman ng self confidence mo. Feeling gwapo." inirapan ko sya. Sobra na talaga tong lalaking to.
"Bakit? Hindi ba?" ngiti. "Okay. I guess I'll have to find that out myself" umalis na sya.
Nakakainit talaga sya ng ulo. Umalis na rin ako. After school, di na ako gumala. Di ko na hinanap sila Blyke. Wala na ako sa mood kaya diretso uwi na ako. Lalakarin ko lang naman eh. Kaya kahit ako na lang mag-isa. Parang ayoko ng pumasok bukas. T_T
Habang naglalakad ako pauwi, may nakita akong lalong sumira sa araw ko. Kakabanas talaga. Bakit ngayon pa kayo sumulpot at nagpakita kung kelang sirang-sira na araw ko. Tsaka bakit andito tong mga to, ang alam ko lumipat na sila. Sana di totoo ang naisip ko. Mahabaging langit, parang awa nyo na. Di ko kakayanin kung araw-araw may ganto akong makikita.
Magkahawak pa sila ng kamay habang naglalakad. Naaalala ko pa nung ako ang ginagawan nya ng ganun.. Nung sabay kami umuuwi lagi.. Nung nagkukwentuhan pa kami sa bahay namin sa tuwing hinahatid nya ako. Parang kelan lang. AYYYYYYY. Bakit ba inaalala ko pa? Wag tanga Sam, wag tanga. Kalimutan na ang dapat kalimutan.
Naglakad na lang ako ng mabilis. May tumulo na pa lang luha sa mga mata ko. Baka mapagkamalan pa akong sira ulo nito. Sana lang di nila ako nakita. Sana..
"Sam!" may tumawag sa pangalan ko. Yung boses na dati gustong gusto kong marinig pero ngayon kinamumuhian ko na. Pinilit kong lumingon kahit na nagtatalo ang puso't utak ko. Gusto ng utak kong lumingon at ipakitang masaya ako kahit wala sya. Na palaban at mas maganda na ako kesa noong iniwan nya ako. Na maglaway sana sya sa babaeng niloko at iniwan nya. Pero ayaw ng puso ko. Ayaw nyang masaktan sa makikita ng mga mata ko.
Nanaig ang utak ko. Mabuti na rin siguro to. Palaban na nga ako di ba?
Nakangiti akong humarap sa kanila. Parang walang nangyare.
"Oh? Long time no see ah. Nahiya ka na bang ipakita mukha mo sa mga tao pagkatapos ng ginawa mo? ngiting may bahid ng galit ang binigay ko..
"Oh God Sam, you're.... HOT." nakatitig lang siya sakin.
"Ano ka ba Babe? She insulted you. Umalis na nga tayo." sabat ng girlfriend nyang mukhang espasol sa kapal ng foundation.
Nakangiti ako buong oras na nagkaharap kaming tatlo. Sabi ko na nga ba eh, alam ko na tipo nya. Nganga talaga sya sa mga gantong itsura. Goodluck na lang sa bago nya. Bagay naman sila eh. Di marunong makuntento sa isa. Dumiretso na ako sa paglalakad. Parang walang nangyare.