Samantha's POV
Hayy. Napapabuntung hininga na lang ako. Isang araw pa lang naman ang nakakalipas pero pakiramdam ko, isang taon na ang dumaan sa buhay ko. Yung kagabi, yung kaninang umaga, para bang ang bilis bilis. At sa sobrang bilis, parang napagod ako bigla. Wala na akong maintindihan. Gulong-gulo na ako. Kailangan kong mapag-isa at mag-isip. Kunsultahin ang puso ko kung sigurado ba siya o hindi. Ayt.
"Ayy, manong, sa tabi na lang po." Kakaisip ko ng kung ano-ano, lampas na pala ako dun sa bahay ng mga magulang ko. Okay, bahay ko na rin. Maglalakad na nga ako, medyo mas malaki pa babayaran ko dahil sa metro. Hanep. -___-
Matagal akong nakatayo sa harap ng mansion. Ilang taon na ba ang nakakalipas nung huli akong umuwi dito? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na masyadong matandaan. Ni hindi na nga malinaw sakin ang itsura ng bahay. Makapasok na nga.
Nasa hagdan pa lang ako papunta sa main door e patakbo agad akong sinalubong ng Ate Carissa ko. Ang napakaganda, napakatalino, napakasopistikada kong ate. Oo, halos perpekto.
Di naman sa naiinggit ako, well, medyo. Nakakainis lang pag napagkukumpara sa isa't-isa. Alam kong normal yun sa magkakapatid, pero samin kakaiba. Sobra. Magkaibang-magkaiba kasi kaming dalawa e.
Pero ayos lang, mahal ako ng ate ko. At mahal ko rin siya. Kaming dalawa ang laging magkasangga. Magkapatid nga di ba?
Sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap. Grabe. Namiss ko ate ko. Mas matured na siya ngayon. Shocks. Magiging ganito rin kaya ako someday? xD 3 years lang naman ang tanda niya sakin pero parang pwede na siyang sumali ng America's Next Top model. Shiiz.
"Oh, hi baby Coleen." She gave me a very warm smile.
"Ate naman e. 3rd year highschool na ako. Ginaganyan mo pa rin ako. -_____-" *pout*
"Ayy. Nako. Wag kang maginarte diyan. You will always be my baby"
She kissed me on the forehead. Hayy. I really love her. :">
Pumasok na kami sa mansion. Medyo malaki rin ang pinagbago ng bahay. Umakyat kami dun sa grand staircase. Ngayon lang pumasok ulit sa isip ko na, mayaman pala kami, ako.
Wala naman talagang masama sa pagiging mayaman e. Sarap buhay nga kung tutuusin. Pero pag umabot na sa puntong may gusto kang gawin para sa sarili mo at hindi yun nagustuhan ng mga taong nagpapakain sa'yo, goodluck na lang sa sandamakmak na sumbat. Pakiramdam mo palamunin ka lang talaga para sa kanila. That's why I preferred to be independent. Yung ako nagtutustos sa sarili ko. Walang sinasandalang ibang tao.
"I can see you're quite stunned with the interior of the house. Mom and Dad made some renovations lang year. So, voila! Here's what we've got." Sabi niya habang proud na proud sa bahay nila Mama, este, MOM and DAD.
Nagpunta kami sa isang kwarto. Malaking kwarto. Well, I'm not surprised. Mansion nga e. Ayy nako Sam. Gising gising nga sa katotohanan. May binuksan siyang isa pang pinto.
Napanganga ako sa nakita ko.
Walk in closet! *_* Puro gown at dresses sa left side at puro sapatos naman sa right side. At sa gitna, iba't-ibang set ng jewelry. Damn, this is life. This is exactly what a girl wants. Ehem, ehem. Wake up Sam. Eto nga yung buhay na inayawan mo di ba? Wag kang masilaw. -_________-
"Are you ready?" basag ni ate sa pagkakamangha ko.
"I guess so." Kibit balikat akong tumingin sa ate ko.
Hala. Isang oras na nakakalipas pero paglilinis pa lang ang nagagawa namin ng ate ko. Kung ano anong pahid at buhos. May pagwax pa. Ayoko ng pag-usapan yan.
"Better." Ngiting-ngiti ako habang namamangha sa masterpice niya.
"Better ka dyan. Ang hirap hirap pala maging kasingganda mo." *pout*
"Nako, hindi a. Tiis ganda lang yan baby. Maupo ka na dun sa harap ng salamin." sumunod naman ako sa sinabi niya. Ang laki ng salamin sa harap ko. Sandamakmak na make-up at kung ano-ano pang pampaganda ang bumulaga sakin. Hahayy.
"Ate, ano nga palang susuotin ko?"
"Makikita mo mamaya. Mom chose that. So, I bet it's damn gorgeous. Especially, you're the one wearing it." I rolled my eyes at her.
Inayusan niya na ako. Butas na ata puwitan ko sa sobrang tagal kong nakaupo. xD Paglagay niya ng "Finishing touch"
Napanganga ako sa salamin.
"Sino yan?" O.o
_ _ _
READ, VOTE, COMMENT and FAN. Thanks. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/1967993-288-k35178.jpg)