Ang buhay, parang multiple choice exam yan. Madaming tanong, pero mas maraming kasagutan na pwedeng pagpilian. Yung tipong choose the best answer. Madalas nakakalito, masakit sa ulo. Lahat kasi posibleng sagot, lahat pwedeng tama. Nakakapangdalawang isip. At ang problema, kailangan nating mapili ang pinakatamang sagot para makamtan ang pinakamagandang resulta. Bawat subject ay may katumbas na aspeto sa buhay. Lahat tayo examinees. No exemptions. No erasures.
At dahil parte na ng buhay ang pag-ibig, walang nakakaligtas sa bangis ng hagupit nya. Yung tipong Major subject na mahirap na masaya. Bawat grade o level mo sa buhay di nawawala. Ayaw napag-iiwanan ng pag-ibig kaya lagi na lang siyang kasama. Minsan bigla na lang sumusulpot ng di mo inaasahan, minsan nga di pa nakikita. Pero mas madalas, hinahanap-hanap natin ang pag-ibig. Yung kilig at kakaibang saya, yung hapdi at kirot na siya lang ang makakapagdulot. Sa mga baguhan, o yung kakatagpo pa lang, kadalasan, yung napakaraming katanungan na dapat nilang masagutan. At sa bawat tanong, kailangan pag-isipan mabuti ang isasagot. Di naman masama ang magkamali, masakit nga lang. Pero kagaya na rin ng sabi ng iba sa gantong larangan, wala kang matututunan kung di ka masasaktan, di mo malalaman kung hindi mo susubukan.
At ito ang kwento na para sa lahat ng dalaga/binata, nagdadalaga/nagbibinata at sa mga nagfi-feeling teenager dyan. x)
May kiliti ng kilig, sundot ng tawa at lasa ng drama.
_ _ _
First story ko. Newbie. x)
Pagpasensyahan na kung di kagandahan, gusto ko lng naman subukan. :)))